Chapter 45

327 21 19
                                    

Media: Here Again by Steven Moctezuma

~

Malamig ang gabi at bilog ang buwan sa kalangitan. Kasalukuyan silang nakaupo palibot sa isang bonfire sa gilid lang ng baybay dagat. Halos sampu silang lahat. Nakangiti at nagtatawanan. May kumakanta pa ng isang kantang pamilyar kay Gideon.

"Can't go back to the beginning
Can't control what tomorrow will bring
But I know here in the middle
Is the place where you promise you'd be."

Napatingin siya kay Analisa. Nakangiti at natatawa ito habang nakatitig sa bonfire. Nasa tabi nito si Arnel na nagkikuwento. Napangiti siya. He's happy that Analisa can smile despite their conversation earlier this morning.

"I'm not enough
unless You come
will You meet me here again?"

Ilang minuto matapos ang masayang kuwentuhan ay tumahimik ang grupo. Umikhim ang leader nila. Si Zion Victor Desmantes.

"Kumusta ang buhay?" ngiti nitong tanong.

Natawa ang ilan. Nagtaas ng kamay ang babaeng katabi ni Gideon. "The Lord blesses my life po, Kuya Zion."

"Thanks be to Him." Nilibot ni Zion ang tingin sa kanila hanggang huminto ang tingin nito sa kaniya. "Gideon, ilang buwan din na hindi ka dumalo. Kumusta ang buhay?"

Ngumiti siya. "Under God's grace pa rin, Victor."

Ngiting tumango si Zion. "Indeed, we are justified by grace alone."

Kumanta na muna sila ng ilang praise hymns saka nagdasal. Tahimik lang si Gideon habang nakikinig sa dasal ni Zion. Pagkatapos ay sabay-sabay silang sumigaw ng, "Amen!"

Marahang ngumiti si Gideon. With the busy life in the city and restlessness in his soul, this is a good way to unwind. Malayo sa lahat ng bagay na hadlang para maging payapa ang kaloob-looban niya.

It's been long long years of sufferring and Gideon want to end that all. Now.

"What do you want us to talk under moonlight?" tanong ni Zion.

"Temptasyon, Kuya Zion. Gusto kong malaman kung paanong nagli-lead sa kasalanan ang isang temptasyon," sabi ng babaeng nagsalita kanina.

Napaangat siya ng tingin. 'Yan din ang gusto niyang pag-usapan ng grupo nila. He's been in a constant battle with temptation. Gusto niya ring malaman kung bakit maraming nalulong sa kasalanan, gayong alam ng tao na kasalanan ang ginagawa nila.

"According to Pastor David, temptation is not an event but it is a process."

Lahat ng mata ay nakatutok kay Zion. Nakinig naman siya nang husto. At kahit pa maingay ang hampas ng alon sa likuran niya ay tinuon niya ang pansin sa sinasabi ng leader ng grupo.

"You were tempted before you've sinned.  How come you did that sin on Friday night? It's because you didn't change channel last Monday. You didn't delete the picture last Tuesday. On Wednesday, you keep on reading the same contents you've seen last Monday. On Thursday, you didn't skip that advertisement... and finally, you've sinned on Friday. As simple as it is... a process."

"Parang ano lang Kuya Zion, kung i-a-apply ang logic, nagfi-feed lang sa laman mo. Maliit na gawaing nagli-lead sa kasalanan," manghang sambit ng babae kanina.

Tumango si Zion. "According to 1 John 2:16, For all that is in the world --- the lust of flesh, the lust of eyes, and the pride of life --- is not of the Father but is of the world.

This means that all sin falls into these natures: lust of flesh, lust of eyes, pride of life. Whatever sin that is, it always falls into that three."

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon