6 years ago...
Isang buwan na lang ay gagraduate na rin ako at nakakatulong ako sa mga magulang ko. Kahit may pera kami ay gusto ko rin tulungan sina mommy at daddy sa pag-aaral sa mga kapatid ko.
May humawak sa kamay ko na kinalingon at si Jet lang pala. Isa siyang scholar kaya nandito rin siya nag-aaral kasama ko. "Malapit na tayo grumaduate, Daisy."
"Oo nga, eh. Excited na ako para matulungan ko na ang mga magulang ko sa pag-aaral sa mga kapatid ko."
Wala pa sa plano namin ni Jet ang magpakasal pagkatapos sa pag-aaral dahil may mga pangarap pa kami na gusto namin tuparin.
Ang balita ko bumalik na ng bansa si Gian Carlo, ang lalaking kinaiinisan ko simulang bata pa lang ako. Walang araw na hindi ako naiinis sa kanya kasi palagi niya ako iniinis noong mga bata pa kami. Kaya ngayon ang balak ko ay mag-apply sa kumpanya niya para gumanti sa mga kasalanan na ginawa niya sa akin.
"Saan ka pala– Oo nga pala, walang problema sayo kung saan ka magtatrabaho. May tito kang kilala sa buong mundo." Ang tinutukoy ni Jet na tito ko ay si tito Red pero wala akong balak pumasok sa DL Corp.
"Nope, hindi ako sa DL Corp magtatrabaho." Sagot ko.
"Eh, saan?"
"Sa GCA Group of Companies." Sagot ko ulit.
"Kay Gian?" Kilala rin ni Jet si Gian dahil magkakabata silang dalawa. Best buddy kumbaga. "Ano ang binabalak mo kay Gian? Kilala kita, Daisy."
"Wala akong binabalak kay Gian. Bibigyan ko siya ng welcome party. Ilang taon rin siya nasa Italy."
Masaya nga ako noong nalaman kong aalis na ng bansa si Gian dahil hindi ko na makikita ang pagmumukha niya. Kaso nagulat na lang ako noong binanggit ni Jet isang araw na babalik na si Gian galing Italy.
"Kung ano man yang binabalak mo ay mas mabuti pang huwag mo na ituloy. Lagot ka kapag nalaman ni tito Rocco ang kalokohan mo." Para tuloy nanay ko si Jet hindi boyfriend. Boyfriend ko siya since high school. 2nd year high school kami noong niligawan ako ni Jet at 3rd year high school kami noong sinagot ko siya. Ganoon na katagal ang relasyon namin ni Jet. Siyempre, legal ang relasyon namin. Alam ng mga magulang namin ang tungkol doon.
"Wala nga akong binabalak na masama kay Gian. Welcome party lang talaga. Promise."
Pagkatapos ng last subject namin ay tinawagan ko na yung driver namin na sunduin na ako. May driver na kami dahil hindi kami pinapayagan ni daddy na umuwi mag-isa. Minsan kapag maaga matapos ang klase ni Jet ay sabay kami umuwi. Dahil nga sa kanya natuto ako mag-commute.
Paglabas na paglabas sa gate ng school ay may nakita akong lalaki nakasandal habang nagse-cellphone ito. Hindi ko naman siya kilala kaya nilagpasan ko na lang siya.
"Talaga bang hindi mo ko papansinin ngayon?" Huminto ako sa pag-lalakad nang marinig ko ang boses niya.
Kumunot ang noo ko lumingon sa kanya. "Who are you?"
"Pitong taon lang ako nawala kinalimutan mo na agad ako, Daisy. Gian Carlo Avellino."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Weh? Hindi ganyan ang itsura ng gagong iyon. Panget iyon, eh."
Nagulat ako ng hatakin niya ako papalapit sa kanya. "Panget pala ah."
"Oo, panget si Gian Carlo."
"Tingnan mo kung sino ang binabangga mo ngayon, Daisy."
"Gian?" Rinig ko ang boses ni Jet na kinalingon ni Gian daw.
"Hey, dude. Long time no see."
Napanganga ako. Si Gian ba talaga ito? Hindi ganito ang itsura niya noong mga bata pa lang kami. Isang patpatin noon si Gian.
"Kamusta ka na, Gian?"
"I'm fine but busy sa work."
"Halata nga, eh. Kilala na nga ang GCA Group of Companies sa buong Pilipinas."
"Psh. Wala pa yan, dude. Wala pa akong laban sa DL Corp." Ang kapal talaga ng mukha kalabanin ang DL Corp.
"Excuse me lang ah." Binaling ni Gian ang tingin sa akin. "Ang kapal naman ng mukha mong kalabanin ang DL Corp. Kahit mabubay pa ang mga ninuno mo ay wala pa rin kayong laban sa DL Corp."
Ilang taon na nasa top ang DL Corp dahil wala niisang kumpanya kayang talunin iyon. Ang De Luca talaga ang pinaka mayaman sa buong mundo. I'm also part of De Luca family simulang naging step mother ko si mommy Sarah. Wala pwedeng umapi sa side ni mommy.
"Did I hurt you?"
"Hindi! At wala kang karapatan kalabanin ang DL Corp dahil kahit anong gawin ko ay wala kang laban sa kanila."
"Dude, balita ko girlfriend mo na daw si Daisy."
"May problema ka ba kung girlfriend ako ni Jet? Wala kang binatnat kay Jet dahil ang layo ng ugali niya kumpara sayo."
"Ako? Walang binatbat kay Jet? Nagpapatawa ka ba?"
"Mukha ba akong nagpapatawa?"
"Hay naku." Inawat na kami ni Jet. "Pitong taon ka na nga wala dito, Gian pero ganoon pa rin kayo ni Daisy. Aso't pusa." Binaling naman ni Jet ang tingin sa akin. "Dadating ba yung driver mo para sunduin ka? Kung hindi ay hatid na kita sa inyo."
"Dadating si manong. Baka naisip lang siya sa traffic. Mauna ka na baka anong oras ka pa makauwi niyan sa inyo."
"Sige. Ingat sa pag-uwi mo." Hinalikan ako ni Jet sa pisngi bago pa siya tuluyang umalis.
"Tsk. Hindi kayo bagay ni Jet. Ikaw mayaman habang siya mahirap."
"Anong pakialan mo kung mahirap lamang si Jet? Kaibigan mo siya tapos ginaganyan mo! Anong klase kang kaibigan?!"
"Ang mayaman ay dapat sa mayaman. Tandaan mo yan, Daisy."
"Wala kang paki! Buhay namin ito ni Jet! Umalis ka na nga kung wala kang gagawin dito. Nakakasira ka talaga ng araw kahit kailan!" Sigaw ko at wala na akong pakialam kung napapalingon sa amin ang mga taong dumadaan kahit ang mga estudyante. Nakakasira talaga siya ng araw.
"Fine. I'm free kung nag-sawa ka na kay Jet." Ngisi niyang sabi at iniwanan na ako dito.
Ang kapal talaga ng mukha niya para sabihin sa akin na lalapit ako sa kapag nag-sawa ako kay Jet. Kahit kailan ay hindi ako mag-sasawa kay Jet. In his dream.
Mabuti na nga lang dumating na yung driver kaya sumakay na ako sa kotse at para makauwi na ako. Gusto ko matulog muna bago simulan ang ibang project.
"Bakit ngayon ka lang?" Salubong sa akin ni daddy. Mabuti nandito si daddy ngayon sa bahay. Bihira ko na lang kasi makita si daddy sa sobrang busy niya sa trabaho.
"Nag-over time po yung professor namin sa last subject. Sige po, dad pahinga na muna ako." Hinalikan ko sa pisngi si daddy bago pumunta sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...