Chapter 27

264 18 0
                                    

"Laine?!"

Marahan siyang ngumiti kay Tiara at humarap kay Gideon. Bahagya siyang yumuko. "Salamat sa paghatid, Professor."

Nanatiling nakatitig sa kaniya si Gideon at maya-maya pa'y tumango. "Are you sure you don't want to visit the clinic?"

Umiling siya. "I'm fine. Wala namang sugat saka... I don't want to see Nurse Julie."

"Julie..." Tumango si Gideon. "I understand. I'll better go." Sumulyap pa ito sa tatlong kaibigan niya bago tumalikod at naglakad palayo.

Bumuntong-hinga siya. Of course, naintindihan ni Gideon. Hindi naman siguro manhid 'yon para hindi malamang not in good terms sila ni Nurse Julie.

"Laine! Laine? Did you jump on a cliff? Or dive in a muddy pod? Laine naman, you look so pathetic!" sabi ni Tiara.

Umiling siya. Wala siya sa mood para makipagkuwentuhan sa tatlo. Isa pa, gusto niyang tawagan si Gideon. Alam niyang may naiisip itong plano. Maybe, ipapa-suspend si Simoen or worst, ita-transfer siya sa ibang University.

"Ano bang nangyari sa 'yo, Laine? Andumi ng uniform mo. You should see yourself in a mirror," ani Hazel.

Umikhim si Gabbi. "Sabihin mo nga sa amin, may ginawa ba 'yong lalaking Prof sa 'yo?"

Napatingin siya rito. Natahimik din si Tiara at Hazel. Nanlaki ang mata ng huli at tinakpan ang bibig. "Naalala ko! Siya 'yong bagong Professor sa Agriculture! Laine, 'wag mong sabihing ---"

"Girls, stop. I want to be alone," matamlay niyang sambit. Isa-isa pa niyang tiningnan ang tatlong kaibigan bago pumasok sa loob ng kuwarto niya. Tulala siyang naglakad papunta sa kama at dumapa roon.

It's been... months. She don't want to remember but things are getting out of hand.

Sinubsob niya ang mukha sa unan at sumigaw. Nagsimula nang maglandas ang luha sa pisngi niya at ilang beses na rin siyang lumunok. Hindi pa rin nawawala ang sakit. Hindi. Akala niya ay nalimutan na niya ang kirot sa puso niya. Pero nakatago lang pala. Parang isang baul na nilagay niya sa kailaliman ng memorya niya, at isang hukay lang at babalik na naman ang masasamang ala-alang pilit niyang binalewala.

Humagulgol siya. Namaluktot at impit na sumigaw. Isang klase ng sigaw na hindi makawala. 'Yong klase ng iyak na sobrang sakit. Sa sobrang kirot, napatingala siya't nagsumamong mamatay na lang. Malagutan ng hininga.

Kung pwede lang sanang mamatay sa oras na 'yon... kung pwede lang sana.

Dahan-dahan niyang dinukot ang cellphone sa backpack. Ilang buntong-hinga ang ginawa niya para pakalmahin ang panginginig ng boses at paghahabol ng hininga. Lumunok siya at hinanap sa contacts ang pangalan ni Gideon. Pinindot niya ang call button.

Isang ring palang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Jewel," bati ng asawa.

Marahan siyang napangiti. "H-Hey."

"I'm driving."

"S-Shall I end the call?"

"No." Narinig niya ang buntong-hinga nito. "Papunta ako sa Munisipyo."

"What?" Bahagyang nangunot ang noo niya. "Why?"

"I want to talk with Dad... to cut your scholarship."

Napabalikwas siya. "G-Gideon, n-no. Don't."

"Trust me. I'm doing this for your own good, Jewel."

"But I can't lose my scholarship... you know that," bulong niya. "I'll be okay, I promise."

Narinig niya ang pagpatay ng makina ng kotse at paghampas sa manibela. Ilang minutong natahimik si Gideon bago muling nagsalita. "I can't just stand here doing nothing. I am your husband. I should be the one protecting you."

Napapikit siya. "Gideon, listen. You've been a good husband to me. This thing? Please, let me clean my mess."

