Daisy's POV
I'm so scared right now. Hindi ko alam kung saan ako ngayon dahil akong makita kahit ano kasi may takip ang mga mata ko. Tanging ungol lang ang ginagawa ko dahil may takip rin ang bibig ko. Sino naman kaya ang kumidnap sa akin? Hindi naman sikat ang pamilya ko para kidnapin ako. Inaamin kong mayaman ang pamilya ko pero kung pera ang kailangan nila sana kinausap na lamang yung mga magulang ko kaso hindi papayag si daddy doon.
Nagugulat nga ako sa tuwing nakakarinig ako ng putok ng baril. Naalala ko kasi noong na-kidnap ako noong maliit pa ako. Mabuti nga lang dumating si daddy para i-ligtas at protektahan ako kaya lang kamuntikan na siya mawala sa amin ni mommy nang dahil sa akin. Sana nga hindi mangyari ang nangyari noon. Walang mapapahamak nang dahil ulit sa akin.
Paniguradong nag-aalala na sa akin ngayon si Gian dahil ilang araw ako hindi umuuwi. Gagawa iyon ng paraan para mahanap ako.
"Daisy!" Rinig ko ang boses ni Gian. O baka iniisip ko siya ngayon kaya naririnig ko ang boses niya.
Natatakot talaga ako sa naririnig kong putok ng baril. Baka patayin ako ng mga dumukot sa akin. Gusto ko pa mabubay.
Naramdaman kong may nagtatanggal sa mga tabi sa braso ko at tinanggal ko na rin ang blindfold pati ang tali sa bibig ko. Tiningnan ko ang taong iyon kaso nagulat ako ng makita kung sino. "Gian?"
"Shh... Baka makita ako ng kalaban."
"Ang akala ko nagkakamali lang ako ng dinig kanina. Paano mo nalaman kung saan ako makikita?"
"I have my own source, wife." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinag dikit ang noo namin. "No matter what I'm going to protect you. Hindi ako papayag na mangyari ulit sayo ang nangyari noon."
Niyakap ko si Gian kahit alam kong hindi pa kami ligtas ngayon. Anytime pwedeng lumitaw yung dumukot sa akin pero hindi ko na muna iisipin iyon. "Thank you, Gian."
"Kailangan na natin umalis dito bago pa may pumun–" Napasinghap ako na may makita akong tao sa likuran ni Gian at tinutukan siya ng baril.
"Going somewhere?"
"Sabi na nga ba ikaw ang mastermind lahat na ito..." Tumingin si Gian sa likuran niya kahit nandoon pa rin ang baril nakatutok sa ulo niya. "Papa..."
Namilog ang mga mata ko na tinawag ni Gian na papa ang lalaking nasa harapan namin.
"Mukhang pumalpak ang tauhan kong patayin yang babae mo."
"I-Ikaw ang mastermind kung bakit naaksidente si Daisy?!" Halata ang galit sa boses ni Gian. Kahit rin ako galit sa narinig ko. Kung hindi dahil sa kanya sana hindi ganito ang mangyayari sa amin.
"Hindi ba ang sabi ko sayo na kailangan mo makipag collaborate sa De Luca kung ayaw mo mapahamak ang buhay ng babaeng mahal mo. Hanggang ngayon wala pa akong balita kung ginagawa mo ba talaga."
"Nakausap ko na si Mason tungkol diyan at pumayag na siya makipag collaborate kaso naging busy na ang schedule ko."
"Busy? Busy sa babae?! Gian, huwag mong gawin tanga ang sarili mong ama!"
Matagal na alam ni Gian na pwede ako mapahamak pero hindi man lang niya sinabi sa akin.
"Kung ayaw mo mamatay ang babaeng yan. Gawin mo!" Napalunok ako dahil sa akin na niya tinutok ang baril.
"Oo na. Gagawin ko na basta huwag niyo na i-dadamay dito si Daisy, please lang."
"Gawin mo na ngayon!" Mawtoridad na utos niya kay Gian.
Nilabasan na ni Gian ang phone niya. "Pumunta ka sa office ko at may makikita ka doong red folder sa desk ko. I-bigay mo iyon kay mr. Mason De Luca. Pero kung tinanong ka kung bakit wala ako sabihin mo may importante akong ginagawa kaya pinautos ko na lamang sayo. Kailangan ko ang report mo kapag napirmahan na ni Mason ang kontrata ah."
Ilang oras kami naghihintay pero wala pa rin natatanggap na tawag si Gian galing sa sikretarya niya kung napirmahan na ba ni Mason yung hinihingi ng papa ni Gian.
"Argh!" Nagulat ako dahil binubugbog nang mga lalaki si Gian ngayon.
"Gian!" Lumapit ako sa kanya.
Ngumiti sa akin si Gian pero halatang nahihirapan siya. "Maybe this is my karma but I won't let anyone hurt you, Daisy."
Bigla kong naalala ang nangyari noon sa akin. Kung paano ako prinotektahan ni daddy sa mga masamang tao. Pinagsusuntok rin siya ng mga dumukot sa akin noon at yung bala sana ay para sa akin pero prinotektahan ako ni daddy kaya siya ang lumalaban noon sa kamatayan na dapat ako. Ngayon si Gian ang binubugbog para protektahan ako.
Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Napapahamak ang mga mahalagang tao nang dahil sa akin?!
Napahiyaw ako ng hilahin ng isang lalaki ang buhok ko at kinaladkad ako palayo kay Gian. "I'm sorry." I mouthed.
"No. Wala kang kasalanan." Ani Gian.
Kasalanan ko kung bakit ganito ang nangyari kay Gian ngayon. Kailangan niyang protektahan pa ako.
"Wala ka talagang puso!" Sigaw ni Gian kahit nahihirapan na talaga siya.
"Do you know the reason why I am doing this, son."
"Hindi mo ko anak at wala akong pakialam kung ano man ang–"
"Because of you why your mother died."
"What are you talking about? Hindi pa patay ang mama."
"Wala ka talagang alam. Sabagay, sarili mo lang ang iniisip mo."
"Anong sarili ko?! Huwag mo ko i-kumpara sa katulad mo!" Napasinghap ako ng sampalin si Gian.
"Huwag na huwag mo kong sisigawan dahil ama mo pa rin ako."
"Kahit kailan wala akong ama! Ni minsan hindi ko naramdaman na naging ama ka sa akin. Kayo ni mama. Puro trabaho na lang ang inaatupag niyo."
"Simple lang pinapagawa ko sayo pero hindi mo pa nagawa. Kung natapos kaagad iyon ay sana buhay pa ang mama mo ngayon."
"Huwag mo sa akin isisi kung bakit namatay si mama! Wala kayong sinabi sa akin na may sakit si mama. Sana ikaw na lang ang gumawa para nakuha mo na ang gusto mo!" Simpal ulit si Gian. Naawa ako kay Gian ngayon. Namamaga na ang pisngi niya dahil puro bugbog at sinasampal pa siya ng sarili niyang ama.
Bigla ako nakaramdam ng sakit at may nakita akong dugo. "Ahh... G-Gian!"
"Shit. Daisy!"
Pinikit ko na lamang ang mga mata ko sa sobrang sakit ng tyan ko kaso may narinig akong putok ng baril. Oh God! Sana walang nangyaring masama kay Gian.
Dinilat ko muli ang mga mata ko. Nakita kong nakadusay at wala ng malay si Gian. "Gian?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/217526315-288-k761979.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...