Chapter 34

252 18 1
                                    

Hindi niya sinabi kay Gideon ang nangyari sa Domesticated Forest. Tinago niya rin ang recording pen at hindi pinaalam sa opisina ng Guidance, sa pagbabakasakaling walang lalabas na sikreto. Pero hindi rin pala.

Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kaniya. Nagbulong-bulongan. May ibang sumisilip sa phone at panaka-nakang tumitingin sa gawi niya. May kakaiba sa Unibersidad.

"May asawa na raw, Pre."

"Sayang. Liligawan ko sana."

Napatingin siya sa dalawang lalaki. Bumilis ang lakad ng mga ito. Dumiretso siya.

"Hindi na 'yan virgin, girl."

"Naku, magwawala si Simoen Saavedra 'pag nalaman niya 'to."

"The good thing is... wala siya ngayon."

"Right, girl."

Lumunok siya at mabilis na pumasok sa Engineering building. May ilang napapatingin sa kaniya pero kalaunan ay bumabalik sa ginagawa. Mabuti na lang at wala siyang chismis na naririnig sa loob ng gusali. Mabuti na lang talaga.

Mabilis siyang umakyat sa hagdan at patakbong tinungo ang unang classroom.

"Miss?"

Napatingin siya sa lalaking may eyeglass at sa iba pang nakatitig sa kaniya.

"Do you have something to say? We're going to start."

"S-Start?"

Nangunot ang noo ng lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "You're not familiar. Are you a Civil Engineering student, Miss?"

Mabilis siyang umiling at bahagyang natawa. "N-No. I think I'm lost. Thank you. Bye!"

Taka siyang tiningnan ng lahat ng taong nasa loob kaya mabilis siyang lumabas. Naiiling niyang tinakbo ang hallway patungo sa silid-aralan ng unang subject. Hingal siyang pumasok sa loob at nanghihinang naupo sa unang upuan.

"Gusto mo ng tubig?"

Tumango siya at tinanggap ang inalok ni Jasmine. "T-Thanks..."

"Alam mo, kung hindi lang kita kilala, maniniwala ako sa article ng website."

"Website?" takang tanong niya.

"Yup. Here." Pinakita nito ang article ng UDM Website. "It says that...

Jewel Laine Mangubat is married. She tries to seduce Simoen and quarrel with Sheena - the fiancee of Mr. Saavedra. The little girl is doing a thing with the boy that's why Ms. Marquez is seen with Ms. Tiara - Jewel's ex-friend. And Ms. Selestales knows this thing so she ended the friendship she and Jewel have. Now, what will be the next move of the UDM's most precious but dark princess?...

Hindi ko nga alam kung anong nangyayari at bakit sinisiraan ka ng taong 'yan. I already filed a complaint in the office about this, but according to them, hinahanap pa nila ang IP Address ng device na ginamit. Himala kasing biglang nawala ang data."

Nag-iwas siya ng tingin. Nanubig bigla ang paningin niya kaya tumingala siya at ilang beses na huminga nang malalim.

"The whole B1 is with you, Jewel. 'Wag kang mag-alala. Hindi kami naniniwala sa article. Kilala ka namin simula grade eleven kaya hinding-hindi kami maniniwala sa mga paratang na binabato sa 'yo," ani Jasmine.

Nabigla siya nang may humawak sa balikat niya. Pagtingin niya, si John Drail. Ngumiti ito sa kaniya. "Wala si Joseph para asarin ka pero hayaan mo, 'pag bumalik na 'yon, siguradong bugbog-sarado ang gumawa niyan sa 'yo."

Ngumiti siya sa nanlalabong paningin. "Thank you."

Niyakap siya ng dalawa. Hanggang paisa-isang yumakap ang buong B1. Natatawa na lang siya sa kakulitan ng mga ito pero sa loob-loob ay nagpapasalamat siya. Hindi niya alam na ganito ang trato ng mga ka-block sa kaniya, gayung hindi siya nakiki-bonding sa mga ito.

"I promise guys, magiging mas mabait na ako sa inyo," aniya.

"Naku, 'wag na, Jewel. Mas sanay kami sa ilag na Jewel Laine. Di ba guys?" natatawang saad ni Madeline.

Nagtawanan sila. Nahinto lang nang may umikhim. Si Professor Malkov. "So, what's happening here?"

"Wala, Prof. Nag-group hug lang," ngiting sambit ni John Drail. Kumindat ito sa kaniya na siyang ikinatawa niya.

HINDI siya halos makahinga sa titig ng mga estudyante. Ganito rin ang naramdaman niya nang mag-eskandalo si Sheena sa canteen noon. Bumabalik lahat. Tama nga sila. History repeats itself.

Mabilis niyang niligpit ang lahat ng gamit at nagmadaling lumabas ng canteen. Nakita niya si Sheena at Tiara kaya pumasok siya ulit sa loob ng canteen at nagpasyang gumamit ng back door. Pinagalitan pa siya ng tindera pero ininda niya iyon hanggang makalabas sa bodega.

Huminga siya nang malalim at napatingala sa Agriculture building. Nanubig ang mga mata niya at patakbong tinungo ang gusali. Hindi niya inisip ang mga matang nakasunod sa kaniya.

Paulit-ulit niyang pinindot ang button ng elevator.

"Come on... C-Come on," nanginginig na bulong niya.

Humikbi siya at tinakbo ang hagdan. Hingal na hingal siya nang maabot ang ikapitong palapag. Nandidilim na rin ang paningin niya at nahihilo sa kawalan ng hangin.

"G-Gideon..."

Kahit nahihirapan ay pinuwersa niya ang sariling maglakad. Nanginginig ang tuhod niya at papikit-pikit ang mga mata. Paulit-ulit niyang binubulong ang pangalan ng taong sa tingin niya ay makakatulong sa kaniya. Ang taong tanging pinagkakatiwalaan niya sa oras na 'yon. "G-Gideon," pumiyok ang boses niya.

Napahawak siya sa dingding. Marahan niyang kinatok ang pinto ng silid-aralan nito. Bakit ayaw bumukas? Bakit walang bumubukas? Nakagat niya ang labi nang pumikit ang mga mata niya. Mariin siyang napahawak sa seradura.

Umikot iyon at bumukas ang pinto. Nahulog siya sa mga braso ni Gideon.

"Jewel? Jewel!"

Nanghihina siyang napatingala at ngumiti sa Professor. Nabaling ang tingin niya sa mga taong nakaupo sa mga upuan. "M-May klase ka pa p-pala," sambit niya bago tuluyang bumigay sa pagod.

"Jewel!" narinig niyang sigaw ni Gideon. Naramdaman niya ang paghawak nito sa ilalim ng hita at likod niya. Umangat siya. "Continue making your project. When you're done, leave it on my desk."

Ramdam niya ang mabilis na paghinga ni Gideon habang binubuhat siya nito patungo sa kung saan. "Jewel, what have you done this time?" bulong nito.

#020821.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon