Chapter 14

2.2K 44 0
                                    

Gian's POV

Pag-uwi namin ni Daisy sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto at kinuha ko ang annulment paper. Pinag isipan ko ito noong isang gabi at inasikaso ko kahapon para makuha agad ang annulment paper. Biglaan pero ito ang nararapat para maging masaya si Daisy. Hindi magiging maganda ang buhay niya kapag ako ang kasama niya. Mas mahal niya si Jet, hindi ako.

Lumingon ako noong may pumasok. "Sakto ang dating mo." Lumapit ako sa kanya sabay abot sa annulment paper namin. "Pirmahan mo na lang yan para malaya ka na sa akin."

Kinuha na niya yung annulment paper. Ang akala ko ay pipirmahan niya kaso nagulat ako noong pinunit niya rin yung papel.

"I don't want to sign the annulment."

"Why? This is what you want. Ibibigay ko na sayo."

"Oo nga binibigay mo na sa akin ang matagal ko ng gusto pero sana noon mo binigay sa akin. Yung mga panahon na gusto kong umalis na sa puder mo kaso ngayon ay may pumipigil sa akin na huwag na umalis sa tabi ko."

"Hindi ka magiging masaya sa akin, Daisy."

"I don't care. Nag-desisyon na ako at wala na magpapapigil pa sa akin."

"May mga pangarap kang gusto mong gawin, di ba? Hindi mo magagawa ang mga iyon kapag nandito ka sa puder ko."

"Oo. 'Di porke't kasal na ako ay hindi ko na pwedeng gawin ang mga pangarap ko sa buhay."

Hindi na ako nakapag salita pa noong sunggaban ako ni Daisy ng halik. May nararamdaman na ba si Daisy para sa akin? Pero ayaw kong umasa. Ako lang din ang masasaktan ng paulit ulit sa aming dalawa.

Humiwalay ako sa kanya. "Teka, Daisy."

"I thought you love me."

"Oo, mahal kita pero ginagawa ko ito para–"

Ngumiti si Daisy sa akin. Ang puso ko biglang bumilis ang tibok. Pinangarap ko noon na sana ako ang dahilan ng mga ngiti niya. "Gusto ko pareho tayong gawin ang mga pangarap ko, Gian. Mag-tulungan tayong dalawa." Kusang pumatak ang luha ko. "Ano ba iyan. Parang hindi si Gian Carlo ang kausapin ko ngayon."

Pinunasan ko ang luha ko. "Masaya lang ako."

"Sabi ko nga sayo kanina na wala na ako nararamdaman pa kay Jet. Hindi gaya ng dati pero hindi ko sinabing may nararamdaman na ako para sayo. Naguguluhan pa ako." Aniya.

Shit. May pag-asa ba ako sa puso ni Daisy? Magagawa rin ba niya akong mahalin?

"Kaya payagan mo kong dalawin si Jet sa ospital para makausap siya. Kung hindi ko gagawin ito ay pareho kami mahihirapan ni Jet ngayon. Noong nasa coma pa ako ay may sinasabi sa akin si Jet pero hindi ko maalala kung ano iyon."

"Okay, pero sasama ako sayo. Gusto ko rin humingi ng tawad sa ginawa kong pag-bubugbog sa kanya."

"Much better. Kaibigan mo siya, Gian."

"Walang lalaki ang pwedeng lumapit sa asawa ko. Kahit kaibigan ko pa iyan." Sabi ko dahil nakakaramdam ako ng selos. Kanina nga habang kumakain kami sa restaurant ay nagseselos ako sa nakikita ko.

"Paano ba yan. Halos lalaki ang mga kaibigan ko dahil mas marami ang lalaking anak sa mga kaibigan ni daddy."

"Wala bang babae?"

"May babae rin. Bakit mo natanong?"

"Huwag mong gawan ng malisya ang tanong ko, Daisy. Nagtatanong lang ako kung may kaibigan kang babae at ikaw lang ang babae sa buhay ko." Hinila ko si Daisy para yakapin. Nagulat nga ako noong yakapin niya rin ako.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon