Chapter 26

312 18 2
                                    

"So two weeks kayong magsasama ni Sheena?"

Napaubo siya. Agad namang inabot ni Hazel ang mango juice. Huminga siya nang malalim matapos lumagok. "You make it sound ridiculous."

"Ridiculous?" Bumaling si Hazel sa dalawa pa. "Girls, may nakakatawa ba?"

Dahan-dahang umiling si Tiara. "None but Laine, how come? Ni hindi ka man lang pinagtanggol ni Simoen? You know, siya naman talaga ang pinag-aagawan niyo, right?"

Tumango si Gabbi bilang sang-ayon sa sinabi ni Tiara. "Akala ko ba mahal ka no'n?"

Ngumuso siya. "Nag-alala siya."

"Nag-alala lang?" takang tanong  ni Hazel. "Dapat kinausap niya 'yong guidance, o di kaya 'yong parents ni Sheena para i-pardon ka," dagdag nito.

Nagkibit-balikat siya. "Ayoko rin naman tumanggap ng tulong sa kaniya."

Ngumisi si Gabbi. "Uy, ma-pride si Laine."

Napailing si Tiara. "If I were you, tinanggap ko na. Malakas kaya siya sa office. You forgot na pamangkin siya ng campus director."

Umiling siya. "My husband was there."

"And he didn't get you out of trouble?" takang tanong ni Tiara.

Bumuntong-hinga siya. "He tried."

"At least, nag-try. Pero aminin mo, naghinayang ka," ani Hazel.

"Of course." Kumunot ang noo niya. "He's different. Hindi siya gaya ng mga lalaking bida sa novels."

Natawa si Gabbi. "Reality check din minsan, Laine."

Napailing siya. "Alam ko naman pero, nagtataka ako. Simula no'ng nawala siya't bumalik, nagbago na siya. Alam mo 'yon, there's something wrong with him."

"Nawala? Nawala ang asawa mo, Laine?"

Napatingin siya kay Hazel. Ilang segundong napaisip. Ang tinutukoy niyang pagkawala nito ay 'yong isang linggong seminar sa Mandaue. Umiling siya. "That's between I and him."

"So, what's wrong with him?" tanong ni Tiara. Nakataas ang kilay nito.

Napatitig siya sa baso na may lamang mango juice. "I can't name it. Basta may something. And it bothers me."

Nagkatitigan ang mga kaibigan niya.


ILANG buntong-hinga ba ang gagawin niya para bumilis ang oras? Tagaktak na ang pawis niya at namumula ang balat habang nagwawalis sa ilalim ng matatayog na puno.

"Come on, stop giving me mess!" sigaw niya sa mga ito.

Napapikit siya nang mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Umalog ang sanga ng puno at ilang tuyong dahon ang nahulog mula sa itaas. Napamura siya. Inis niyang pinasadahan ng kamay ang nagulong buhok. Ayan, babalik na naman siya sa umpisa!

"What a face, Mangubat," natatawang saad ni Sheena. Inayos nito ang  buhaghag na buhok at tinali. "And can you stop cursing, princess? Hindi 'yan nakikinig sa 'yo."

Humalukipkip siya. "Lumayo ka nga. Area ko 'to."

Nagkibit-balikat si Sheena. "I'm done with today's work. Bay-bye, Mangubat."

Masama niyang tiningnan ang nakangisi itong mukha. Nang-aasar pa itong kumaway sa kaniya bago patakbong tinungo ang tarangkahan ng Domesticated Forest. Marahas siyang bumuntong-hinga. Umupo siya sa malapad na bato at pinahid ang pawisang noo. Sinipa niya ang kaawa-awang walis tingting at humalukipkip.

Malapit nang lumubog ang araw pero nasa ilalim pa rin siya ng isang puno. Binigyan siya ng sampung metro na kailangan niyang walisin araw-araw, pagkatapos ng klase.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon