Chapter(26): Back?

2.1K 80 1
                                    

So ayun na nga! Nagupdate ako kahit na wala na talagang laman ang utak ko. Pagpasensyahan nyo na po ako kasi medyo busy lang po ako. Buhay estudyante, ay wala nga palang pasok.

Keep safe everyone. Dumadami na cases ng Covid-19 dito sa Pilipinas. Mag-ingat kayo lagi ahh. Always wear mask and use alcohol na din. Promise me na mag-iingat kayo?

WARNING: Sabaw chapter. Alas dose nang tinatype! Madaming typo. Ewan ko pala kung meron. Saka mga words na hindi suitable sa 55 years old and above, charot!

Tama na muna sa suspense. Di na ko makatiis na hindi sila nagkakabalikan eh kaya eto nyahahaha! Paepal lang talaga ko eh!

Gabrielle's POV(Gab)...

This is a torture forever! Hindi na ko makatiis! Gustong gusto ko na syang makausap, makatabi, mayakap, mahagkan pero alam kong hindi pwede.

"Madaya ka pala eh!"sigaw ni Jasp sabay amba ng sapak kay Dex na hindi naman natuloy.

Binigyan ni Dex si Jasp ng bagot na tingin saka ito nagkibit balikat. Matagal ko pang pinag-isipan kung sasabat ba ko sa usapan nila pero sa huli, sumabat parin ako.

"Nagkabalikan na kayo. Di ba ikaw pa nagsabi na hiwalayan tapos ikaw unang susuko?"sabi ko.

"Sino ba nagsabing nagkabalikan na kami?"tanong pa ni Dex sabay kuha pa ng isang bote mg beer.

"ANO?!"sabay sabay na tanong namin.

"Edi hindi kayo nagkabalikan ni bestie?!"tanong pa ni Dareel.

"Walang kami. Tapos."sabi nya sabay tayo. "Mauna na kong matulog."

Pinanood lang namin si Dex sa pag-akyat nya sa hagdan at pagpasok sa kwarto nya.

"Luko-luko yon ah! Halos mapatay na ko ni Shane sa kusina maturuan ko lang sya tapos di pa pala sila nagkakabalikan, tang*na lang eh."mahabang litanya ni Stan.

Natahimik kaming lahat. Tanging ingay lang ng kuliglig at ng simoy ng hangin ang ingay na maririnig mo.

"TRISTAN!!!"

Saka pala ang malakas na bunganga ni Rosé.

Hanga din ako sa babaeng yun eh. Kay lakas ng bunganga pero nakapaganda kumanta.

Wait!

Taena anong sikreto mo?!

"Mauna na ko. Yung Misis ko excited na."tumatawang sabi pa ni Stan.

"Gago! Buntis yang asawa mo hayop ka!"sigaw ko.

Nagtawanan lang kami. Ilang saglit lang ay nanaig na muli ang katahimikan. Isa isa na silang nagpaalamanan ng mapansing wala nang patutunguhan ang aming usapan.

"Pre di ka pa ba papasok?"tanong ni Dareel na gegewang gewang at sumisinok pa.

"Maya na lang siguro."sabi ko pa.

Tinapik nya ang balikat ko saka sya umalis. Nang makaalis na sila ay niligpit ko na ang pinagkalatan namin. Tinapon ang mga pinagbalatan at binalik sa case ang bote ng mga beer.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon