Chapter(13): Happy Hurts Day: Part 1

2.3K 89 0
                                    

Third Person POV...

Nasa headquarters ngayon ang Bad Trigger Shadows at nagsisimula ng magplano.

Alam na nila na nakabalik na si Henry at sabi sabi nila na baka balikan sila nito o kaya si Shane.

"Ano nang plano mo Dex?"seryosong tanong ni Stan.

Kapag nandito sila sa HQ nila ay hindi sila marunong magbiro at tumawa. Lagi silang seryoso dahil na din nga sa pupunta lang sila dito kapag may importante silang pag-uusapan o pagpaplanuhan na hindi dapat marinig ng mga babae.

"Galit satin si Henry dahil sa ginawa natin non, lalo na sakin."panimula ni Dex habang nag-iikot ikot. "Ayos na ko sa problema ko, at yun ay kami ni Shaniah."

Ilang saglit pa ay mukhang nakuha na nila ang ibig sabihin ni Dex. At alam nila sa sarili nila na hindi nila gusto iyon.

"I can't."mahinang sagot ni Gab sabay yuko.

"Hindi mo kaya? Anong kaya mo Gab?! Ang hayaan na masaktan si Joan dahil sayo?! Yun ba ang kaya mo?!"pagtataas ng boses ni Dex.

"Hindi naman kasi ganun kadali yon."sagot ni Gab habang nakayuko parin.

Aaminin naman nilang lahat na takot sila kay Dex. Sya ang tinuturing nilang leader. At isa pa nakakatakot ang bad side ni Dex.

"Pwes gawin mo--nyong madali! Hindi natin toh maayos kung andyan sila! Kung may pinanghahawakan tayo!"sigaw muli ni Dex.

"Pano kung sabihin natin sakanila ang totoo?"tanong ni Dareel.

"Hindi pwede. More people knows more chances of problems."sagot ni Dex sabay upo sa single sofa.

Ilang saglit silang natahimik at nagtinginan sila. Tila ba nag-uusap sila sakanilang mga isip.

Nang makapag-pasya ay sabay sabay silang umalis at tinawagan ang kanilang nobya para makipagkita.

Danielle Breel's POV(Dareel)...

I can't do this...

Hindi ko toh kayang gawin. Natatakot ako sa mga posibilidad na wala na kong balikan pagkayari nito.

But I have to do this...

Oo, kailangan ko talaga. Masyadong malaki at kilalang tao si Henry na pati sa ibang bansa ay nakakarating sya ng walang kahirap hirap.

"So, anong pag-uusapan natin?"tanong ni Leesa habang umuupo sa upuan nya.

I tried not to look on her lovely face. Sinubukan kong tiisin yung sumasabog na pakiramdam sa loob.

"Let's cancel the wedding."sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.

Ilanh minuto lang ay bigla nalang syang tumawa. "Hahaha! I told you we're not ready yet!"sabi nya saka tumigil sa pagtawa. "Okay let's cancel it muna. Just to be prepared."

Tumingin ako sakanya. Kita ko ang ngiti nya. Pero agad na nawala iyon ng makita nya ang reaksyon ko. At alam kong nagkakaron na sya ng hindi magandang pakiramdam.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon