Tinutulungan ako ni Daisy ayusin ang necktie ko. Noong isang araw kami bumalik nang Pilipinas dahil kailangan ko agad bumalik sa kumpanya pero nag-enjoy kami. Hindi namin iniisip ang mga problema kaso ngayon nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Daisy.
"Halika nga rito." Niyakap ko ng mahigpit si Daisy. Para bang ilang araw ko hindi nayayakap sa sobrang miss ko sa kanya.
"Baka mahuli ka niyan sa trabaho mo."
"Mas pipiliin kong mahuli sa trabaho kaysa iwanan kitang ganyan. May problema ba?"
"Umiling siya. "Pumasok ka na nga. Kung anu-ano ang napapansin mo sa akin."
"Siyempre, asawa mo ko. Dapat alamin ko rin kung may problema ka o wala."
"Ayos lang ako." Ngumiti siya sa akin. Yung pilit na ngiti para sabihin niyang okay lang siya. Akala siguro ni Daisy hindi ko mapapansin iyon.
"Okay." Hinalikan ko siya sa noo. "Uuwi ako ng maaga mamaya."
Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Tres nakatayo sa labas.
"Sir, gusto kayo makita ng lola niyo." Sabi niya.
Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya. "Kakausapin ko ang sikretarya ko ang schedule ko para bisitahin si lola."
Nang makarating na ako sa palapag ng office ko ay dinaan ko ang station ng sikretarya ko.
"Good morning, sir."
"Fix my schedule."
"Sir?"
"I said fix my schedule." Tumingin ako sa kanya. "O may available slot ba ako para maisingit ko sa schedule ang pag-bisita sa lola ko."
"Wait lang po." Kinuha na niya ang tablet para tingnan ang schedule ko. "Available po kayo bukas. Whole day, sir."
"Good. At maaga rin ako uuwi mamaya." Sabi ko at tumuloy na ako sa paglalakad papunta sa office ko.
Ilang araw kasi ako wala kaya tambak ang trabaho ko ngayon. Ang dami kong kailangan pirmahan na dokumento.
May narinig akong kumatok pero hindi ko pinansin iyon. Kailangan kong tapusin agad ang trabaho ko para makauwi na kaagad.
"Sir." Tumingala ako ng tingin and it was Nate, ang kaibigan ni Daisy. Before we went to England ay ininterview ko na siya. Ako mismo ang nag-interview sa kanya but before that sinabi sa akin ni Daisy na may gusto sa kanya si Nate pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa binata. Hindi ko maiiwasan ang hindi mag-selos. Nate is one of her close friend. Inalam ko rin ang background niya at wala akong makita na ikakasira ng kumpanya ko maliban na lang siguro yung ginawa niya sa isang professor niya noong nag-aaral pa siya ng law. Sana wala mangyaring eksena dito sa kumpanya ko. Pantay-pantay ang turing ko sa mga empleyado ko rito.
"Yes? Do you need something?"
"Heto na ho yung report sa department namin."
"Bakit ikaw ang nag-dala nito? Hindi mo naman trabaho ito."
"Marami kasing ginagawa yung mga kasamahan ko at ako lang yung wala masyadong ginagawa. Iiwanan ko sana sa sikretarya niyo kaso wala siya sa desk niya."
"Sige, iwanan mo na lang diyan." Nilipag na ni Nate ang mga papel sa table ko.
"At saka kamusta na si Daisy ngayon?"
"Ang sabi niya okay daw siya pero sa nakikita ko ay hindi siya okay."
"Why? May nangyari ba sa kanya?"
"Hanggang ngayon siguro nalulungkot siya sa nangyari sa anak namin."
"I'm sorry."
"Ikaw lang ang close friend ni Daisy na pwede kong mahingian ng tulong. May alam ka ba na pwede kong gawin para maging masaya ulit si Daisy?"
"Simple lang gusto niya ang makita kaming kumpleto ng mga kaibigan niya. Minsan kasi kinukwento niya sa amin ay may nang bubully daw sa kanya noong maliit pa siya." Alam pala nila ang tungkol doon pero wala silang alam na ako iyon. "All of us hate that kid. Hindi niya dapat ginawa iyon kay Daisy."
"Actually, ako yung batang iyon."
"Ikaw iyon?"
Tumango ako. "Pero nagsisi naman na ako sa ginawa ko sa kanya dati. Kinikimkim niya ang galit niya sa akin hanggang sa pag-laki niya."
"Kahit boss kita ay galit rin ako sa ginawa mo sa kanya. Mabait na tao si Daisy."
"I know. Kaya ko lang naman iyon ginawa para pansisinin niya ako."
"Pinansin ka nga niya, galing nga lang." Alam ko na yan. Lagi nga ako sinisigawan ni Daisy dati. "Pero kasal na rin naman kayo kaya ikaw ang kailangan niya ngayon. Wala ako maibibigay na advice sa inyo dahil wala pa ako naging girlfriend."
"Dahil ba ang asawa ko ang gusto mo?"
"Inaamin kong may crush ako kay Daisy. Ang crush ay isang pag-hanga lamang. Humahanga ako sa kanya sa sobrang bait niyang tao. Huwag mo na pansinin ang pagtutukso sa akin ng ibang kaibigan namin. Wala akong balak agawin sayo si Daisy o kung ano pa man. Ayaw kong magalit ulit sa akin ang mga magulang ko baka palayasin na nila ako sa bahay."
"Good. Bumalik ka na sa trabaho mo."
"Sabi ko nga babalik na ako sa trabaho."
Marami pa akong hindi tapos sa trabaho ko pero sabi ko nga kay Daisy na uuwi ako ng maaga ngayon.
Pagkauwi ko sa bahay ay may narinig akong nag-uusap sa kusina. Nakita ko ang isang maid habang nakikinig siya sa kausap niya, si Daisy iyon.
"Gustong gusto ko talagang bigyan ng anak si Gian pero natatakot ako kung paano mangyari ulit ang nangyari noon?" Narinig kong sambit ni Daisy. Gusto niya kong bigyan ng anak. "Naiinggit kasi ako sa mga magulang sa labas na masaya sila habang pinapasyal nila ang kanilang anak."
Mukhang napansin ako ng maid na kausap niya pero nilagay ko ang hintuturo ko sa labi para sabihin na huwag niya sabihin nandito na ako. "Ma'am, bakit hindi niyo subukan sabihin kay sir Gian?"
"Kahit gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw ko ng dagdagan pa ang problema niya." Dahan-dahan akong lumapit kay Daisy at hinalikan siya sa pisngi. Lumingon siya sa akin gulat na gulat. "Nandiyan ka na pala."
Tumango ako. "Sorry if I heard what you said earlier."
"Narinig mo lahat?"
Tumango ulit ako. "Yes. Sabi ko nga sayo hindi ako nagmamadali na magkaroon ng anak."
Niyakap ako ni Daisy at may naramdaman akong basa sa leeg ko. Umiiyak siya. "I'm sorry, Gian."
Hanggang ngayon ang iniisip pa rin niya sa nangyari sa anak namin.
"Shh... Hindi mo kasalanan sa nangyari sa anak natin."
"Gusto ko talaga bigyan kita ng anak pero natatakot ako."
"Kung ready ka na ay pwede natin gawin mamaya pero kung hindi pa handa akong mag-hintay sayo."

BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...