Chapter 47

329 16 10
                                    

"Angela," tawag ni Gideon.

Umismid si Jewel at humalukipkip. Biglang nawala ang gutom niya. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay lumabas ng bahay. Hindi niya masikmurang kumain kasama ang babaeng kaharap niya.

Umikhim siya. "Lalabas ako. I'm not hungry pala." Saka tumalikod at tinungo ang main door.

Tahimik siyang lumabas ng pinto at nagtungo sa hardin na napansin niya kanina. Umihip na naman ang hangin at hinayaan niyang tangayin niyon ang mahabang hibla ng buhok niya. Presko ang hangin sa lugar. Hindi tulad sa lungsod na maalinsangan at maalikabok.

Naupo siya sa lilim ng puno sa gitna ng hardin at napabuntong-hinga. Inalala niya si Gideon. Ang totoo niyan ay wala namang sinabi si Tang na first love nito si Angela. Ang sabi lang ng katiwala ay gusto ni Gideon si Angela noon. Pero sadyang malikot ang imahinasyon niya kaya inisip niyang first love ni Gideon ang babae.

And by the looks on Gideon's face earlier, she knew that she hit a spot. Totoo nga siguro ang binintang niya. Hindi naman siguro magugulat nang gano'n si Gideon kung hindi totoo ang sinabi niya.

Lumabi siya at nilibot ang tingin sa paligid. The place is a typical province. Maraming puno at dominante ang kulay berdeng mga halaman. She also saw some coconut trees on the distant place.

Sumandal siya sa puno. Hindi na niya inalala kung marurumihan ang puting bestida na suot niya. Masyadong mabigat ang dibdib niya ngayon na gusto nalang niya ay umiyak. But there's no tears in her eyes. Pagod na siyang umiyak.

Huminga pa siya nang malalim at pumikit. Pinakiramdaman lang niya ang paligid, at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Naalimpungatan siya sa pakiramdam na may nakatitig. Minulat niya ang mga mata. Mukha ni Gideon ang sumalubong sa kaniya kaya nangunot ang noo niya. "You're staring."

Tinaas nito ang supot ng prutas. "Kumain ka muna. Mamaya, pupunta tayo sa public audi."

Tiningnan niya muna ang prutas, lumunok, saka kumuha ng isa. "Anong gagawin natin do'n?"

Inayos ni Gideon ang upo sa damuhan at ngumiti. "Makikinig."

"Of what?"

"Gospel."

"Gospel?" Nagsalubong ang kilay niya sabay kagat sa mansanas.

Tumango si Gideon. "You still believe in God, Jewel?"

Ngumuya siya at umiwas ng tingin. Hindi siya sumagot. Ang totoo, hindi naman siya relihiyoso. Pero alam niyang may Diyos, kaso hindi naman siya nagdadasal o nagbabasa ng tinatawag ng mga tao na Bibliya.

Saka, hindi niya gustong makarinig ng kahit anong bagay na patungkol sa Diyos. Ewan, pero mayroon sa kaloob-looban niya na umiiwas sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos. Ayaw niya ngang marinig ang sinasabi nitong gospel. Hindi niya alam kung bakit, pero ilag talaga siya sa Diyos.

"Jewel," tawag ni Gideon.

Kumagat siya ulit ng mansanas. "What?"

"I haven't seen you praying. Do you believe in God?"

"I know that there is One out there," walang pakialam na sabi niya.

Bumuntong-hinga si Gideon. "You know that there is God. But do you believe in Him?"

Napatingin siya kay Gideon at naningkit ang mga mata. "I know that there is God, so basically, I believe in Him. Are you happy now?"

"Knowing there is God is different from believing in Him. If you believe in God, then why do you keep on placing yourself in front of temptation? Why do you keep on sinning against Him? If you believe in God, you shouldn't go around sinning against Him."

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon