Epilogue

3.6K 57 6
                                    

Gian's POV

Hinahanda ko na ang mga kailangan sa surprise ko. Special na araw ito para sa amin ni Daisy at gusto ko maging perfect ang lahat dahil first time ito mangyayari. Tinawagan ko na si Tres na sabihan si Daisy kapag nagising na siya. Lagot sa akin si Tres kapag kinalimutan niya ang bilin ko bago pa ako pumunta rito.

Masyado nga akong kinakaban noong sinabi ko sa mga magulang ni Daisy ang balak ko kahit papayagan naman nila ako.

Inimbitahan ko rin ang mga kaibigan ni Daisy. Ang iba sa mga malapit sa kanya ay may gusto pala sa kanya. Hindi ako pwedeng magalit kasi ako na ang mahal ni Daisy at magkakaroon na kami ng anak.

I can't wait to carry my son.

"Gian." Lumingon ako sa likod at siyempre hindi mawawala ang lola ko.

Lumuhod ako sa harapan ng lola ko. "Lola, masaya po akong dumating kayo."

"Special na araw ito para sa apo ko at salamat dahil tinupad mo ang kahilingan ko." Binilin ko rin kay Tres na sabihin kay lola ang magandang balita. Tutal, siya ang madalas na bumibisita kay lola. "Basta alagaan mo ang mag-ina mo."

"Opo. Pangako po." Tumayo na ako at pagkatalikod ko ay nakita ko na si Tres. Nandito na sila. "Pupuntahan ko na po si Daisy, lola."

"Sige, apo."

Nakita ko na si Daisy nakaupo sa isang bakanteng table at alam kong nagtataka siya sa nangyayari ngayong araw.

"Wife."

Tumingala sa akin si Daisy. "Ano meron?"

"Malalaman mo rin iyan mamaya."

"Lagi na lang iyan ang sinasabi mo. Wala na bang iba?"

Natawa ako ng mahina saka lumunod sa harapan niya at hinimas ang umbok niyang tyan. "Thank you for being with me and give me a baby. It's hard for you, I promise I will try my best to take care you two." Nakangiting sabi ko.

"Ano ba nangya–" Suminghap si Daisy at naramdaman ko rin ang pag-sipa ng anak namin.

"Sumipa ang baby natin." Nilapit ko ang mukha ko. "Buddy, inaalam mo ba kung nagsasabi ng totoo ang daddy? Pangako aalagaan ko kayo ng mommy mo."

"Tuparin mo iyang pinangako mo sa anak mo ah. Kung ayaw mong magtatampo siya sayo."

Tumingala ako sa kanya. "Oo naman, wife."

Sakto pagkatayo na sinabing okay na ang lahat kaya inalok ko na si Daisy samahan ako.

Nililibot niya ang buong paningin niya sa venue at sa tingin ko inaalam niya kung ano ba meron ngayon.

"Wife." Tumingin sa akin si Daisy at hinawakan ko ang kamay niya. "Today is our wedding anniversary. Sorry kung hindi ko sinabi sayo kung ano ang binabalak ko baka tanggihan mo lang ako."

"Bakit naman kita tatanggihan?"

"Niisang beses ay hindi mo binabanggit kung gusto mo ba talagang magpakasal ulit sa akin kaya yayain kitang magpakasal ulit sa akin sa special na araw para sa atin."

"Niyaya mo ko magpakasal? Hindi ka man lang nag-propose sa akin."

Napakamot ako ng ulo noong tumawa yung mga bisita. Nakakahiya. "Alam mo namang hindi ako marunong sa ganoong bagay. Pagpasensyahan mo na ang asawa mo."

"Sige, papatawarin kita ngayon pero kapag nangyari ulit ito ay hindi na kita papatawarin."

Tumango ako. "Pangako."

Ang dami ko ng binitawang pangako ngayong araw. Tatlo na.

"Maybe this is a simple wedding again." Tumingin ako sa mga bisita. "Pero nandito ngayon ang mga mahalagang tao sayo."

Nakikita ko yung mga babaeng kaibigan ni Daisy ay kumakaway dito.

"Wife." Humarap ulit ako kay Daisy kaso nandoon ang kaba sa dibdib ko. Ngayon lang akong nerbyusin ng ganito. "Alam nating dalawa na galit ka talaga sa akin pero ginagawa ko ang lahat para patawarin ang kasalanan na ginawa ko noong tayo ay mga bata pa. Nagsisi ako sa lahat na ginawa ko noon. Akala ko nga hanggang panaginip na mamahalin mo rin ako. Masaya ako noong sinabi mong mahal mo rin ako at walang ikakasaya sa nangyari sa buhay ko noong sinabi mo ang magandang balita na nagdadalang tao ka."

Pinunas ko ang luha ni Daisy nang makita kong pumatak. "I don't know what to say. Speechless ako. Thank you siguro dahil hindi ka sumukong mahalin ako. Pinapakita mo sa akin na mahal mo talaga ako at gagawin ang lahat. Thank you, Gian."

"Thank you rin, Daisy." Lumapit ako sa kanya para mahalikan siya sa labi.

Humiwalay agad sa akin si Daisy na kinatataka ko. "Ahh!" Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko at may nakita akong tumutulong tubig. Fuck! Her water broke. "M-Mukhang may gustong sumabay– Ahh! Ang sakit!"

"Shit." Binuhat ko na si Daisy para mailagay ko na siya sa kotse. "Buddy, bakit sumabay ka pa ngayon?"

Siyempre, masaya ako dahil nandito na ang anak namin. Malapit ko na siya makarga.

"Gian, dalhin mo na si Daisy sa ospital." Sabi ni tito Rocco. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag na mama at papa ang mga magulang ni Daisy pero masaya ako dahil tinanggap ako ng mga magulang niya para kay Daisy.

"Okay po."

"Susunod na lang kami doon ni Rocco pagkatapos dito." Sabi naman ni tita Sarah.

Pagkarating sa ospital ay dinala kaagad si Daisy sa loob ng delivery room. Hindi mawala ang saya dahil malapit ko na makita ang anak namin.

"Gian." Tumingin ako sa tumawag sa akin. Nandito na pala sina tito Rocco at tita Sarah.

Napatingin ako ng may doctor na lumabas sa delivery room. Lumapit ako sa doctor.

"Doc, kamusta na ho?"

"Congratulations for having a healthy baby boy, mr. Avellino." Masayang anunsyo ng doctor. "Dadalhin ang ina sa isang private room at ang baby naman dadalhin sa nursery room."

"Pwede ba namin makita yung baby?" Tanong ni tita Sarah.

"Pwede po kayo pumunta sa nursery room para makita ang baby. I have to go."

Pumunta na kami sa nursery room para makita namin ang baby namin ni Daisy. Sino kaya ang kamukha? But I don't care.

Binuksan na ng nagbabantay yung kurtina para makita na namin ang baby.

"Mukhang sayo nakuha ang lahat, Gian." Tumingin sa akin si tito Rocco. "Baka mag-tampo si Daisy kapag nalaman niyang wala nakuha niisa sa kanya."

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ni Daisy kapag nakita niya ang anak namin. Tatampo nga ba siya o hahayaan na lang niya.

THE END

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon