Daisy's POV
Nandito na kami ngayon ni Gian sa grocery. Actually, wala akong maisip kung ano ba talaga ang bibilihin ko. Marshmallow kaya? At ice cream para sa mga kapatid ko.
Habang naglalakad kami ni Gian ay biglang nagulat ako nang may yumakap sa akin at parang hindi magandang mangyayari ngayon.
Lumingon ako kay Gian pero hindi na maganda ang mood niya ngayon kumpara kanina. Nandidilim na ang paningin niya. Humarap na ako doon sa taong yumakap sa akin kaso laking gulat ko ng makita kung sino iyon. "Dan."
"Musta ka na, Daisy?"
Kaagad kong hinawakan ang braso ni Gian dahil paniguradong susugurin niya si Dan. Siya si Daniel Ferrer, anak ni tito Dave at isa rin siyang pulis. May kakambal pa siya pero mukhang hindi niya kasama si Heaven ngayon.
"Okay naman ako. Ano pala ang ginagawa mo rito?"
"Nautusan ako ni Heaven bumili ng ice cream. Tutal madadaanan ko naman yung grocery pauwi ko."
"Heart broken na naman ba si Heaven?"
Tumawa ito. "You know her. Kapag nagkaroon ng girlfrieng ang crush niya ay nagiging heart broken at kahit kailan hindi natuto ang kakambal ko."
Tumawa na rin ako. "Wala pa rin pinag bago kay Heaven."
"Sino pala siya, Daisy?" Tinuro niya si Gian.
Tumingin ako kay Gian dahil masama pa rin ang timpla ng mukha niya at binaling ko ulit kay Dan. "He is Gian, my husband."
Namilog ang mga mata nito. "Kasal ka na pala."
Tumango ako. "Oo, 6 years na kaming kasal."
"Alis na ako. Baka pati sa akin magalit si Heaven. Nice to see you again, Daisy."
"Bye. Ingat ka." Humarap na ako kay Gian. "Ano iyon? May balak ka pa talaga gumawa ng eskadalo dito. Kung hindi kita pinigilan kanina ay laking gulo ang gagawin mo, Gian. Isang pulis si Dan."
"Wala akong pakialam kung isa pa siyang pulis o hindi."
"Hindi ba pinag usapan na natin na iwanan mo ang magiging seloso mo? Asahan mong makikita ko ang mga kaibigan ko kung saan-saan."
"Hmph." Inirapan pa ako ng loko. Parang bakla. Naka irap sa akin wagas.
"Sige ka. Kung ganyan ka ngayon, hindi ako papayag na may mangyari sa atin mamayang gabi."
Humarap na siya sa akin at lumiwanag na ang mukha niya. "Fine."
Binigyan ko siya ng isang smack kiss sa labi. "Wala kang ika-selos diyan. Ikaw ang asawa ko. Hindi ba inamin ko na sayong mahal kita?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi lang iyon namumula ang tenga niya. Ano iyon? Kinikilig ba si Gian? Ang cute naman niya. "Tara na nga. Ano ba ang gusto mong bilihin?"
"Gusto ko sana bumili ng marshmallow."
"Marshmallow? Imposibleng buntis ka dahil kagabi pa lang tayo nag-simula."
"Baliw. Hindi ako naglilihi." Masyado naman siyang excited magkaroon ng anak. Eh, isang araw pa lang na may nangyari sa amin at imposible iyon.
"Kung hindi ka naglilihi, bakit palagi ka nagpapabili o bumibili ng marshmallow?"
"Sabi ko nga sayo gustong gusto ko talaga ang marshmallow." Kumuha na ako ng tatlong marshmallow pagkarating namin sa food section kung saan nakalagay ang marshmallow. "Doon naman tayo sa ice cream."
"Huwag mong sabihin gusto mo rin ng ice cream."
"Hindi. Papasalubong ko sa mga kapatid ko."
"Mahal mo talaga ang mga kapatid mo, 'no?"
"Oo naman. Kahit sobrang pasaway at makulit si Riley tapos kapag nag-sanib pwersa na ang kambal. Ako ang kawawa dahil ako lagi ang biktima nilang dalawa."
Pagkatapos namin mamili ay napansin kong tumahimik si Gian.
"May nasabi ba ako kanina?" Tanong ko.
"Wala naman. Pero minsan ay naiinggit talaga ako sayo."
"Bakit naman?"
"Pinangarap ko rin ang magkaroon ng kapatid pero naranasan ko ang magkaroon ng kapatid noong dumating si Tres. Kahit saglit na panahon lang iyon."
"Si Tres lang? Paano si Jet?"
"I treat Jet like my brother but at the same time my rival. Kahit wala talaga akong laban kay Jet."
Nang makarating na kami sa bahay ay nakita ko si Rico. Himala hindi yata busy ang kapatid kong ito ngayon ah.
"Napabisita kayo." Sabi niya.
"Miss ko na kasi kayo. Para sa inyo nga pala ito." Inabot ko sa kanya ang paper bag nang ice cream.
Kinuha ni Rico ang paper bag na inabot ko sa kanya at tiningnan ang laman. "Huy, ice cream. Siguradong uubusin lang ito ni Rin."
"Share kayong apat diyan at bigyan niyo na rin sina mommy at daddy."
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay may naamoy akong sobrang bango. Nagluluto si daddy ngayon. Namiss ko na ang luto ni daddy.
"Nakakamiss talaga ang luto niyo, dad." Sabi ko na kinalingon ni daddy.
"Nandiyan ka pala, Daisy. Ikaw lang ba?"
"Hindi po. Kasama ko si Gian."
"Buti hindi busy sa trabaho ngayon si Gian."
"Hindi po siya pumasok ngayon." Tumingin ako sa niluluto ni daddy. Ang bango talaga. The best talaga ang luto niya. "Pwede niyo po ba ako turuan kung paano mag-luto? Gusto ko sana lutuan si Gian."
"Sige, pupunta ako sa inyo para turuan ka kung paano mag-luto." Pinatay na ni daddy ang kalan at sinalin na niya ang niluto niya sa isang bowl. "Ang laki talaga ng epekto na pagkakaroon mo ng asawa. Parang dati lang ayaw mo matuto kung paano mag-luto dahil gusto mo ang mga luto ko."
"Dati pa iyon, dad. Wala pa akong asawa noon."
Kahit isang parusa ang binigay sa akin ni daddy na pakasalan si Gian pero ngayon ay nagpapasalamat ako sa kanya. Kung hindi ginawa iyon ni daddy ay hindi ko magagawang mahalin ang isang Gian Carlo. Baka hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya.
Nakita ko ang pag-punta ni Rocky sa kusina at niyakap ako. Ang sweet naman ng baby brother ko. "I miss you, ate."
"I miss you too, Rocky." Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko. Si Rocky ang pinaka malambing sa mga kapatid ko at kapag nag-aaway ang mga kuya at ate niya ay sasabihin niyang bad po yan. Kaya mahal na mahal naming lahat si Rocky pero ngayon kuya na rin siya dahil si Rinoa na ang bunso namin.
"Sana po palagi kayo bumibisita dito."
"Paalam ka kay kuya Gian mo para payagan akong bumisita sa inyo." Sabi ko.
Tumango si Rocky. "Okay po." Bumitaw na siya ng yakap sa akin para puntahan si Gian.
"Bakit? Hindi ka ba pinapayagan ni Gian?"
Tumingin ako kay daddy. "Hindi po. Pinapayagan naman ako ni Gian na lumabas pero kasama rin yung isang kasama namin sa bahay."
"I see... Inaalala ni Gian ang kalagayan mo. Dalawang beses kang kinidnap."
Tama ang sabi ni daddy. Dalawang mahalagang tao ang kamuntikan na mawala ng dahil sa akin. Una si daddy tapos si Gian.
"Bakit hindi po kayo pumunta noong na-kidnap ako na walang kasama?" Sa hindi ko inaasahang tatanungin ko si daddy nang ganoon.
"Ayaw ko kung pati ikaw ay mawala sa akin. Kinuha na sa akin ang mama mo at nangako ako sa kanya na poprotektahan kita kahit anong mangyari. Kahit buhay ko pa ang kapalit."
"Bakit hindi kayo lumaban sa mga kumidnap sa akin?"
"Ayaw kong makita mong pumapatay ako ng tao. Baka pagkakamuhian ako ng anak ko."
"Kasama rin naman po iyon sa trabaho niyo bilang pulis, di ba?"
"Kain na tayo. Tatawagin ko lang ang mga kapatid mo."
Pakiramdam ko para bang may tinatago si daddy sa akin. Pero ano iyon?
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...