Corine Leena's POV(Coleen)...
Gigil na naibato ko ang bola sa kung saan saka ako yumuko. Kahit anong pigil ang gawin ko hindi ko magawa.
Masakit...
"Tang*na mo Jester Ash Lopez! Mamatay ka na!!!"sigaw ko at unti unti na namang bumabagsak ang luha ko.
Inangat ko ang tuhod ko saka ko iyon niyakap at sumubsob doon saka tinuloy ang pagluha.
"Alam mong walang mangyayari sa pag-iyak mo dyan."
Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino yung nagsalita pero malabo ang vision ko dahil sa luha ko pero nakita ko pa syang naupo at naramdaman ko nalang ang daliri nya na pinupunasan ang luha ko.
"S-Sino ka?"tanong ko.
"Hindi ko ine-expect na makikita kita tapos umiiyak pa."sabi nya at aalalayan dapat akong tumayo pero tinabig ko lang ang kamay nya.
"Di ko kailangan ng tulong mo."sabi ko saka tumayo mag-isa.
"I'm Troy by the way. Nagkita na tayo---I mean, nakita na kita dati. Kasama mo yung kambal ko, si Trixia."sabi pa nya.
"Look Sir. Wala akong oras sayo dahil may kailangan pa kong gawin."sabi ko pa.
Hinanap ko na yung bola ko. At nang makita iyon ay saka ko iyon pinatalbog saka ishinoot kaso hindi pumasok.
"The last time I check magaling ka dito. Why failing now?"nakangiting sambit nya.
Hindi ko na sya pinansin. Naiinis ako sakanya. Bakit? Simply because I hate to see him smile like that. It's like nang-iinggit ganun.
Pinatalbog ko ulit yung bola at nung shinoot ko yon ay hindi na naman pumasok. Nakita kong tumayo yung Troy at kinuha yung bola ko saka nag-dribble at shinoot iyon.
Shoot!
"You gotta play with open mind and heart. Isipin mo lang lagi na nasa championship ka at last second na at hawak mo ang bola."sabi nya at saka pinaglaruan ang bola.
"Give me back my ball coz I don't care!"sigaw ko sakanya saka tumakbo para agawin sakanya ang bola.
Pilit kong inaagaw ang bola pero napaka-swift ng moves nya. Walang palya at sa isang iglap lang ay nakita ko na syang tumatakbo papunta sa court nya then he shoot for three points.
"That's how to play."nakangiting sabi nya.
"Yabang neto."sabi ko at napangiti na din.
"So what's the name of the beautiful lady?"tanong nya pa.
"Coleen."sabi ko sabay suntok sa braso nya na syang ikinangiwi nya.
"Bayolente ka Miss."sabi nya sabay himas sa braso nya.
"Ganto lang talaga ko...noon."sabi ko sabay yuko at naglakad papuntang bench.
Kinuha ko ang Gatorade ko saka ininom iyon at nagpunas ng pawis. Kaninang umaga pa ko nandito pero alas tres na at nandito parin ako. Tila wala akong naramdamang pagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/207297664-288-k162213.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]
De Todo⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa natutuklasang bagay noon, malalaman nila ngayon. Ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga nangyari noon...