Shaniah Jane's POV(Shane)...
"Jane! Iiwan mo na ko Jane?!"sigaw ni Charles at lalo pang hinigpitan ang kapit sa binti ko.
"Lumayas ka sabi Charles!"sigaw ko habang pinipilit alisin si Charles sa binti ko.
"Ayoko! Aalis ka eh! Iiwan mo ko eh!"sigaw nya saka tumingala para makita ang mukha ko.
Napabuntong hininga ako saka yumuko at naupo sa kama tapos at hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ang luha nya.
"Don't worry Charles. I'll be back."sabi ko saka sya niyakap.
"Ayoko. Hindi mo ko tinatawag na ano eh."sabi ni Charles saka binitawan ang binti ko at naupo sa tabi ko.
Damn it!
Ayoko! Hindi pwede! Nakakahiya!
May pakulo na naman kasing nalaman si Charles. Endearment kuno eka at ayoko ng napili nyang call sign.
I let out a deep sigh. "Babalik din ako baby."
Pagkasabi ko non ay muli nya kong niyakap ng sobrang higpit. Yung tipong luluwa na yung mata pag mas lalo pa nyang hinigpitan.
"Ano ba kasing gagawin mo sa London?"tanong pa nya saka umalis sa pagkakayakap sakin.
"Business meeting lang."sagot ko saka tumayo at kinuha na ang maleta ko at nilagay malapit sa pinto. "Liligo lang ako."
Tumango lang sya kaya pumasok na ko sa banyo saka sinimulang maligo. Ilang minuto lang ay nayari na akong maligo.
Sinuot ko na ang dala kong damit saka lumabas. Wala na si Charles sa kwarto ko. Siguro nasa labas at kumakain ng something.
Nag-ayos lang ako ng konti saka binuhat ang maleta ko pababa ng hagdan. At doon ko nga nakita ang lahat. Kumpleto, nasa living room.
Bat ba tambay lagi tong mga toh dito?
"Baby! Tara kain ka muna!"sigaw ni Charles habang may pagkain pa sa bibig.
Lalakad na sana ko papuntang kusina ng harangan ako ni Kuya. "Business meeting. London."
Inunahan ko na agad sya sa tanong nya. "Why did he call you baby?"
Napatingin ako kay Leesa ng tanungan nya yon. "It's none of your business."
Lumapit na ko sa may main door saka iniwan don ang maleta ko at dumeretso sa kusina.
"Rude."narinig ko pang sabi ni Alliah bago ako makapasok sa loob.
"Baby bat ganyan mga kaibigan mo? Masyado silang masusungit. Kanina lang paglabas ko sinamaan nila ko ng tingin."sabi nya habang nakapout pa.
"Okay lang yan."sabi ko at nagsimula na ding kumain.
.....
"Balik ka agad baby ah. Baka iwanan mo na ko talaga."sabi ni Charles at kita ko na naman ang maluha luha nyang mata.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]
Aléatoire⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa natutuklasang bagay noon, malalaman nila ngayon. Ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga nangyari noon...