Chapter 20

2.3K 40 0
                                    

"Gian, may gusto lang akong malaman." Sabi ko. Katatapos ko lang kumain ng agahan at ang sabi ni Gian ay kumain na siya habang tulog pa ako. Kinausap nga niya rin ang sikretarya niya na hindi muna siya papasok.

"Ano iyon?"

"Ano nangyari noon? Sa papa mo?" Pati ako ay nawalan rin malay kaya wala ako naalala sa nangyari. Ang naalala ko na lang yung makita kong wala ng malay sa harapan ko si Gian at yung kahapon pagkagising ko nandito na ako sa ospital.

"Dumating yung mga pulis at hinuli nila si papa pati na rin ang mga tauhan niya."

"Ano ba talaga ang papa mo? Kung bakit niya binanta ang buhay ko."

"Isa siyang... mafia."

"M-Mafia?" Nagulat ako. Sana mali ang iniisip ko ngayon.

Yumuko si Gian. "Kung ano man ang iniisip mo tama ka, Daisy."Isa rin akong mafia pero hindi kagaya ni papa na gumagawa ng masama." Napatakapit ako ng bibig ko sa nalaman. Isa ring mafia si Gian. "Walang kinalaman si papa kung bakit naging mafia rin ako. Nangako sa sarili ko na poprotektahan ko yung mga mahalagang tao sa akin lalo ka na, Daisy. Ayaw ko maulit ang nangyari sayo noon."

"Halika nga rito." Tawag ko at lumapit sa akin si Gian. Niyakap ko siya. "Naniniwala ako sayo."

"Huwag ka sana magalit sa akin ah." Tumingala ako sa kanya. "Yung ibang kasamahan natin sa bahay ay mafia rin sila."

"I know. Noong unang araw ko pa lang sa bahay ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa ibang kasamahan natin pero hindi ko na lang iyon pinapansin."

Tumawa siya. Wala naman nakakatuwa sa sinabi ko ah. "Anak ka nga talaga ni tito Rocco."

"Anak naman talaga ako ni daddy ah."

"No. I mean inobserbahan rin ni tito Rocco ang bahay at nalaman niyang hindi ordinaryong tao ang mga ibang kasama natin sa bahay."

"Pumunta si daddy sa bahay? Kailan?"

"Noong nalaman niyang nawawala ka. Hindi ko pa nga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil natatakot ako pwede niyang gawin sa akin. Sinuntok na nga niya ako noong naaksidente ka at pinag banta na rin niyang papatayin ako kapag may nangyari sayo."

Hala. Hindi ako makapaniwalang gagawin ni daddy iyon dahil nagtatrabaho siya dati sa serbisyo. Dati siyang police officer.

"Hindi magagawa iyon ni daddy. Mabait na tao iyon pero nakakatakot nga lang magalit."

"Naiintindihan ko kung bakit niya ako pinag banta dahil alam kong gusto niya kayong protektahan."

"Ospital ito, hindi bahay niyo." May narinig akong familiar na boses dahilan napatingin ako sa may pinto.

"Inggit ka yata." Sabay ng mga girls.

"Hindi ako inggit." Sabi ni Nate.

"Naku, twin. Ayos lang yan marami pa namang babae diyan." Ani Freya.

"Shut up!"

"Guys." Masaya akong makita ulit silang lahat. "Salamat sa pag-bisita sa akin ngayon."

"Ate Daisy." Niyakap ako ni Millie. "I'm so worried noong marinig ko kay daddy kung ano nangyari sayo. Gusto ko nga sumama kay kuya noong bumisita siya kahapon kaso sobrang pagod ko sa pasyal namin. Kaya sumama na lamang ako sa iba."

"Sorry kung pinag aalala ko kayong lahat but I'm okay."

"Guys, may gusto akong pakilala sa inyong lahat. Si Gian Carlo Avellino, my husband."

"Binanggit nga ni Ryder sa amin kagabi na may asawa ka na." Sabi ni Juno.

"Kaya ganoon na lang ang grand opening naganap kanina pagkarating namin. Kawawang kuya Nate." Natatawang sabi ni Jordan.

"Shut up, Jordan!"

"Twin, bawal ang pikon. Pikon talo." Pang aasar ni Freya sa kakambal niya.

Alam kong may gusto sa akin si Nate pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya at isa pa may boyfriend ako dati. Kaya lang wala silang ideya kung sino ang boyfriend ko.

"Gian, sila naman sina Freya, Jordan, Juno, Kent, Millie at Nate. Hindi pa sila kumpleto."

"Bukas pa ang uwi ni Clark. Dapat ngayon na siya babalik kaso nahirapan daw siya magpa book ng flight niya. Sobrang dami ang umuuwi ngayon." Sabi ni Kent.

"Si Zoe naman ay mamayang gabi na ang uwi niya. Baka bukas pa siya dadalaw sayo."

"How about Jazz, Jerome, Yuuta and Blaire?" Tanong ko. Sa sobrang daming kapatid rin ni Yuuta kaya hindi ko na isa-isahin sila.

"Si Jazz busy sa Sky Island. Si Jerome naman hahabol daw siya mamaya." Sabi ni Kent.

"Pumasok sa army si Yuuta at si Blaire." Tumingin si Freya sa labas. "Ayun oh. Nakikita ko na siya naglalakad papunta dito."

"Bakit?" Narinig ko na ang boses ni Blaire.

"Tinanong ni Daisy kung nasaan kayo pero nakita na kita naglalakad papunta dito."

"Kamusta ka na, ate?" Tanong ni Blaire sa akin.

"I'm okay na." Ngumiti ako sa kanya. "Blaire, may gusto akong pakilala sayo."

"Sino?"

"Si Gian, asawa ko."

"Aba, magaling ka pumili. Ang gwapo ng asawa mo, ate."

"Naku, Blaire. Kapag narinig ni Yuuta yan baka magalit na naman iyon sayo." Sambit ni Jordan.

"Psh. Nasaan pala ang kumag na iyon?"

"Hindi mo ba alam na pumasok si Yuuta sa army?" Tanong ni Nate.

"Wala akong alam."

"Mamimiss mo siya dahil ilang taon mo hindi makikita si Yuuta." Pang aasar ni Freya. Ang lakas talaga mang asar ng attorney na ito.

"Hindi ah. Asa pa kayo."

"Freya." Tumingin si Freya sa akin. "Hindi ba gusto mo maging chef? Bakit naging abogado ka?"

"Kung hindi baliw itong si Nate noong nag-aaral pa kami. 'Di porke't ayaw niya sa isang professor niya sa law school ay sinuntok na niya kaya ayun kick out sa law school. Nagalit nga si daddy sa ginawa ni Nate at disappoint naman si mama dahil umaasa siya na magiging abogado. Hindi na siya pinag aral ulit ni daddy nang law after what happened. Kaya kinausap ko sila na ako na lang ang mag-aaral nang law. Wala kasing balak si Frank maging abogado."

Ganoon pala ang nangyari kung bakit naging abogado si Freya imbes na chef.

"Oo na. Kasalanan ko na kung bakit kailangan mo pang i-give up ang pangarap mo."

"Kasalanan mo naman talaga."

"Ano ang kinakaabalahan mo ngayon, Nate?" Tanong ko.

"Wala. Minsan tinutulungan ko si dad sa talyer."

"Gusto mong mag-trabaho sa kumpanya ko?"

Napatingin ako kay Gian. "Bakit? May tinanggal ka ba?"

"Wala akong tinanggal. Nag-resign, meron. Bigla na lang umalis yung empleyado ko kaya yung position niya available hanggang ngayon. Wala pa ngang nahahanap yung HR na kapalit niya."

"Nakakahiya naman. Ngayon pa lang tayo nagkakilala tapos tutulungan mo ko."

Ngumiti si Gian. "Kung sinong mahalaga kay Daisy ay mahalaga na rin sa akin."

Aba, hindi nagalit si Gian kahit tinutukso ng iba si Nate dahil kasal na ako. Marunong tumupad nang pangako itong si Gian.

"Kailan ako pupunta sa kumpanya mo?"

"Pwede ka ba bukas?" Tumango si Nate sa kanya. "At pumunta ka na lang dito. Sasabihan ko ang sikretarya mo na pupunta ka." May inabot na isang calling card si Gian kay Nate.

"Wow. Ang swerte mo, twin isa sa mga sikat na kumpanya ang pwede mong pasukan."

Ngumiti si Nate. "Thank you. Pupunta ako dito bukas around 10."

"Okay, sasabihan ko ang sikretarya ko mamaya."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon