Chapter(9): Bestie Is Back

2.3K 87 0
                                    

(A/N: Pasensya na sa title. LOLs! Natawa ako bigla sa title eh🤣)

++++++++++

Shaniah Jane's POV(Shane)...

"Kyaaaaaaaaah!"isang mahaba at matinis na tili ang narinig ko.

Napatakip pa ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas talaga ng tili nya. Bigla nalang may babaeng bumaba sa mala-grand staircase na hagdan.

"Oh my gosh! Shane your finally here! Gosh I missed you so much girl! How are you?!"sabi nya at bigla nalang akong niyakap.

Hinayaan ko lang syang yakapin ako kahit hindi ko pa sya kilala. Ilang saglit lang ay binitiwan na nya ko saka sya nag-pout.

"You don't remember me, didn't you?"sabi nya at lalo pang nag-pout.

"I'm sorry Ma'am but, may I kindly ask your name?"nahihiyang tanong ko.

Napanganga sya, literal. Nagulat nalang ako ng bigla nya kong kurutin sa tagiliran, hampasin sa braso at higit sa lahat ay sabunutan.

Business ang pinunta ko dito, hindi away!

"I hate you! After all this years! You forgot about me!"she said with a almost gonna cry tone.

"I'm really sorry Ma'am. I thought your a male because that's what my secretary said and--"

"Wait! Me?! Male?! Duh!"sigaw pa nya at may papilantik pa ng daliri sabay sway ng hair nya.

Naupo sya sa sofa saka nya hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo. Bumuntong hininga sya.

"Shaniah Jane Santiago. You're now 26 years old. Owner of Santiago Corp. which I'm going to have a business deal with. And of course, me as your pretty bestfriend way back highschool to collage."paliwanag nya.

Ahh naiintindihan ko na!

"I see Ma'am. It seems like you already know me because my secretary told you about my brief background."I said then I smile. Nakita ko na naman ang pagnganga nya ng literal. "Though, I don't know you yet. My secretary told me that your a 'he' so I thought you're a male."

"Waaaaaah!"sigaw nya saka umiyak ng malakas! As in MALAKAS talaga!

"M-Ma'am! Did I do something wrong? Don't cry Ma'am."sabi ko at gusto ko man syang hawakan pero hindi ko magawa. Para kasing paghinawakan ko sya ay mababasag sya.

Ilang minuto pa kaming nanatiling ganon bago sya huminto saka ininom ang juice na nainuman ko na.

"Okay let's get this over with. I'm Franceen Nicole Azarcon. Know me now?"tanong pa ulit nya.

Umiling lang ako kaya nagpatuloy sya. "A transgender and my real name is Francis Lance."

Nawala ang kanina kong ngiti at napalitan iyon ng seryoso at malamig na tingin. Ewan ko ba kung bakit pero ayoko muna den. Feeling ko pag nakikita ko ang mga taong naka-witness ng so-called love ay maaalala ko agad ang hinayupak na lalaking yon na makaasta ngayon ay kala mo walang naganap sa past at akala mo kung sinong nakiki-tambay sa bahay namin tapos isasama pa ang sunga nyang jowa. LELs!

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon