Chapter(14): Happy Hurts Day: Part 2

2.1K 84 0
                                    

Tristan's POV(Stan)...

"Tang*na pre ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?!"sigaw ko kay Dex.

"P*tang*na mo ka! Napaka-kulet mo!"sigaw din sakin ni Dex.

Nagsisigawan kami ng biglang dumating si Rosé. Mabilis syang tumakbo at pumagitna samin.

"Ano bang nangyayari dito huh?"mahinahong tanong nya.

"Mahal, pumasok ka na sa loob. May hindi lang kami pagkakaintindihan nitong si Dex."sagot ko at nagpilit ng ngiti.

"Sigurado ka Mahal?"tanong pa ulit ni Rosé.

Tumango lang ako. Ngumiti sya saka umakyat sa taas at pumasok na sa kwarto namin.

"Sinasabi ko sayo Stan. Buhay ng asawa at anak mo ang nakataya dito kaya siguraduhin mo na tama yang desisyon mo."sabi ni Dex sabay labas ng bahay.

Dahil sa sinabi ni Dex ay nakaramdam ako ng takot. Takot na baka mawala nga sakin ang asawa't anak ko.

Oo, tatlong buwan ng buntis si Rosé at plano daw nyang surpresahin ako pero ng makita ko ang PT(pregnancy test)sa bag nya ay doon ko na nalaman.

Syempre masaya ako kasi magiging tatay na ko pero at the same time, natatakot din ako sa posibleng mangyari.

Pero isa lang naman ang sigurado ako. Hindi ko iiwan ang mag-ina ko at lalaban ako kahit kapalit pa non ang buhay ko.

Jasper's POV(Jasp)...

"Eh kasi ganto nga yun..."hindi ko kaya toh!

Nandito kami ngayon ni Eliza sa park malapit sa bahay nila. Kailangan ko ng magawa ang plano ko ngayon kundi edi hindi.

Saka hindi ko pa alam ang idadahilan ko kung bakit ako makikipaghiwalay sakanya. Alangan namang sabihin kong...

"Pasensya na, gwapo ako at hindi ka ganun kaganda. Maraming nagkakagusto sakin at sayang ang kagwapuhan ko kung ikakasal ako sa babaeng kulay blue ang mata na sobrang cute."

Wait what?!

Ano bang pinagsasasabi ko? Medyo nagmukha akong gwapo don ahh. Scratch that! Binagyo ako ng kagwapuhan.

"Alam mo namang mahal kita diba?"tanong ko.

"Ano ba namang klaseng tanong yan. Malamang oo!"sagot nya na parang sinasabi na sobrang tanga kahit hindi naman.

Never nyang pinaramdam sakin na wala akong alam. Oo, alam kong kulang ako sa IQ pero never nyang pinamukha sakin yon.

"Ayoko na. Nakakasawa na kasi eh. Feeling ko kapag kasama kita ang tanga tanga ko. Na feeling ko ikaw napakatalino mo tapos ako wala eh, gwapo lang ako pero hindi naman ako matalino."sunod sunod na litanya ko.

Natahimik sya at nawala ang kaninang masigla nyang ngiti. Napalitan iyon ng gulat, lungkot, takot sa susunod na pwedeng mangyari.

"Bakit? Pinaramdam ko ba sayo na wala kang alam? Ginagamit ko ba ang talino ko kapag kasama kita? Pinagmamalaki ko ba ang katalinuhan ko hah?! Pinagkukumpara ko ba ang sarili ko sayo?!"sigaw nya at nagsimula ng tumulo ang luha nya.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon