Chapter(31): JeshLeen

2K 77 3
                                    

Hi vlog welcome to my guys! Char! Practice lang noh! Wala akong sinasabi na magba-vlog ako ah joke lang hahahaha!

Guys! About sa FB group na gagawin ko, ano G ba kayo? Kasi kung hindi wag nalang talaga. Kaso gusto ko din kasi eh hahaha!

Wag nang mag-authors note kakatamad magsulat. Pahinga muna sa suspense, try kong pakiligin kayo nyahahaha! Hatdog!

TYPOS UP AHEAD!!!

Jester Ash' POV(Jesh)...

Nandito parin kami hanggang ngayon kila Stan. Hindi parin kasi umuuwi si Shane. Halos apat na araw na den.

Napalingon ako sa bedside table ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon saka sinagot.

"Hello?"

Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya bago magsalita ang caller.

[Hahaha! Naghiwalay lang kami di na ko kilala, hahahaha!]

Nagulat ako dahil sa boses na iyon. Wala mang pangalan ang caller pero alam ko na sya yun. Pero bakit parang lasing sya?

"Coleen?"

[Tangna mo oo!]sigaw nya sa kabilang linya.

"Lasing ka ba? Nasan ka? Akala ko ba natulog ka na dito kila Stan?"sunod sunod na tanong ko.

Muli akong nakarinig ng pagtawa at kung ano anong ingay sa kabilang linya.

[Babe tara na!]

Parang nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko na yon. Hindi ko masabi o mawari man lang kung sino yon pero alam kong babae iyon.

"Hello Darling---"

Napahinto ako ng marealize ko kung ano ba ang nasabi ko. Napatakip ako sa bibig saka nag-init ang pisngi ko.

Bakla ka ghOrl!

[Hahaha mahal din kita Darling! I love you!]

"I love you too."nakangiti nang sabi ko. "Nasan ka susunduin kita."

[Sa bar malapit sa bahay nila Stan. Bilisan mo masakit na paa ko.]

Agad ko nang pinatay ang tawag saka ko isinuot ang jacket ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

Lumabas na ko sa kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko pa ang nakakadiring ginagawa ni Gab at Joan na naglalampungan sa sofa.

I did not wish to see that!

Paglabas ko sa bahay ay agad akong sumakay sa kotse at nagmaneho na. Wala pang ilang minuto ay narating ko ang bar dahil na din sa malapit lang ito kila Stan at isa pa...

Lumipad ang kotse...

Mabilis akong lumabas ng kotse saka nanakbo papasok sa loob ng bar. Sobrang ingay sa loob at madaming tao, sobrang dami.

Sinubukan kong makisiksik sa mga nagsasayaw pero dahil sa likot nila, natatangay lang nila ko.

Nang mawalan ng pag-asa ay lumabas  nalang ako ulit habang nag-iisip ng paraan kung pano ko makakapasok sa loob ng hindi natatangay sa alon ng mga taong baliw.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon