Chapter(22): Shane's Past: Part 2

2.1K 86 1
                                    

Third Person POV...

Patuloy parin sa pag-uusap ang dalawang Shaniah. Habang nag-uusap ay pinanonood parin nila ang nakaraan at binabalikan ang mga masalimuot na nakaraan nilang dalawa.

"Ito naman yung araw na mas pinaburan ng nanay natin ang kapatid natin."

At biglang lumabas sa hologram ang paglalaro ng magkapatid na si Stan at Shane. Doon makikita na parehas silang naglalaro sa buhangin. Galit na lumabas ang kanilang nanay at hinila patayo si Stan samantalang si Shane ay hiniklat sa braso saka ito pinalo.

"Hindi ka talaga marunong makinig na bata ka! Sinabi ko sayo na sakitin ang Kuya mo tapos lalaruin mo sa buhanginan?! Siraulo kang bata ka!"sigaw ng nanay ni Shane at mas nilakasan pa ang pagpalo.

Umiiyak at sumisigaw na si Shane sa sakit ngunit ayaw parin syang tigilan ng kanyang ina.

Tumulo ang luha ni Shane matapos isara nung matandang bersiyon ni Shane ang palad at nahinto ang palabas.

"Okay lang ako. Kaya ko pa."sabi ni Shane saka pinahid ang kanyang mga luha.

"Tama yan Shaniah. Magpakatatag ka at malalampasan mo rin ang lahat."ngumiti si Shane 2.0 at saka muling binuksan ang palad.

Ang sunod na senaryo ay noong dinakip sila ng tatay ni Leesa. Kung saan nabaril sya dahil sa kagagawan ng tatay ni Leesa.

At ang mas masakit na parte don, higit na masakit sa pagkakabaril sakanya ay ang paglayo ni Leesa. Hindi nya alam kung bakit pero bigla nalang sya nitong iniwasan at naiwan na namang mag-isa.

Sunod na senaryo ay tatlong taon na ang nakalilipas, ang paghihiwalay ni Shane at Dex.

"Ayoko na, itigil na natin toh. Intindihin mo naman na hindi kita talaga minahal. Ewan ko ba sa sarili ko at natagalan kita ng pitong taon. Three fvcking years and yet you didn't notice that I'm just playing with you."litanya ni Dex.

"Hindi ko na kasalanan na sumaya ka kasama ko. Hindi ko kasalanan na minahal mo ko---"

"Woah! Hindi mo ba naiintindihan ang pinaparating ko? Hindi kita mahal."pagdidiin pa ni Dex.

Sa lahat ng masasakit na karanasan ang nagyari kay Shane ay sa isip isip nya na ito ang pinakamasakit.

"Hindi ako tanga Dex alam mo yan kaya wag mo kong niloloko."giit pa ni Shane.

"Damn you, fvck sh*t!"sigaw nya saka sinampal si Shane.

Dahil sa ginawa ni Dex na iyon ay napangiti si Shane. Humarap sya kay Dex ng taas noo saka ito hinalikan sa labi.

"You'll gonna regret this."sabi ni Shane saka sya tumalikod at doon na bumuhos ang kanyang mga luha.

Lumingon pa sya sa huling sandali saka nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad sya ay nakatalikod si Dex sa direksyon nya at muli itong humarap.

"Mahal kita Shaniah. Mahal na mahal kita. Alam kong hindi pa ito ang katapusan para satin. Aayusin ko ang lahat saka kita babalikan. Pangako yan na hindi kailanman mababali."wika ni Dex saka umalis.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon