Chapter(29): Grandfather

1.9K 75 2
                                    

HELLO! ULET! TYPOS UP AHEAD GUYS. SORRY NATAGALAN ULIT ANG UD. PERO ETO NA NGA EH PAMBAWI HIHINESS!

THANK YOU SA LAHAT NG NAGFA-FLOOD VOTES GUYS! LABYU ALL!

KEEP SAFE GUYS AHH. DUMADAMI NA CASES NG COVID-19 SA PILIPINAS. INGAT KAYO!!!

Shaniah Jane's POV(Shane)...

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang boy version ko sya. Carbon copy nga ang tawag nila. Hindi halata sa itsura nya ang pagkatanda nya. At gwapo padin sya kahit na maputi na ang mga buhok nya!

Naglakad sya palapit sakin habang dala ang kanyang seryosong mukha. Hindi ko alam pero meron sa presence nya na nagssusumigaw na kailangan ko daw matakot sakanya.

Nang nasa harap ko na sya ay mas lalo ko syang natitigan. Ang kulay brown na brown nyang mata gaya ng sakin. Ang maputi nyang buhok na makapal padin. Ang mukha nyang maputi pa sa mukha ko, joke. Ang pilik mata nya na mahahaba at makapal nyang kilay. Don't forget his lips na mapula pula pa.

Matanda na ba talaga toh?

Bakit ganun? Mukhang may pinaburan si God dahil sa itsura nya. I mean, wala na itsura nya ang sa tingin ko na edad nya.

"Ilang taon ka na po?"

Agad akong napatakip sa bibig ko nang bigla nalang iyon bumuka at maglabad ng mga salita.

Wala pang limang segundo ay naabot na nya ang tenga ko saka iyon hinila palapit sakanya.

"Katapang mo talagang bata ka!"sigaw nya at mas hinila pa ang tenga ko.

Rinig at kita ko naman ang mga lalaki sa paligid namin na lihim at patagong tumatawa.

"Aray! Bitawan nyo po ako!"sigaw ko pa.

"At talagang sumisigaw ka pang bata ka ah!"sabi nya saka hinila ang ng isa pang matindi tindi ang tenga ko saka iyon binitawan.

Halos maiyak na ko sa sobrang sakit ng tenga ko. Ramdam ko ang init non at paniguradong namumula na din iyon.

"Mark lumapit ka dine."sabi ni Lolo.

Oo Lolo ko na sya. Halata naman sa itsura, kilos at pananalita. Di na ko magtataka kapag napagkamalang tatay ko sya.

Ay magtataka din pala ko.

Kasi nga maputi na buhok nya. Dapat na din ba kong magpa-puti ng buhok para tatay ko na sya?

"Ingat ka bro."

"Hahanda na namin kabaong mo."

"Condolence na agad."

"Taena tara na't tumakbo."

"Huh?!"

"Di na natin papanoorin ang huling sandali ni Mark sa mundo?"

Agad akong lumapit sa pwesto ng mga lalaking nagbubulungan. "Ano yon?"

Bahagya pa silang napatalon ng bigla nalang akong magsalita sa gilid nila. Yung iba napahawak pa sa dibdib nila na kala mo konting gulat nalang ay hihimatayin na.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon