Chapter 2

2.8K 56 0
                                    

Finally, graduate na ako ngayon at masaya ako dahil dumalo si daddy sa graduation ko kahit busy pa siya sa trabaho niya.

Humanda ka sa akin Gian. Malapit na dumating ang iyong worst nightmare.

Kinabukasan ay nagmamadali na ako pumunta sa GCA Group of Companies dahil medyo tinanghali ako ng gising. Inaasikaso ko pa yung resume ko tapos ginugulo pa ako ni Riley. Sarap i-tapon sa Pacific Ocean si Riley kasama na rin niya si Rico. Kapag nag-sanib pwersa na yung kambal ay kawawa na ako kaso dakilang masungit at pasaway si Riley.

Wait for my sweet revenge, Gian.

Pagpasok na pagpasok ko sa private room ay si Gian lang ang tao rito. As in. Siya ang nag-iinterview sa mga applicants. Nagulat pa nga siya pagkakita niya sa akin.

"Bakit dito mo naisipan mag-apply, Daisy? You are not qualify for this job." Hawak pa rin niya ang resume ko.

"Ang sabi kasi ni Jet noong isang araw ay bumalik ka na kaya naisipan kong bigyan ka ng welcome party." Nakangiting sabi ko para hindi obvious na may binabalak nga talaga akong masama sa kanya.

"Welcome party? Sana noong isang araw mo pa ginawa yun."

"Busy pa ako noong bumalik ka ng bansa. May upcoming exam pa ako at graduation pa pero ngayon I'm totally free. Pwede ka ba tonight?"

"Are you asking me for a date, ms. Hernandez?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ito date. Welcome party nga. Wel.come par.ty. Ayan, matagal na yan baka alam mong hindi kita niyaya makipag date. Kinalilibutan ako sayo. Hindi ko maiimagine na gagawin ko iyon parang nag-traydor na rin ako kay Jet."

"Sabi ko nga sayo libre ako kapag nag-sawa ka na kay Jet. I'm totally clean and never been dating any wonan while I was in Italy."

"Yuck! So, ano? Nakakapunta ka ba o ano? Kung hindi ka pwede mamayang gabi ay next–"

"Makakapunta ako mamaya. Tell me the location."

"Good. At saka kung hindi talaga ako qualify sa trabaho ay aalis na lang ako."

"Are you kidding me? Hindi ka talaga qualify because I'm looking for a secretary."

"Okay, madali lang naman akong kausap. Basta huwag mong kalimutan mamaya ah." Tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko na kayang tumagal pa dito.

"Wait. Yung location." Sabi niya.

Sinabi ko na sa kanya ang location kung saan gaganapin ang welcome party niya at lumabas na ako sa private room.

Kinagabihan ay pumunta na ako sa club at wala talaga ako pinag sabihan na kahit sino lalo na si Jet. Kapag sinabi ko kay Jet baka makarating pa kay daddy at lagot talaga ako. Nakita ko na si Gian kaya kumaway na ako para makita niya ako.

"Tayo lang?" Tanong niya sa akin.

"Yes. Just you and me. Ayaw mo ba?"

Umupo na siya sa harapan ko. "Wala akong sinabing ayaw ko."

"Let's have fun tonight."

Nag-order na ako ng maiinom namin. Actually, hindi talaga ako umiinom pero kawawa naman si Gian kung siya lang ang iinom.

"Kamusta ka na, Daisy?"

"Nakikita mo naman okay ako tapos tatanungin mo kong kamusta na."

"No, I mean masaya ka ba kapag kasama mo si Jet?"

"Oo naman. Paano mo pala nalaman na girlfriend ako ni Jet?"

"Someone told me. Isa sa mga katiwala ng pamilya namin." Tumango ako at sawakas dumating na rin ang inorder naming inumin. "Umiinom ka ba?"

"Hindi. First time ko uminom."

"Naku, Daisy. Kung ako sayo ay huwag ka na uminom."

"Why? Are you going to take advantage?"

"Of course not. Except if you're going to seduce me. Hindi na tayo mga bata."

"In your dream."

Hindi ko alam kung ilang shots na ba ang nainom ko ngayon.

"Shit. Daisy, lasing ka na."

"Hindi pa ako lasing." Iinumin ko na sana yung alak kaso inagaw sa akin ni Gian. Ang killjoy niya. "I-balik mo na sa akin yung inumin ko."

"May problema ba kayo ni Jet?"

"Wala kaming problema ni Jet. Ang problema ko ay ikaw. Nang dahil sayo hindi maganda ang kabataan ko. Kapag nakikita kita ay lagi nasisira ang araw ko."

"I'm sorry for what I did before. It's not my intention to hurt you, Daisy."

"Ano ba ang ginawa ko sayo kung bakit mo ito ginawa sa akin ah?"

"Wala. Gusto ko lang na mapansin mo ko. Hindi puro Jet, Jet. Nakakairita na dahil palagi si Jet ang nakikita mo. Oo, inaamin kong mabait si Jet kumpara sa akin. Matalino si Jet kumpara sa akin. Ginagawa ko ang lahat para malamangan si Jet pero mas lamang pa rin siya lalo na diyan sa puso mo." Tumingin ako kay Gian noong tumayo na siya. "I-uwi na kita sa inyo."

Tumayo na rin ako. "No. Gusto ko pang kasama ka."

"No, lasing ka na. Malalagot pa ako kay tito Rocco kapag nalaman–" Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Gian nang hinalikan ko siya. Oh shit, my very first kiss na dapat kay Jet ko ibibigay balang araw pero kay Gian ko binigay.

Nilagay ni Gian ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko para mas lumalim ang halikan naming dalawa at pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Gian is a great kisser.

Humiwalay na siya sa akin. "You're not planning to seduce me but you kissed me. Ano ba ang binabalak mo, Daisy?"

"Wala."

"Kung wala kang balak sa akin. Bakit mo ko hinalikan?"

"No reason."

"Daisy, ayaw kong saktan si Jet. Sa nakikita ko ay mahal ka talaga niya."

"I know, kaya nga siya ang naging boyfriend ko at wala akong sinabing mahal kita."

"Tatawagan ko na si Jet para maiuwi ka na niya." Tumalikod na sa akin si Gian pero pinigilan ko siya. Hindi pwede malaman ni Jet ang nangyari.

"Huwag mong tawagan si Jet. Hindi niya pwede malaman kung nasaan ako ngayon."

"Mahal mo ba si Jet?" Tumango ako sa kanya. Anong klaseng tanong ba iyan? Siyempre mahal ko yung tao. "Kung mahal mo si Jet ay kailangan niya malaman kung ano nangyari ngayong gabi. Kung san iba pa niya nalaman ay mas lalo siya masasaktan. Mabait si Jet at hindi karapat-dapat masaktan si Jet. Mali itong nangyari sa atin."

"Please, ako na ang nakiki usap sayo na huwag mo sabihin kahit kanino ang nangyari ngayong gabi. Kahit kay daddy."

"Damn it. I'll take you home. Whether you like it or not." Hinawakan na ni Gian ang kamay ko at lumabas na kami ng club. "Nandito ba yung driver niyo?"

"Pinaalis ko na siya pagkarating ko kanina."

"Fuck. Ako na ang mang-uuwi sayo sa inyo."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon