Chapter 21

2.1K 49 1
                                    

Gian's POV

"The baby didn't survive. I'm sorry, mr. Hernandez." Rinig kong sabi ng doctor sa hindi kalayuan. Gusto ko kasing alamin ang kalagayan ni Daisy ngayon pero wala akong alam na buntis pala ang asawa ko. Hindi ko mpapatawad ang ginawa ni papa. Pumatay siya ng isang inosente.

"Rocs, kailangan mong sabihin kay Daisy ang nangyari." Sabi ng isang lalaki kay tito Rocco kaso hindi sumagot si tito Rocco.

"Ako na po ang magsasabi kay Daisy." Pareho silang tumingin sa akin. "Kukuha lang ako ng tyempo na sabihin sa kanya ang katotohanan."

"Sigurado ka, Gian? Alam ko hindi tama ang i-lihim kay Daisy sa nangyari sa anak niyo. Alam ko rin ang pakiramdam na mawalan ng anak."

Tumango ako. "Sigurado po ako, tito. Tatanggapin ko ang lahat na galit ni Daisy kapag sinabi ko na sa kanya."

Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay Daisy ang totoo. Nahihirapan akong aminin sa kanya kung kailan okay na kami ngayon. Damn it. Noong sinabi niyang parang may kulang sa kanya pero hindi ko masabi kay Daisy. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

As a promise, nag-bakasyon kami ngayon sa England. Ang pala ng bahay nila dito.

Pumunta na kami sa sementeryo para dalawin ang grandparents niya at pinakilala na niya ako.

"Do you know they are not my real grandparents."Tumingin ako kay Daisy para kasi gusto ko malaman ang buong kwento. "Siguro narinig mo noon ang pag-aaway nina daddy at uncle Jace." Tumango ako sa kanya. "Ang kwento ni daddy sa amin ay namatay ang mga magulang nila sa isang aksidente. Baby pa noon si uncle Jace at high school pa lang si daddy noong nawala sila. Tumira sila sa bahay ampunan pero umalis rin sila noong hindi na matiis ni daddy ang pag-aapi sa kanya ng ibang bata kaya tumira rin sila sa langsanggan. Nagkasakit pa noon si uncle Jace at wala silang pera para maidala sa ospital hanggang nakita sila ng mag-asawang doctor."

"Ang mag-asawang doctor ay yung grandparents mo ngayon?"

Tumango siya. "Yes. Sila ang tumulong sa kanila at inampon na rin nila sina daddy at uncle Jace."

"Wala ba sila naging anak?"

"Meron, pero may malubhang sakit ang anak nila at hindi nailigtas ng lolo."

Tumango lamang ako dahil iniisip ko kung sasabihin ko na ba kay Daisy ang totoo o hindi pa. Sabi ko nga tatanggapin ko ang galit ni Daisy sa akin lalo na hindi ko sinabi sa kanya agad.

"May problema ba? Simulang dumating tayo sa England ay sobrang tahimik mo."

Tumingin ako sa kanya. "I... I don't know how to say this to you."

"Ano ba iyon?"

"Dinugo ka noon kaya hindi nakaligtas ang baby natin."

Nakita kong may luhang pumapatak sa pisngi niya. "I'm sorry, Gian. Alam ko kung gaano mo gusto magkaroon ng anak."

"Don't be sorry. Ako dapat ang mag-sorry sayo, Daisy. Kasalanan ko kung bakit ang bata ay nadamay dito." Hinawakan ko ang isang kamay ni Daisy at pinag hahampas ko sa akin. "Kung galit ka tatanggapin ko."

"Gusto ko na umuwi." Tumango ako. Kahit anong mangyari ay hindi ako aalis sa tabi niya.

Nakaupo ako sa sofa habang nasa kwarto si Daisy. Nilock niya kasi ang pinto kaya hindi ako makapasok sa loob. Hindi ko alam kung may duplicate key. Nag-aalala ako sa asawa ko kaso wala ako magawa.

Pumunta kami sa England para mag-bakasyon at mag-enjoy pero ganito ang nangyari.

Niyakap ko si Daisy nang lumabas na siya ng kwarto. Nag-aalala talaga ako sa kanya.

"Sorry kung pinag aalala kita."

"I understand, wife."

Kinabukasan nagising ako wala si Daisy sa tabi ko. Nag-hilamos na muna ako ng mukha bago bumaba para hanapin si Daisy hanggang makita ko siya sa may garden.

Niyakap ko siya mula sa likod na kinalingon niya. "Natakot ako kanina nawala ka na sa kama."

"Sorry. Ang himbing kasi ng tulog mo at gusto ko mag-pahing ngayon." Sinandal ni Daisy ang ulo niya sa dibdib ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito. May feelings na rin sayo yung babaeng mahal mo. "May naalala rin kasi ako dito sa garden."

"Ano yung naalala mo?"

"It was my daddy's 37th birthday that time. Sinabi ni mommy na buntis siya sa kambal at wala sa amin nakakaalam na buntis si mommy kaya si daddy naiiyak sa binabalita ni mommy at mas nakakatuwa noong inamin rin ni mommy na mahal niya si daddy. Ang sabi ni mommy tumulo daw ang luha ni daddy noon at naalala ko pa sa tuwing tinatawag ni lolo si daddy na pedophile dahil ang laki ng agwat ng edad nila mommy. 15 years kasi ang age gap nila."

15 years?! Grabe naman. Hindi ko inakala ganoon pala laki ng agwat ng edad nila. Ang akala ko pa naman maliit lang ang agwat nila.

"22 pa lang noon si mommy na buntis siya ni daddy."

"May naging anak na sana sila?"

Tumango siya. "Naaksidente kasi si mommy noon at hindi nabuhay yung baby. Galit siya noon kay daddy pero lang ang pinapansin niya. Hindi naman katagalan naging okay na sila. Kung hindi siguro nagpakasal si daddy ulit baka ganoon pa rin ang buhay namin hanggang ngayon. Palagi siya busy sa trabaho at wala akong mga kapatid ngayon."

Wala nga talagang alam si Daisy na dating agent si tito Rocco.

"Kaya simulang dumating ang kambal at nagpakasal ulit sila ay pinangarap ko na maging ganoon rin ang mangyari sa akin. Yung kasama mo yung taong mahal mo at bubuo kayo ng masayang pamilya."

"Bakit hindi natin gawin?" Tumingin sa akin si Daisy. "Bubuo tayo ng masayang pamilya."

"Sa ngayon... I don't know pagkatapos nangyari sa baby natin."

"Shh... Hindi naman ako nagmamadali, wife. I'm willing to wait until you're ready."

Humarap sa akin si Daisy saka hinalikan ako sa labi. "Kain na muna tayo. Ang tagal mo kasi magising kaya nagugutom na ako."

Sumimangot ako. Parang kasalanan ko pa na hindi nagising agad. "Hindi mo ko ginising para makakain na tayo ng almusal. Saan ba masarap na kainan? Huwag na sa kinakain natin kahapon ah. Iba naman."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon