Sabaw chapter. Lagi namang sabaw sinusulat ko LOL. Hahaha! Pagtyagaan nyo muna toh.
WARNING: May typo. Di naedit. Tamad si author!
Sorry ulet sa super duper late update!!!
Yanna Rose' POV(Rosé)...
"Naiinis na ko sayo Shane ahh!"sigaw ni Stan sabay bato ng measuring cup kay Shane na mabilis naman nitong naiwasan.
"I told you, ayoko nga kasi!"sigaw den ni Shane sabay bato ng kutsara kay Stan pero naiwasan naman nito.
"It's for your own good!"sigaw pa ni Stan.
Nagsimula silang magikutan sa kitchen counter habang kami nanonood lang dito sa may dining table nila.
"Nagkasundo na ba ang dalawang yan?"pabulong na tanong ni Eliza.
"Hmmm..."umakto pa na parang nag-iisip si Leesa. "I don't know."
Napa-face palm naman ako dahil don. Kala ko naman alam nya kasi ang tagal din nyang nag-isip.
"Pag nagkaanak tayo, ayoko ng gaya nila."banat pa ni Dareel sabay akbay kay Leesa.
"Shut up!"sigaw ni Leesa sabay alis ng braso ni Dareel sa balikat nya.
Ngayon naman sila na ang pinapanood namin. Mukha silang tanga na nag-aaway at kala mo sila lang ang tao dito. Kalampag pa ng kalampag sa mesa.
Nahinto ang dalawa sa pagbabangayan at napalingon kaming lahat sa kusina ng makarinig kami ng pagkabasag...
*****
Shaniah Jane's POV(Shane)...
Napahinto ako at halos hindi makagalawa ng makita ko si Kuya. Puno ng dugo ang kamay nya habang pinupulot ang basag na piraso ng mangkok.
Bigla nalang bumalik sa ala-ala ko ang napanaginipan ko non. Yung paglangoy ko sa dugo. Yung lalaki na nagparetoke at yung pugot nyang ulo.
Tulala lang ako habang inaasikaso si Kuya ang nabasag na mangkok dahil sa paghagis ko non. Mabuti nalang at hindi sya natamaan.
"Stan okay ka lang?"agad na tanong nila habang nagpapanic na pumapasok sa kusina.
"Okay lang ako."sagot ni Kuya habang hinuhugasan ang kanyang kamay na nabalot ng dugo, pulang pulang dugo.
"Ikaw Shane okay ka lang?"tanong ni Jesh.
Wala akong takot sa dugo. Ni hindi nga ako nagkaron ng karanasan na sumobra ang paglabas ng dugo sa katawan ko eh, maliban nalang pala nung nakidnap kami ni Leesa saka nung nangyari nung nagbakasyon kami.
Wala akong problema sa dugo. Minsan ko na ngang natikman yon eh. Palagi pa nga akong nakikiusyoso pag may naguusap na nabunggo, naaksidente, nasaksak basta yun, alam nyo na yon!!!
Basta alam nyo yon? Dahil lang sa panaginip ko, hindi ako takot pero parang ganun na nga. Takot at yung pakiramdam na may kailangan akong lutasin.
![](https://img.wattpad.com/cover/207297664-288-k162213.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]
Random⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa natutuklasang bagay noon, malalaman nila ngayon. Ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga nangyari noon...