Kinaubukasan ay pinapupunta ako ng CEO sa DL Corp para pag-usapan ang tungkot sa collaborate. Hindi ko nga talaga alam kung ano ba talaga ang iniisip ni papa ngayon kung bakit gusto niya makipag tulungan sa DL Corp. Sa totoo lang ay hindi ko kailangan ng tulong na kahit sino. Pero kung buhay ng mahalagang tao ang nasa panganib ay wala ako magagawa pa, kundi ang sumunod na lang. Ayaw ko na mapahamak ulit si Daisy dahil napahamak na siya noong maliliit pa kami. Ilang araw siya hindi pumasok noon dahil may kumidnap sa kanya. Wala akong magawa para protektahan siya kaya ngayon ay handa na akong protektahan si Daisy.
"Hi." Bati ko sa sikretarya ni Mason.
"Hello, sir."
"I have an appointment with mr. De Luca today."
"Pasok na po kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ni mr. De Luca."
Tumango ako. "Thanks."
Kumatok na muna ako sa pinto bago binuksan ang pinto. Ang sumalubong sa akin ang isang seryosong mukha kumpara kahapon noong nasa birthday party niya kami.
"Mr. Avellino." Tumayo na si Mason pagkakita niya sa akin at nilahad ang kamay.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Hello, mr. De Luca. It's good to talk with you in person."
"Have a seat." Alok niya sa harapan niyang upuan. "My secretary told me about collaboration. Why all of a sudden?"
Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit biglaan ang pag-tulungan ng dalawang kumpanya. Malalagay rin ang buhay ni Mason kapag nalaman niya ang totoong dahilan.
"May problema ba, mr. Avellino? If there's any a problema ay handa akong tumulong sayo."
"Daisy..." Ang pangalan ni Daisy ang unang lumabas sa bibig ko dahilan kumunot ang noo niya. "I mean Daisy's life in danger."
"What do you mean?"
Sinabi ko sa kanya kung ano ang pinag usapan namin papa kahapon. Sana nga lang pumayag si Mason makipag tulungan sa akin para hindi mapahamak si Daisy.
"I see... Bakit hindi tayo tumawag sa pulis para hindi matuloy ang binabalak ng ama mo kay Daisy?"
"Kahit ang mga pulis ay walang laban sa kanya. Hindi mo alam kung gaano delikado ang papa ko."
He is a mafia. Puro mafia ang kasama ko simulang pinanganak ako.
"Please, mr. De Luca... Gagawin ko ang lahat para pumayag kayo makipag tulungan sa akin. Alang-alang kay Daisy."
"Sa nakikita kong mahal mo talaga si Daisy. Kung ako rin ang nasa pwesto mo ay iyan din ang gagawin ko."
Tumago ako. "Kahit galit sa akin sa akin si Daisy ay gagawin ko ang lahat."
"Okay." Ngumiti si Mason. "Pumapayag na ako tulungan ka. Just give me a contract to sign."
"Thank you, mr. De Luca."
"Just call me Mason. Basta alagaan mo ng maigi si Daisy. Halata rin siya sa akin."
"I'll ask my assistant to bring the contract here and I won't let you down."
Pagkatapos kong makipag usap kay Mason ay dumeretso na ako sa bahay nila Daisy. Nakita ko siya nakatalikod sa direksyon ko. Kahit nakatalikod si Daisy ay alam kong siya iyon.
Niyakap ko si Daisy mula sa likod at inamoy ang kanyang leeg. "What the– Ano ang ginagawa mo?"
"Niyayakap ka."
"Pinapayagan ba kitang yakapin ako? Lumayo ka–"
"Kahit ngayon lang, Daisy huwag ka magalit sa akin."
Bakit ba ang bango ni Daisy? Nakaka addict ang amoy niya at hindi nakakasawa. Parang gusto kong galawin siya ngayon mismo kaso magagalit siya sa akin kapag ginawa ko iyon. Ayaw niyang bigyan ako ng anak kapag kinasal na kami.
"May problema ba, panget? Hindi ako sanay na tahimik ka."
Pinaharap ko si Daisy sa akin. "Hindi ba ayaw mo naman ako mag-salita? Kung kailan tahimik na ako..." Niyakap ko siya ulit kaso nagulat ako noong yakapin rin ako ni Daisy. "No matter what... I am going to protect you." Sabi ko sa kanya.
"Ano ba yang sinasabi mo? Para ka ring si Jet." Nakaramdam ako kirot sa dibdib noong banggitin ni Daisy ang pangalan ni Jet. "May alam ka ba kung bakit hindi sinasagot ni Jet ang tawag ko? Ilang tawag na ako sa kanya."
"Let him for a while. Baka nasaktan siya sa break up niyo."
Wala nga pa lang alam si Daisy na umalis ng bansa si Jet at kahapon ang alis niya. Ayaw ni Jet makitang umiyak si Daisy kaya hindi niya sinabi.
Nagulat ako noong tulakin ako ni Daisy. "Mahuhuli na ako sa job interview ko."
"Job interview? Good luck." Alam kong papasa si Daisy sa job interview niya kung saan man siya nag-apply. Hindi ko lang siya tinanggap noong nag-apply siya sa kumpanya dahil hindi siya qualify maging secretary ko at baka hindi ako makapag concentrate sa trabaho kapag nakikita ko siya araw-araw.
"Kuya..." Tumingin ako sa nag-salita at si Rocky. Kilala ko ang mga kapatid ni Daisy. "Ano po ang ginagawa niyo diyan? Wala si ate Daisy ngayon."
"I know. Nag-kita kami ng ate Daisy mo bago pa siya umalis."
"Kung nag-kita pala kayo ni ate Daisy kanina. Ano po ang ginagawa niyo diyan?"
Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako umaalis dito. Wala na rin si Daisy dahil may job interview. Siguro ayaw ko bumalik sa kumpanya o sa bahay. Wala rin ako gagawin doon.
"Sino ang kausap mo, Rocky?"
"Si kuya Gian, mommy."
Nakita ko ang pag-labas ni tita Sarah sa bahay nila. "Pasok ka sa loob, Gian."
"Hindi na po, tita. Aalis na rin ako maya-maya." Binaling ko naman ang tingin kay Rocky. "Pumasok ka na, Rocky."
Sumakay na ako sa kotse kaso hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong kaibigan dito sa Pilipinas maliban kay Jet na karibal ko kay Daisy.
Uuwi na lang siguro ako.
"Sir." Tumingin ako kay Tres pagkababa ko ng kotse. "Tumawag kanina si sir Gerald."
Ano na naman ba ang kailangan niya ngayon? Ginawa ko na rin naman ang kagustuhan niya makipag tulungan sa mga De Luca at pumayag na si Mason tumulong. Kontrata na lang ang hinihintay niya para matapos na ito at hindi na manganganib ang buhay ni Daisy.
"At pinamimigay ni sir Gerald sa inyo ito." May inabot na isang papel si Tres.
Binasa ko ang nakasulat sa papel. Tangina. Gumawa ng sariling kontrata ang magaling kong ama. Para akala mo siya ang CEO ng GCA Group of Companies. Pinaghirapan ko ang kumpanyang iyon.
Hindi ito ang ibibigay kong kontrata kay Mason. May tiwala sa akin yung tao tapos ganitong kontrata ang ibibigay ko. Baka mag-bago ang isip niya kapag nabasa niya ito.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...