Chapter 3

2.5K 45 0
                                    

"Daisy, bumaba ka na muna dito." Bumangon na ako sa kama ng marinig kong tinatawag ako ni mommy. "Gusto kang kausapin ng daddy mo."

Ano naman kaya ang gustong sabihin sa akin ni daddy? About work? I don't think so.

Bumaba na ako kaso nakita ko ang pagmumukha ni Gian. Ano ang ginagawa niya sa pamamahay namin? Hindi siya welcome dito.

"Hi, dad." Humalik ako sa pisngi ni daddy. "Pinapatawag niyo daw po ako."

"Maupo ka, Daisy." Isang seryoso ang mukha ni daddy. Ano ba ang nangyayari?

Umupo na ako sa sofa kaharap si daddy. "Ano po meron?"

"Anong kalokohan itong ginawa mo, Daisy?"

"Anong kalokohan?" Napatingin ako sa gawi ni Gian. "Ano ang sinabi mo kay daddy?!"

"Daisy, umayos ka!" Nagulat ako sa biglang pag-sigaw ni daddy. Nakakatakot pa naman siya magalit. "Sinabi sa akin kanina ni Gian na bumabagsak na ang kumpanya niya. Ano ba ang ginawa mong kalokohan?"

"What? Wala nga ako ginagawang kalokohan. Ni hindi nga ako nakikipag kita sa kanya." Wala ako maalala noong nasa club kami ni Gian. Kung ano ba ang ginawa ko sa kanya o ano ang pinag usapan namin. Hindi ko naman siya hinalikan or something, right? Pero kahit hinalikan ko siya ay imposibleng babagsak ang kumpanya niya dahil sa isang halik. Ngunit kinalilibutan talaga ako kapag iniisip kong hinalikan si Gian. Yuck. Hindi ko pinangarap halikan siya. "Um, dad. Pwede ko po bang makausap na muna si Gian? Baka may maalala ako sa pangyayari. Medyo naguguluhan kasi ako."

"Sige, iiwanan ko na muna kayo para mag-usap." Tumayo na si daddy at iniwanan na kami ni Gian.

Pinalo ko siya sa braso at wala akong pakialam kung nasaktan siya doon. "Ano na naman ba ang sinabi mo kay daddy ah? Ano ba ang ginawa ko sayo?"

"You kissed me that night. Don't you remember?" Napanganga ako sa narinig. Yuck! Kailangan ko yata bumili ng isang box na mouthwash.

"Eww. Hinalikan kita?" Tumango siya sa akin. Shit. Wala talaga ako maalala. Paano kung gawa-gawa lang ni Gian ito para asarin ako? Ganyan naman siya. "Kung gusto mo ko asarin, Gian ay mas mabuti pang tigilan mo na ako."

"Hindi kita inaasar dahil iyon ang totoo, Daisy. Dahil sa nangyari noong gabing iyon ay hindi na ako makapag concentrate sa trabaho ko."

"Aba, kasalanan ko na ngayon kung bakit hindi ka makapag–"

"Of course, it's your fault. Hindi lang sa pamilya mo na may kasalanan ka pati rin kay Jet. Ngayon hindi ko tuloy alam kung kaya ko pa bang harapin si Jet ngayon. Para tuloy trinaydor ko na rin ang kaibigan ko."

"Bakit? Ganoon ka naman ah. Nagsasabi ka ng masasakit tungkol sa kanya. Pinagmumukha mo kay Jet na mahirap talaga siya. Sumisikap si Jet–"

"At kailangan mo bayaran ang nawalang pera sa kumpanya."

"What?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. See? Kapag nakikita ko talaga si Gian ay laging sira ang araw ko. "Mag-kano ba ang nawala sa kumpanya mo?"

"I don't need money. I want you to marry me."

"What?!" Napatayo ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Pwes, hindi pa ako nababaliw para pakasalan siya. Marami pa akong pangarap sa buhay at si Jet ang gusto kong pakasalan, hindi siya. "Hindi pa ako nababaliw para magpakasal sa katulad mo!"

"Daisy." Tumingin ako kay daddy habang nasa likod niya si mommy. "You're going to marry Gian. Whether you want it or not."

"Daddt, ayaw ko! You know how I hate this guy!"

"Kung ano man itong pinasok mong gulo ay kailangan mong panagutan!" Sigaw ni daddy. Halatang galit na siya sa natuklasan niya.

Kung pwede nga lang pumatay ng tao ay kanina ko pa pinatay si Gian. Panira talaga ng araw. Bwesit.

"Please, dad. Mommy..."

"I'm sorry, Daisy. Ginawa ko ang lahat pero buo na talaga ang desisyon ng daddy mo." Sabi ni mommy.

"Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo para maging ganyan! Sa ginawa mong kalokohan ay pwedeng masira ang pangalan natin!" Galit pa rin si daddy.

Kailangan ko ba talaga magpakasal kay Gian? Paano na si Jet? Ayaw kong saktan si Jet. Ano ba kasi itong pinasok ko?

Welcome to hell, Daisy.

Pagkatapos nangyari sa bahay ay nakipag kita ako kay Jet kaso iniisip ko pa rin ang desisyon ni daddy na ikasal ako sa anak ni Satanas.

"Daisy, may problema ba?" Ngumiti ako ng pilit kay Jet. "Salita ako nang salita dito. Mukhang hindi ka nakikinig sa akin."

"I'm sorry, Jet. Maybe we should break up." Naluluha ako. Ito na ang pinaka mahirap na desisyon gagawin ko.

"Bakit? May nagawa ba akong mali? I-tatama ko kung ano man iyon, Daisy. Huwag lang ito."

"Sorry talaga, Jet. Alam ko balang araw ay makakahanap ka rin ng babaeng mas deserving."

"May kinalaman ba dito si Gian?" Yumuko ako dahil hindi ko masabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko ito gagawin. "Sumagot ka! May kinalaman ba dito si Gian?!"

"Jet, sorry talaga." Tuluyan na bumagsak ang luha ko.

"Ano ba ang ginawang kalokohan ni Gian?"

"This time ako ang may kasalanan. Kamuntikan na bumagsak ang kumpanya ni Gian kaya bilang parusa kailangan kong pakasalan si Gian."

"Daisy, this is not you. Simulang bumalik si Gian ng Pilipinas ay nagkaka ganyan ka na. Sinabihan kita na huwag mo na i-tuloy kung may binabalak kang masama sa kanya."

"Jet, sorry–"

"Stop saying sorry. Wala ng magagawa iyang sorry mo, Daisy! Wala na akong magagawa pa at nararapat sayo iyan dahil ang tigas ng ulo mo!"

"Minahal mo ba ako?"

"Minahal kita pero hindi ka nakikinig sa akin! Kung nakinig ka lang ay hindi ito ang mangyayari sayo ngayon!"

"Kung mahal mo talaga ako ay kausapin mo si Gian."

"Sabi ko nga sayo kanina ay wala na ako magagawa. Wala akong laban kay Gian. Mayaman siya at marami siya pwedeng gawin."

Tama ang sinabi ni Jet. Mayaman na masama pa ang ugali ni Gian. Kaya siguro walang babae ang magkaka gusto sa kanya kung ganyan ang ugali niya.

Iniwanan na ako ni Jet habang umiiyak. Ang sakit ng ganito.

Sa huli talaga ang pagsisi.

"Daisy?" Inangat ko ang tingin at nakita ko si Stafan. Anak siya ni uncle Theo at may kakambal siya, si Serena. Close ko ang kambal dahil sila ang madalas kong kasama noong maliliit pa kami tapos pinakilala nila sa akin si Mason. Aside from them may iba pa akong kaibigan. Si Isaac kaya lang mas bata sa akin si Isaac and other twins; sina Danny at Heaven. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Wala." Ngumiti ako ng pilit kay Stefan.

"May problema ba?"

"Ayos lang ako. Hindi mo yata kasama si Serena. Miss ko na siya."

"May photoshoot ngayon si Serena. Papunta na rin ako doon kaso nakita kita dito."

Isang modelo ang kambal. Sumunod sila sa yapak ng mga magulang nila. Naririnig ko kasi noon na dating modelo sina uncle Theo at aunt Nicole.

"Bago ko makalimutan... bukas pala birthday ni Mason. Huwag mo kalimutan ah." Sabi niya sa akin.

"Yup. Pupunta ako bukas sa birthday ni Mason."

Kapag may birthday ang isa sa amin ay doon na lang kami nagkita kita na magkakaibigan. Busy na kasi sa kanya-kanyang buhay.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon