Chapter 3

832 31 16
                                    

Media: Leave Me Astounded by Planetshakers

~

Sumilay na ang araw sa silangan nang buhatin siya ni Gideon paakyat sa ibabang bahagi ng pangpang kung nasaan si Gina. Hinanap niya sa paligid si Fransisko pero hindi niya ito nakita. Umikhim siya, ilang minutong nagdalawang-isip bago binuka ang bibig para magtanong.

"S-Si Fransisko?"

"Naanod sa ilog. Ipapahanap ko kapag lumiwanag na. Kaya mo bang tumayo?"

Napakurap siya, bumaling sa madilim-dilim na ilog pero wala siyang makitang kilos doon.

"Jewel."

"A y-yes, I think so."

Dahan-dahan siyang ibinaba ni Gideon. Naramdaman niya ang pagtapak ng paa sa tuyo at malamig na lupa. Inalis kasi ng lalaki ang suot niyang boots kanina at wala siyang lakas nang oras na 'yon para pigilan ito. Hanggang ngayon nga ay ramdam pa rin niya ang panginginig ng kalamnan at ang malakas na tibok ng pusong nagpapahirap sa kaniyang paghinga.

Bigla na lang naghubad si Gideon sa harap niya. Nangunot ang noo niya at nagusot ang mukha. Tumingin sa gilid at mariing pinikit ang mga mata. "Ba't ka naghuhubad d-diyan?"

Narinig niya ang mahina nitong tawa. "Am I?"

"Yes, y-you're n-naked!"

"See it yourself."

Dahan-dahan siyang nagmulat at tumingin kay Gideon, naka-shirt ito at nakakrus ang braso sa dibdib. May munting ngiti sa mga labi. Amusement is in his deep and enticing eyes.

Naningkit ang mga mata niya rito. Napayakap siya sa sarili nang dumaan ang hamog sa basa niyang katawan. Huminga siya nang malalim at kiniskis ang palad sa mga braso. Kinagat niya ang labi para matigil ang nangangatal na ngipin. "C-Can we go h-home? It's c-cold."

Nasa lilim sila ng punong gemelina at pinagmasdan niya ang lalaki nang isabit nito ang basang dyaket sa mababang sanga ng puno. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa, bago siya binuhat at isinakay kay Gina. Mas lalo lang yatang nangatal ang ngipin niya sa itaas. Mas nanunuot ang lamig sa balat.

"Hold tight. Iuuwi na kita," ani Gideon.

"But it's c-cold up here," reklamo niya.

Narinig niya ang malalim nitong buntong-hinga. "Endure a little, Jewel."

"And y-you don't want to..." Umikhim siya at tumingin sa malayo. Kinagat niya ang pisngi at inalis ang paghihinayang sa dibdib. Akala niya at sasamahan siya nito sa itaas ng kabayo, at yayakapin siya para maibsan ang lamig.

'And why would he'll do that?' saway niya sa isip.

Ni hindi man lang nito tinanong na ayos lang siya.

'Jewel, quit dreaming. He's not nice. See? He's more concerned to Gina. To Gina the horse!'

Mas lalong nagusot ang mukha niya nang kausapin ni Gideon ang kabayo kaysa sa kaniyang nanginginig sa itaas.

'Hmmp! Bahala siya!'

Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki at tumingin nalang ulit sa malayo. Nagkukulay kahel na sa kalangitan at ilang ibon na ang naririnig niyang nag-aawitan sa mga puno. Nanunuot pa rin sa kalamnan niya ang lamig ng hangin, lalo na nang nagsimulang maglakad si Gina pasulong habang nakasakay siya sa ibabaw nito. Hawak-hawak ni Gideon ng renda ng kabayo sa ibaba at bahagyang nauuna upang gabayan sa direksyon ang kabayo.

Halos magdugo na ang labi niya sa diin ng kagat. Habang tumatagal, mas lumalamig ang paligid. Halos hindi na niya ramdam ang mga daliri sa lamig. Maging ang mga binti at daliri niya sa paa ay hindi na niya magalaw dahil sa lamig. Naiiyak na siya. Ito ang unang pagkakataon na nanginig siya sa lamig.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon