Chapter 19

304 21 4
                                    

Inikot niya ang ballpen bago nilapat sa papel at nagsulat. Nakikinig siya sa professor at tinatala ang mga importanteng detalye. Tungkol sa tree crop production ang tinatalakay nito na siyang interesante sa kaniya.

"Paborito nating putulin ang dahon ng halaman at pagpira-pirasuhin ito, pero hindi natin alam na ito ay masama."

Inilipat ng professor ang power point sa susunod na slide. Isang animated picture ng photosynthesis.

"Walang tao ang may kakayahang gumawa ng pagkain mula sa init ng araw. At wala pa ring machinery ang kayang gayahin ang komplikadong proseso nito.

Ang function ng green leaves o berdeng dahon ay mag-convert ng light energy into food energy. Kaya hindi dapat pinaglalaruan ang dahon ng mga halaman."

Pinakita pa ng Professor ang mga picture ng tree farms, rolling hills, cogonal hillsides, at forested hillsides.

Umikhim ang Professor. "Bibisita tayo sa specialized area ng Forestry students next week. Nasa likuran lang 'yon ng Engineering at Forestry buildings. ABE students kayo kaya malamang ay nakita na ninyo ang 100 squared meter na Domesticated Forest mula sa building ng kurso ninyo? But we will know more about that forest next time.

For now, I want you to realize first the importance of trees in coping up to climate change, utilizing economic growth, and improving agricultural sector of our country."

May binuklat ang Professor. "Oo nga pala. It is way too early but I want to give your final project. This project was approved by the Director, so I am confident that we can utilize all necessarry facilities."

Nagtaas ng tingin ang Professor at paisa-isa silang tiningnan. "By Friday, we will visit the Municipal Nursery. Wala pa kasing reply ang Bureau of Plant Industry kaya sa munisipyo muna tayo kukuha ng seeds, na gagamitin natin for your project. We will call this project... A Seed to Care."

"Professor," tawag ni Simoen.

Ngiting tumingin ang babaeng Professor kay Simoen. "Yes?"

"Where do we plant those?"

"Good question." Pinaupo ng Professor si Simoen. "The purpose of this project is not only to increase the number of local trees but for you, to apply your learnings in Nursery Cultivation. You will grow your seeds here in University. And after three months, which in that time is your final examination, I will check your seedlings kung naalagaan niyo ba 'to nang mabuti.

And after that, we will ask the consent of the dean to let you go outside the University for awhile. Doon sa mga bahay niyo itatanim ang seedlings. Kahit na dapat naka-grow na tayo noong summer para matanim natin this month kung kailan nagsisimula ang rainy season, but the point here is how are you going to grow your own seedlings."

"That's a good project."

"Yes, definitely Mr. Saavedra. Back to our lesson, we will discuss food crops and fruit trees. By second semester, we will move to Principle of Soil Science."

"Wait, Prof," sabi niya. "Bakit sa labas ng Univ? Why don't we plant it here instead?"

Ngumiti ang Professor sa kaniya. "That's the first thing na naisip ko but, I realize na mas makakatulong tayo sa community kapag sa labas itatanim ang mga seedlings niyo."

Binuklat ng Professor ang aklat sa susunod na pahina at pinangkat sila para sa gagawing group discussion.




NAGPABALING-BALING siya sa higaan pero hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa project. Iniisip niya kung anong magandang itanim. Mas maganda kung madaling tumubo at hindi maarte sa soil acidity ng Medellin.

Inabot niya ang Iphone at tinawagan ang numero ni Hazel pero nakapatay. Pati kay Tiara ay out of reach. Napangiti siya nang mag-ring ang numero ni Gabbi.

"O? Anong sadya mo?" Humikab ito. "Laine, alas-onse na. Maaga pa tayo bukas."

"Hindi. Sandali lang 'to. May itatanong ako."

"Ano?"

"Anong magandang itanim?"

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. "Banana? Watermelon? Okra?"

Napailing siya. "Hindi seed ang propagation ng banana. Saka hindi puno ang watermelon at okra."

"Okay, pasensya? BSED Science ho ako at hindi Agri?"

Natawa siya. "Oo nga."

Narinig niya ang buntong-hinga sa kabilang linya. "Tanungin mo kaya 'yong dalawa?"

"Nakapatay ang phone nila."

Humikab na naman ito. "Yong parents mo. I'm sure alam nila. May plantation kayo."

"Uh, y-yeah. Alam nila." Bumuntong-hinga siya. Galit ang mga ito sa kaniya kaya wala siyang mukha para magtanong sa mga magulang.

"Or husband mo? Di ba mas matanda sa 'yo yun? Saka mahilig sa kabayo?" Natawa si Gabbi. "Baka alam niya 'yon. Pinapakain niya 'yong kabayo. Pati ka na."

Naningkit ang mga mata niya. "Hindi ako herbivores."

Natawa na naman si Gabbi. "Sige na, tawagan mo. Saka matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."

Bago pa siya makaimik ay napatay na ang tawag. Bumuntong-hinga na naman siya at ilang segundong tinitigan ang Iphone bago hinanap ang numero ni Gideon.

Saglit na nag-ring ang phone nito bago may sumagot.

"Jewel," boses ni Gideon.

Tinikom niya ang bibig at tumitig sa kisame. Nakagat niya ang labi.

"Jewel?"

Pinakinggan niya ang malalim at paos nitong boses. Mukhang inaantok na ito.

"Alam kong nakikinig ka. May problema?" Wala siyang sagot kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Maaga pa ako bukas, Jewel."

Hindi niya alam kung anong dapat sabihin sa asawa. Nawala sa isip niya ang tungkol sa project nang marinig niya ang boses nito. Tinaas niya ang kamay at dinama ang pintig ng puso niya. Mabilis at malakas.

"I know you're doing well, but don't stress yourself too much. Nakakasama sa katawan. And ---"

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang kabog ng dibdib niya. Pumikit siya.

" ---- knowing your records and this Simoen, I'm considering your transfer to other University."

Napadilat siya bigla. "What?" Nangunot ang noo niya. "Transfer? No. You can't transfer me just like that?"

Natahimik ang kabilang linya. Hinintay niya ang sasabihin nito pero nanatiling tahimik ang linya ng asawa. Napabalikwas siya ng bangon. "Gideon!" tawag niya pero walang sumagot. "Gideon Manasseh! Will you speak up? I know you're listening!"

Napasinghap siya nang marinig ang buzz. Pagtingin niya sa screen, patay na ang tawag. Aba! Pinatayan siya ng tawag ni Gideon!

Inis niyang tinampal ang noo.

Biglang nag-vibrate ang Iphone. Mabilis niyang tiningnan ang screen at nakita ang kakapasok pa lang na message ni Gideon. Binuksan niya 'yon at mas lalong nagusot ang mukha niya.

From Gideon: REST well. See you tomorrow.

Hambog na Hernandez!

#020621.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon