Lab ko kayo kaya nag-update ulet ako, char! Mauubos na kasi load data ko. Wahahaha! Wala pa yung sweldo ko kaya patience and antay antay lang tayo ah! Wuvyu all!
Typos up ahead!
Corine Leena's POV(Coleen)...
Two days. Two days nang nawawala si Shane at hanggang ngayon ay hindi parin sya nakakabalik.
Tanga nawawala nga eh malamang hindi pa nakakabalik bobo amp!
"Wala pa din ba kayong balita?"tanong ni Stan.
Sabay sabay lang kaming napailing bilang sagot.
"Eh kung magreport na kaya tayo sa police?"suhestiyon ni Gab.
"Hindi pwede."sagot ni Dex.
"Anong hindi pwede?! Nawawala na yung tao oh! Anong hindi pwede?!"sigaw ni Rosé sakanya.
Napabuntong hininga si Dex saka umayos ng upo at isa isa kaming tiningnan.
"You'll are just paranoid. Kilala nyo si Shaniah. You shouldn't do that kind of things. Malay mo may pinuntahan lang sya."mahinahong sagot ni Dex.
"Kung may pupuntahan sya edi sana tumawag man lang sya para magpaalam."sabat ni Leesa.
"Alam nyo, ang tatanga nyo."
Tila ba naging trigger yon para saming lahat. Binawal namin ang mga lalaki na kala mo ay anumang oras ay susugurin na si Dex.
"I saw her last last night in the park. May mga lalaking kumuha sakanya."Dex said.
"ANO?!"
Napatakip ako sa tenga ko ng sabay sabay silang sumigaw.
Uso di sumigaw!
"Tama si Dex..."napalingon kaming lahat kay Jesh na syang nagsalita. "Hindi basta basta maki-kidnap si Shane ng ganung kadali. Kung matalino kayo at alam nyo naman siguro ang kayang gawin ni Shane. Hindi sya basta basta nagpapatalo."
Natahimik kami dahil sa sinabi nila. Alam namin ang kakayahan ni Shane. Pero tama bang pabayaan nalang namin sya?
"Wag na kayong mag-alala. Kaya ni Shane yun. Si Shane pa."si Dex sabay ngiti sa kawalan.
Oo tama. Kaya nga ni Shane yon. May tiwala kami sakanya.
I believe in you--no! We believe in you...
*****
Shaniah Jane's POV(Shane)...
"Ano po ang totoo?"tanong ko kay Lolo.
Nandito kami ngayon sa opisina ni Lolo. Nakaupo sya sa swivel chair habang ako naman sa sofa.
"May kapatid ka Shane."sabi ni Lolo.
Ehhh?
"May kapatid naman po talaga ko. Si Tristan ho."sabi ko pa at bahagyang natawa.
"Hindi. May isa ka pang kapatid maliban kay Tristan."sabi ni Lolo.

BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]
De Todo⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa natutuklasang bagay noon, malalaman nila ngayon. Ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga nangyari noon...