"That Saavedra will never leave you. I know that, Jewel."

"And I know that, too. I can handle this."

"Kung hindi kita hinanap, baka nagawa na niya ang plano niya sa 'yo. May tiwala ako sa 'yo, Jewel. Pero sa batang 'yon, wala."

"G-Gideon."

Muling nabuhay ang makina ng kotse at narinig niya ang pagtakbo niyon. Napalunok siya. Mukhang desidido na itong gawin ang gusto nito. "Gideon please..."

Pero nanatiling tahimik si Gideon. Alam niyang nakikinig lang ito sa kaniya kaya humiga siya ulit sa kama at huminga nang malalim. "You want to know who he is, right? 2 years ago, nakilala ko si Simoen."

Nanlabo ang paningin niya. Lumunok ulit siya at bumuntong-hinga. "He courted me for months, and after five months, we became official. Masaya siyang kasama. Sweet. Saka, gentleman. He's popular back then so girls were fantalizing him, including Sheena. She said that she don't like Simoen but I know that it wasn't true. She likes him. So she tried to keep her way between us."

"Grade 12. December. A year and a month, when he tried to have me. I don't know why. It happened after our Christmas party. We were alone in flower garden and we kissed. Kung hindi pa sumulpot si Joseph, he would've succeeded. And I went home for days, without saying goodbye to him. After the Christmas break, Sheena announced that she and Simoen were engaged. In that time, I have a reason to break up with him. And we didn't talk for three months until we graduated. Last summer, I went back to my old life. Just this June, he wants us to be back." Pagak siyang natawa. "I can't just forget how devastating it was. To know that injustice is everywhere."

"What do you mean, Jewel?"

Kumurap siya at tinakpan ang bibig para hindi makawala ang isang hikbi.

"Tell me," bulong ni Gideon.

"I'm done telling you about Saavedra."

"You're not telling me everything."

"Am I supposed to tell you everything, Gideon?"

"Yes. I am your husband. You can trust me."

"But it is hard to trust anyone, specially for a guy like you. Even if you're my husband, but our marriage was just a piece of paper. Gideon, I can't trust you everything."

Natahimik sila. Kapwa pinakikinggan ang paghinga ng bawat isa. Bumangon si Jewel at dahan-dahang naghubad ng uniporme habang nakikinig sa mahinang ugong ng makina ng kotse sa kabilang linya. Tumayo siya sa study table at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang suklay at dahan-dahang sinuklay ang magulong buhok.

Natigilan siya nang biglang nagtanong si Gideon. "How can I gain your trust, Jewel?"

Bumilis ang tibok ng puso niya. Napalunok siya at nagbaba ng tingin. "W-Will you love ---" Pumikit siya nang mariin. "J-Just stay your distance and I'll be o-okay..."

"Why would I withdraw myself from you?"

Hilaw siyang ngumiti at tumitig sa whole body mirror sa gilid. "I don't like to appear pathetic in front of others."

"I never perceived you as weak."

"I know you did not. It's just me, Gideon."

Napatitig siya sa salamin at sumilay ang isang pilit na ngiti. Pinagmasdan niya ang mabagal na paglandas ng luha sa magkabilang pisngi. "I don't need help. I overcame the pain, Gideon. And I know that I can do it again."

Kinabukasan, nagkulong siya sa dorm. Lumabas lang siya nang magutom siya pero ang ginawa lang niya maghapon ay magbasa ng erotic romance novels sa reading app at ubusin ang lahat ng limang bagong hiram na tagalog erotica mula kay Hazel. Pinakiusapan na lang niya ang tatlong kaibigan na 'wag siyang istorbohin, at mukhang alam nitong may problema siya kaya nagdala ang mga ito ng drinks at snacks pagdating ng hapon.

Hindi lang niya inasahan ang pagkatok ni Gideon sa dorm niya. Wala itong kangiti-ngiti. May suot itong cardigan at white shirt sa ilalim na pinares sa isang maong pants.

Nangunot ang noo ni Jewel. "What are you doing ---"

"Pack your things. I will bring you back home."

Napatitig siya sa seryoso at nanunuri nitong mga mata. Desidido si Gideon.

#020721.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon