Chapter(33): Battle Begins

1.9K 75 2
                                    

Ayan na po simula na natin! Natagalan kasi wala akong utak--I mean wala pala kong maisip. So pinlano ko na gawin na toh.

Yes, yes yow! Thank you kasi naka-20k+ reads na ang TGP Book 1! Awit kayo ah! Salamat talaga!

WARNING: TYPOS UP AHEAD!

Shaniah Jane's POV(Shane)...

Sa loob ng ilang buwan kong pag-iimbestiga habang nasa puder ako ng Lolo ko, natukoy ko na kung sino sino sila.

Sa loob ng ilang buwan kong pagkawala ay babalik na ko muli para masimula na lahat ng pinlano ko para sa pagpapatigil kila Alliah at Hersen.

Nagsasama silang dalawa, yun ang sabi sakin ng Lolo ko. Nagkikita silang dalawa ni Alliah dahil nga sa apo dya nito.

"Sigurado ka bang kaya mo na toh?"tanong sakin ni Lolo habang nakahawak sya sa kamay ko.

"Opo Lolo. Ako pa ba?! Kayo yata nagtraining sakin eh!"sabi ko pa at pabirong sinuntok si Lolo sa braso nya.

"Oh sya sige. Mag-iingat ka at tandaan mo ang nga bilin ko sayo at wag mo mung ipapaalam na I'm still alive and kickin'."sabi ni Lolo saka mahinang natawa.

"Yes Lo. Bye."sabi ko at bumaba na ng kotse.

Humarap na ko sa gate saka iyon binuksan. Nagtaka nga lang ako kasi nakabukas iyon at hindi man lang naka-lock.

Nagulat agad ako ng sumalubong sakin ang magulong halamanan. Nagulat at nagtataka lang ako kung bakit magulo eh mahilig sa gardening si Ate Rosé.

Iniwasan ko nalang ang mga basag na paso saka ako pumasok sa bukas na pinto.

Kung anong gulat ko sa labas, ay doble dito sa loob. Ang gugulo ng gamit at may mga basag na flower vase. Maputik sa loob at halatang may nangyaring gulo.

Lumapit ako sa may lampshade ng may makita akong papel na nakadikit doon.

It's been months Shaniah, why don't you come over and pay us a visit. I'm sure your friends badly wants to see you...

~DEMONise

Binitawan ko ang papel na iyon at kinuha pa ang isang itim na hugis pusong sticky notes.

Prentile Street at the last house...

~Ginto

Mabilis kong inilapag ang bag ko sa saka nagtungo sa garden para pumunta sa SP(secret place) ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang sarado iyon. Pinindot ko ang passcode saka pumasok ng iyon ay bumukas.

Nagpalit ako ng all black na damit. Naglagay ako ng baril sa magkabilang gilid ko saka kutsilyo sa magkabilang binti ko at swiss knife sa magkabilang braso ko. Nagdala na din ako ng extra na bala, just in case.

Hindi na ko nagdalawang isip pa at saka umalis na sa bahay at sumakay sa kotse ko at nagmaneho patungo sa lugar na iyon.

Wala pang ilang minuto ay narating ko ang lumang bahay kung saan madalas akong tumambay noon.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon