Chapter 16

2K 46 0
                                    

Daisy's POV

"Kamusta na kayo ni Gian pagkatapos nangyari noon?" Tanong ni Jet sa akin.

"We're okay. Hindi ko na magawang magalit sa kanya noong mas lalo ko pa siya nakilala."

"That's good. 6 years na kayo ni Gian pero wala ba kayong magkaroon ng anak?"

"Kahit ikaw tinatanong sa akin ang ganyan. Inaamin kong natuwa si Gian habang karga niya ang baby sister ko."

"Baby sister? Hindi ba si Rocky ang bunso niyo?"

"Nanganak na si mommy noong isang araw at babae ang baby."

"Wow. Congrats sa parents mo."

"How about you? What's your plan?"

"Pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumabas ng ospital at babalik na ako sa trabaho."

"Trabaho? Dito ka na ba sa Pilipinas?"

"Nope, babalik ako sa Paris. Inimbitahan ako ng isang friend ko kaya nakita niyo ko noon sa party. She is the daughter of my boss."

"Kaibigan lang ba? Kilala kita, Jet."

"Yes, she's only my friend. Wala pa akong balak pumasok sa relasyon after our break up."

"Sorry ah." Nakakaramdam ako ng guilt ngayon. Kung hindi ko hinalikan noon si Gian sana kami pa rin ni Jet hanggang ngayon at hindi ganito mangyayari sa buhay namin.

Nag-simula ang lahat sa isang halik. Ayos, di ba? Dahil sa isang halik kailangan kong magpakasal sa lalaking kinaiinisan ko at makakasama ko siya araw-araw.

"Ano ka ba. Alam ko naman mangyayari ang ganito kapag bumalik ng bansa si Gian."

"Friends pa rin tayo, di ba?"

"Oo naman. Hindi masisira ang pagkakaibigan natin, Daisy. Kahit ganito ang nangyari. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit bigla ka niyaya ni Gian magpakasal sa kanya?"

"Sinabi ko na sayo kamuntikan na bumagsak ang kumpanya niya nang dahil sa akin."

"Ano ba yung kalokohan na ginawa mo?"

"Naalala mo yung may balak akong bigyan ng welcome party si Gian?" Tumango siy sa akin. "Niyaya ko siya pumunta sa isang club. Kahit hindi ako pumupunta sa ganoong lugar ay pumunta pa rin ako. Hindi ko nga alam kung bakit naparami ang inom ko noon at hinalikan ko siya. Simula noon nakaramdam daw siya ng guilt sa nangyari dahil pakiramdam niya nag-traydor siya sayo."

"H-Hinalikan mo siya?"

Tumango ako. "Alam kong mali ang ginawa ko. Boyfriend pa kita noong mga panahon na iyon pero hindi ko alam ang ginagawa ko. Wala nga akong maalala na ginawa ko talaga iyon sa kanya. Siya ang first kiss na dapat sayo ko ibibigay."

"Do you think I'm deserving for your first kiss? I know you love me dahil ako ang madalas mong kasama pero simulang bumalik si Gian wala kang mukhang bibig kundi ang pangalan niya. Gusto mong gumanti sa kanya. Hindi mo napapansin na may gusto ka rin kay Gian. Naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo ngayon, Daisy dahil binaon mo ang galit mo kay Gian hanggang ngayon."

Tama ang sinabi niya naguguluhan ako ngayon. Kaso may gusto nga ba talaga ako kay Gian? Lalo na ilang taon kami mag-kasama sa isang bubong.

"Pero payong kaibigan lang ah. Iwas-iwasan mong sumama sa mga kaibigan mong lalaki dahil grabe pala magalit ang asawa mo."

"Kilala naman niya yung mga kaibigan ko sa side ni mommy pero mga pinsan ko rin sila." Kahit hindi ko talagang pinsan ang mga anak ng mga kapatid ni mommy pero tinuring nila akong kamag anak rin nila. "Kilala na rin niya si Isaac at yung mga kapatid niya. Ang hindi pa niya kilala yung mga anak ng mga kaibigan ni daddy."

"How about Danny and Heaven?"

"Hindi ko pa nakikita yung kambal. Mukhang busy sa kanya-kanyang buhay."

Gusto ko nga makita ang iba ko pang kaibigan pero ang balita ko ay wala sa bansa si Zoe ngayon. She also an fashion designer like her mother. Habang ang kapatid niyang si Jerome ay isang computer programmer sa isang kumpanya. Si Kent isang photographer, si Clark nagtatrabaho ngayon sa US. Hindi ko nga lang alam kung ano ang trabaho niya doon. And their younger sister Eula isang kilalang make-up artist. Freya and Nate, kay Freya lang ako may balita dahil naging abogado siya pero kay Nate wala, hindi ko kasi masyado close ang isa nilang kapatid na si Frank. Si Juno naman naging professor sa isang university, ang kapatid niyang si Jordan nag-aaral pa para maging doctor. Si Ryder may bali-balita na paiba iba daw ang babaeng kasama niya araw-araw. Habang ang kapatid niyang si Millie nasa Spain simulang grumaduate siya ng College para doon mag-trabaho. At sobrang dami pa nila kung isa-isahin ko pa sila.

"Pupuntahan ko na si mommy ngayon ah."

Tumango lamang si Jet sa akin bago pa ako lumabas sa room niya.

Pagkarating ko sa room ni mommy ay kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto. Ang nakita kong nagbabantay ngayon ay si Riley. Ang makulit kong kapatid.

"Napabisita ka, Daisy."

Ngumiti ako kay mommy. "Kamusta na po kayo?"

"Okay lang ako."

"Kailan kayo makakauwi sa bahay, mommy?"

"Hindi ko pa natatanong ang doctor ko kung pwede na kami umuwi ng kapatid mo."

"Ate, kasama mo ba si kuya Gian?" Tanong ni Riley sa akin.

"Kanina pag-punta dito ay kasama ko siya pero pumasok na siya sa trabaho."

"Bakit kayo mag-kasama kanina? Huwag mong sabihin buntis ka na, Daisy."

Pakiramdam ko umakyat lahat na dugo ko sa ulo. "Mommy?! Hindi po ako buntis."

Wala pa nga ako nararamdaman na kakaiba. Kung positibong buntis ako ay hindi ko kaagad malalaman iyon kung wala pang isang buwan pero may kutob na ako. Noong gabing galit sa akin si Gian ay ilang beses pa naman niya ako nilabasan tapos kagabi rin.

"Magkakaroon na ko ng pamangkin."

Tumingin ako kay Riley. "Wala pa nga! Hindi pa ako buntis!"

"Sasabihin ko kay Rico..." Nilalabas na niya ang kanyang cellphone. Hay naku! Ako na naman ang naging biktima ni Riley.

"Riley, huwag kang pasaway. Tandaan mo malaki ang kasalanan mo sa amin."

"Bakit po? Ano na naman ang kasalanan ni Riley ngayon, mommy?"

Kailan kaya magbabago itong kapatid ko? Hari talaga ng pasaway si Riley.

"Nahuli si Riley ng daddy niyo sa isang bar kagabi at may kahalikan na babae."

Tumingin ulit ako kay Riley. "May girlfriend ka na?"

"No, she's not my girlfriend. Bayarang babae lang iyon, ate."

"At proud ka pa talaga ah. May kapatid kang babae, hindi ka pinalaki at pinag aral nila mommy para maging ganyan ka."

"Nagkakatuwaan lang kami magkakaibigan."

"Kahit na nagkakatuwaan lang kayo. Hindi lang si daddy o mommy ang magagalit sayo pati ako. Hindi ko gusto ang ginawa mo kagabi. Isipin mo paano kung ganyan ang mangyari kay Rin?"

"Hindi ako papayag na ganoon ang mangyari kay Rin. Kahit madalas niya ako pinapakialam ay kapatid ko pa rin siya."

"Kaya mag-isip ka."

"Sorry, ate. Sorry, mommy."

"Mag-sorry ka rin kay daddy pag-uwi mo mamaya."

Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil nakipag kwentuhan pa ako kay mommy at nag-paalam na ako sa kanila na uuwi. Baka kasi nakauwi na si Gian at hanapin pa ako kahit alam niya kung saan ako.

Habang naghihintay ng masasakyan ay may nag-takip sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon