Daisy's POV
Tumingin ako kay Gian nakahiga sa tabi ko at nakatalikod sa akin. The reason why I kissed Jet because I want to know if I still love him. Nakilala ko pa kasi ng lubusan si Gian noong mga panahon na wala akong maalala. Hindi siya ganoon masamang kumpara ngayon. Para tuloy humarap ako sa isang demonyo.
Pinahid ko na ang luha ko dahil sobrang sakit ng ginawa ni Gian kanina. Binaboy niya ako. Ang sakit pa ang pagkababae ko ngayon.
"We're not done yet kaya huwag kang matutulog." Tumingin ulit ako sa kanya. Ang sakit pa nga ng pagkakababae ko, eh. "Hindi ako titigil hanggat hindi ka buntis."
Muling pumatak ang luha ko pero agad kong pinunasan. "Kapag binigyan ba kita ng anak ay papaalisin mo na ba ako?"
"Hindi. Ano ang tingin mo sa akin? Pagkatapos nang ginawa niyo kanina sa akin."
Wala na ba talaga akong kawala ngayon kay Gian? Paano na yung mga pangarap ko? Hindi ko nagawa ang mga bagay na gusto kong gawin pagkatapos kong grumaduate dahil napakasal ako kay Gian. Wala sa plano ko ang magpakasal pa.
"Gian..." Lumapit ako sa kanya kahit masakit ang pagkababae ko at sinunggaban ko siya ng halik. Noong hinalikan ko si Jet kanina ay wala ako nararamdaman na spark pero kay Gian ay nakakaramdam ako. Don't tell me I'm in love with Gian? Sa ganitong kalagayan hindi ko magalit sa kanya dahil mas nauuna ang takot ko sa pwedeng gawin ni Gian kay Jet. Magagawa nga ba talaga ni Gian ang pumatay ng tao? Lalo na kaibigan niya iyon?
Kinabukasan sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi kasi tumitigil si Gian hanggang makaramdam na siya ng pagod. Kahit masakit rin ang pagkababae ko ay pinipilit ko pa rin ang bumangon sa kama.
Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. Nakita ko si Gian kumakain ng agahan.
Ngumiti ako ng pilit noong tumingin siya sa akin. "Morning, Gian."
Ngunit wala akong nakuha kahit anong sagot mula kay Gian. Galit nga kasi siya. Nakita ko ang pag-tayo niya. Hindi pa nga siya tapos kumain.
"Anong oras ka uuwi mamaya?" Tanong ko. Umaasa ba akong sasagutin niya ako?
"Mag-overtime ngayon si sir Gian. Kaya huwag mo na hintayin ang pag-uwi niya mamaya." Rinig kong sambit ni Tres. Hay naku, si Tres at ang mga maids na nga ang madalas kong kasama dito dahil sobrang workaholic niya ah. "At pinapasabi rin ni sir Gian na huwag mong subukang tumakas."
"Hindi ako tatakas. Kaya huwag siya mag-aalala baka ano pa ang gawin niya kay Jet. Maawa siya doon sa tao."
Tumawag pa nga ako ng ambulansya kahapon noong pumasok na si Gian sa loob ng bahay. Nag-aalala tuloy ako sa nangyari kay Jet ngayon. Bugbog ang mukha sa ginawa ni Gian sa kanya. Sana nga hindi masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Tumingin ako kay Tres. "Pasabi rin sa amo na pupunta ako ng ospital para dalawin si–"
"At pinag babawalan ka na rin makipag kita kay sir Jet." Sabi ni Tres sa akin.
Hindi ko rin pala malalaman ang kalagayan ni Jet ngayon dahil pinag bawalan na ako ni Gian puntahan siya.
"Eh, sa bahay na lang. Gusto kong bisitahin ang mga kapatid ko ngayon."
"Wait. Tatawagan ko si sir Gian kung papayagan ka ba niya lumabas ng bahay."
"Mamaya mo na lang tawagan baka nagmamaneho pa siya. Alam mo naman delikado ang gumamit ng cellphone habang nagmamaneho." Umupo na ako sa harap ng hapag kaso may inabot na isang supot sa akin si Tres. Tiningnan ko ang laman. Nakalimutan ko na ang tungkol dito. Pinabili ko nga pala si Gian ng marshmallows kahapon bago ko pinapunta si Jet.
Napangiti ako dahil tatlong flavor ang bili niya. Paborito ko kasi itong marshmallow kahit hindi ako mahilig sa matatamis. Naalala ko pa noong sumakit ang ngipin ko at ayaw ko magpatingin sa dentist kaso ilang gabi na ako hindi pinapatulog ng ngipin ko sa sobrang sakit. Simula noon hindi na ako kumakain ng matatamis.
"Hindi ka ba kakain ng ibang pagkain?" Tanong ni Tres. Hindi ko alam pakialamero rin pala ang lalaking ito.
"Binili ni Gian para sa akin ito. Kaya ito na muna ang kakainin ko ngayong almusal." Tumayo na ako para pumunta sa sala at manood ng tv.
Sobrang bored na ako dito sa bahay. Walang magawa kahit ano. Wala naman akong alam sa gawaing bahay. Mas lalong wala akong alam sa pag-luluto. Si daddy ang cook, taga laba at taga linis namin sa bahay. In other word; house husband. Habang si mommy ang nag-tatrabaho bilang isang sikat na fashion designer. Sikat sila magkakaibigan. Sina tita Eunice, tita Jessa at mommy.
Naalala ko pa nga yung mga panahong tinulungan ako ni mommy sa mga batang nang bubully sa akin lalo na kay Gian. Kaya simula noon ay gusto ko siya makilala ni daddy at siya ang maging mommy ko. Hinihiling ko pa nga tuwing gabi na sana siya ang maging mommy ko at natupad ang kahilingan ko maging mommy si mommy Sarah. Sobrang saya ko noong sinabi ni daddy na magkakaroon ulit ko ng mommy. Hindi ko kasi nakilala ang totoong mommy ko dahil ang sabi ni daddy namatay daw si mommy noong pinanganak ako kaya hindi ako masyado nagse-celebrate ng birthday ko. Naiinggit nga ako sa mga kapatid ko dahil pwede sila mag-celebrate ng birthday nila.
"Ma'am..." Tumingin ako kay Tres habang ngumunguya ng marshmallow. "Pumayag si sir Gian na bisitahin ang mga kapatid mo basta kasama ako."
"Okay. Walang problema." Ayaw ko na rin kasi makitang magalit si Gian sa akin. Nakakatakot at para ba talagang papatay siya ng tao wala sa oras. "Uubusin ko lang itong isang marshmallow tapos magpapalit na ako ng damit ko."
Pagkarating namin sa bahay ay mabuti na lang bakasyon ng dalawang kapatid ko pero wala ang kambal. Mukhang busy ang kambal sa kanya-kanyang trabaho.
"Rin, saan pala si mommy?"
"Nasa ospital si mommy ngayon, ate." Kumunot ang noo ko. Sana walang nangyari masama kay mommy at sa baby. "Wait. May naalala ka na, ate?"
"Meron na. Kahapon ko naalala ang lahat."
"Ate..." Tumingin naman ako kay Rocky. "Alam niyo po ba palaging sinusuntok ni daddy si kuya Gian dahil sinisi ni daddy si kuya Gian sa nangyari sa inyo."
Nagulat ako sa sinabi ni Rocky. Wala akong alam sa nangyari kay Gian noong nasa coma pa ako.
"Oo nga, ate. Halatang mahal ka ni kuya Gian. Handang tanggapin ang lahat na galit ni daddy sa kanya at ni minsan ay hindi sumasagot si kuya Gian." Ani Rin.
Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao. Ilang beses kong sinasaktan si Gian pero ginagawa pa rin niya ang lahat para maging masaya ako.

BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...