Chapter(21): Shane's Past

2.1K 91 2
                                    

Shaniah Jane's POV(Shane)...

Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang masakit ang dibdib ko at kinakapos ako ng hangin.

Iminulat ko ang mata ko at isang paraiso ang sumalubong sakin. Sobrang ganda dito lalo na ang green grass at cherry blossoms na nagbabagsakan ang dahon habang ako'y naglalakad.

Nang makarating doon malapit sa dulo ay may natanaw akong isang tulay. Ang ganda ng carvings ng tulay at halata mong pinaglaanan talaga ng oras ang paggawa.

Pagdating doon ay isang tao na nakaputi at nakamaskara. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko hinihintay nya ko.

Nang makalapit ako sakanya ay tuluyan na syang humarap sakin saka tinanggal ang maskara nya at doon ako nagulat.

Isang babae na mas matanda kesa sakin at kamukhang kamukha ko!

"S-Sino ka?!"gulat na tanong ko at humakbang palayo sakanya.

"Ako ay ikaw, Shaniah."nakangiting sabi nito.

"Hindi! Hindi ako ikaw!"sigaw ko pa.

Saglit syang tumawa saka lumapit sakin. Pinilit ko namang makalayo pero nasa pinakagilid na ko ng tulay.

"Wag kang matakot sakin."sabi nya pa kaya medyo kumalma na ko. "Ayan, alam mo ba kung bakit ako nandito at kaharap mo?"

Tanong nya pa sakin. Hindi ko alam ang sagot. Feeling ko kaya ako nandito ay dahil sa patay na ko.

"Magpapakilala muna ko, ako si Shaniah Jane Santiago. Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Nandito ako para ipaliwanag sayo lahat ng nalalaman ko at lahat ng mangyayari sa hinaharapan. Ako ang matandang bersiyon mo Shaniah kaya alam ko ang mangyayari."mahabang litanya nito at nagulat nalang ako ng biglang nagkaroon ng lamesa at dalawang upuan.

Napaupo ako at ganun din sya. "Simulan natin sa sarili mo."

"Hindi nyo po ako mababago. Ganito na po talaga ako."sagot ko sabay yuko.

"Lahat ng aksiyon na ginagawa mo ngayon ay malamang na aapekto sa hinaharap mo. At lahat ng iyon ay iisa lang ang bagsak, ang pagiging mag-isa mo."sabi nya pa na syang ikinagulat ko. "Ngunit, isang tao ang darating, hindi, isang tao ngayon ang dumating para ikaw ay matulungang maibalik sa dating ikaw."

Inilahad nya ang kanyang palad at may lumabas na hologram sa palad nya. Gusto ko mang sumigaw sa gulat pero mas nagingibabaw ang pagkamangha sa akin.

"Nakikita mo ba yan Shaniah, ikaw yan nung bata ka pa."

Napatitig ako sa hologram at doon ko nakita ang sarili ko. Mag-isa sa kwarto habang nakatulala at walang buhay ang mga mata. Sa tingin ko ay mga limang taong gulang palang ako nito.

Iyan yung araw na nag-aaway ang mga magulang ko. Kung saan kaarawan ko at walang ni isa sa kanila ang bumati sakin dahil busy sila sa pag-aaway nila.

Sinara nung babae ang palad nya at muli itong binuksan. Lumabas doon ang imahe ko na nakikipaglaro sa mga kapitbahay naming bata. Around 7 years old na yata ako noon.

"Ito naman ang araw kung saan, nahusgahan ka nila."

Oo, naaalala ko pa ang araw na iyan. Yung araw kung kailan hinusgahan ako ng nanay na isa sa kalaro ko. Sinabi nila na malandi daw ang nanay ko at papalit palit ng asawa.

Hindi ko lubos maisip na isa na ngayong sikat na business woman ang aking ina sa kabila ng kanyang trabaho noong sya ay dalaga palang.

Ipinagbuntis si Kuya Stan ng aking ina noong sya ay 18 at ako naman noong 20 na sya. Sa iisang lalaki lang.

Muli na namang napalitan ang imahe sa hologram at doon lumabas ako na may suot na party hat habang kinakantahan ako ng mga kaklase kong muwang muwang.

"Ito naman ay nuong ika-walong kaarawan mo. Kung saan nangyari ang pagiging bugnutin, malungkutin at galit mo sa mundo."

Nayari ang kaarawan ko sa eskwelahan at pag-uwi sa bahay ay si Tatay lang ang nandoon. Nakita kong nagkalat ang baso at bote ng alak sa sahig.

Napatingin sakin ang tatay ko at may ngisi sa kanyang labi. Tumayo sya at nagsimulang maglakad papunta sa gawi ko.

Agad kong hinawi ang kamay nung babae para patigilan na sya sa pagpapanood sakin ng mga palabas na iyon.

Hindi ko na gustong balikan pa ang nakaraan ko dahil puro lang naman sakit ang naidudulot non sakin.

"Hindi ka magbabago hangga't hindi ka nakakatakas sa nakaraan mo Shaniah kaya hayaan mo ko."sabi pa nya habang pilit hinihila ang kamay nya pabalik.

"Pakiusap! Ayoko na. Sa tuwing naaalala ko ang mga karanasan nung nakaraan ay parang gusto ko nalang mamatay. Hindi ko kaya, kaya please lang. Itigil mo na toh!"sigaw ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Shaniah. Hayaan mo kong tulungan ka. Nagawa ko na din toh at tingnan mo ko ngayon. Masaya ako Shaniah."sabi nya saka ako niyakap.

"Hindi ko naman po ginustong maging ganito. They made me. Ginawa nila kong dem*nyo!"sigaw ko pa.

Mas lalo ko naramdaman ang paghigpit ng yakap sakin nung babae. Ilang minuto lang ay tumigil na ko sa pag-iyak.

"Handa ka na ba?"tanong pa nya.

"As ready as I'm gonna be."matapang na sagot ko.

Binuksan nya muli ang kanyang palad at doon ko nasaksihan ang kababuyang ginawa sakin ng aking ama. Hindi ko gusto ang ginawa nya dahil tang*na lang! Sinong matinong magulang ang gagawin iyon sa sarili nyang anak.

Muli na namang napalitan ang imahe at iyon naman ang kaganapan noong kaarawan ni Leesa. Kung saan muli akong nakangiti ng hindi peke. Kung saan naramdaman ko na may taong handang tumulong sakin.

Ang saya ko nung araw na iyon kahit hindi halata sakin. Alam ko namang noon palang ay iniidolo na ko ni Leesa. Mga bata palang kami non naging vocal na sya sa gusto nyang mangyari.

"Ito ang araw na muli kang ngumiti dahil sa kaibigan. Una dahil sa kaibigan mong lalaki nung ikaw ay musmos palang, si Charles."

Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Bata palang ako ay kaibigan ko na si Charles. Naipagtanggol nga nya ko sa mga batang kalyeng luko-luko.

Sya din yung batang inilayo sakin ng magulang nya dahil sa panghuhusga sa akin.

Napangiti ako at the same time ay napaluha na din.

Sinabi ko sainyo eh. Dati palang hindi na ko masaya. Behind my smiles, there is always a big amount of pain inside...

++++++++++

Ayan powz! POV po yan ni Shane. Tapos napunta sya sa heaven char! Parang panaginip nya something ganon.

Sana po hindi kayo maguluhan. Thanks for reading everyone!

Please do vote, comment, share and start being a fan and also, be a part of the Gangster Fam. Love you all so much especially too the Gangstahs and LORIgiNs! Lovelots!

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon