Chapter 5

2.3K 45 0
                                    

May isang batang babae ang bumukas ng gate. "Ate Daisy."

"Hi, Gaia. Ang kuya mo pala."

"Nasa loob si kuya kasama si Ryan."

"Nandito na ba yung iba?"

"Sina Stefan at Serena pa lang ang nandito." Tumango si Daisy sa tinawag niyang Gaia.

Ayon nga sinabi ni Daisy ay huwag ako mag-salita. Ayaw ko naman magalit siya sa akin kaya hindj ako mag-sasalita hanggang matapos ang birthday.

Nagsi-datingan na yung ibang bisita ng birthday celebrant. Wala nga akong kilala dito maliban kay Mason.

"Hi, kuya."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hello."

"Ano po ang pangalan niyo?"

"Gian. Ikaw?"

"Gaia po at ito naman si Ryan."

Kumaway pa yung isang batang lalaki na kasama ni Gaia. "Hello."

"Boyfriend po ba kayo ni ate Daisy?"

Napansin ko ang pag-tingin dito ni Daisy. "Ah, hindi."

Ayaw ni Daisy sabihin na kahit sino ang tungkol sa kasal namin. Ibig sabihin ayaw niya ng engrandeng kasal. Si Jet talaga ang mahal niya, hindi ako.

Kahit bored na ako dito makita lang masaya si Daisy ay nawawala na ang pagka bored ko. Sana mapangiti ko rin siya gaya ngayon. Kailan kaya mangyayari iyon? Sa panaginip ko na lang siguro.

Pagkatapos ng birthday ay hinatid ko na si Daisy sa kanila. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako bumalik ng bansa kahit ayaw na ni papa bumalik pa ako ng Pilipinas. Hindi ko alam ang dahilan ni papa kung bakit ayaw niya.

"Ano ba ang pumasok sa isipan mo ngayon?!" Narinig kong sumisigaw si tito Rocco.

"Gusto ko lamang mahanap ang pumatay sa mga magulang natin, kuya."

"Walang pumatay sa kanila. Isang aksidente ang nangyari! Ako ang mas matanda sa atin kaya sumunod ka sa akin, Jace."

"Hay naku. Daddy, huwag kayo sumigaw." Lumingon sa amin si tito Rocco. "Baka umabot pa ang boses niyo sa bahay nila tito Blue."

Lumapit si Riley sa ate niya. "Ate, ganito ka." Nilahad nito ang kanyang kamay.

Nilahad rin ni Daisy ang kamay niya. "Ano ba ang– Kyaah!" May nilagay na kung ano si Riley sa palad ni Daisy.

"Riley, ano na naman ang ginawa mo sa ate mo?" Tanong ni tita Sarah.

"Nothing, mommy."

Natatawa ako dahil ang cute nila magkapatid kaso humarap sa akin si Daisy at may binato siya sa akin.

"Ano ang tinatawa mo diyan?! Bwesit!"

Isang gummy worms ang binato sa akin ni Daisy. Akala siguro niya totoong worms ang binigay ni Riley sa kanya.

"Ano ang nangyari dito?" Tanong ni tito Rocco pagpasok niya sa loob ng bahay nila.

"Binigyan po ni Riley ng gummy worms si Daisy. Akala ni Daisy totoong worms."

Umiling na lang si tito Rocco. "Talagang si Riley."

Kailangan ko nga pala sundan si Daisy sa kwarto niya para mag-sorry. Hindi dapat ako tumawa sa kanya. Kailangan maging maayos ang relasyon namin bago ang kasal. Yung mapapatawad na niya ako sa lahat na kasalanan ko sa kanya noong maliliit pa kami.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Daisy. "Daisy..."

"Leave me alone!" Sigaw niya sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko intensyon tumawa kanina." Pumasok pa rin ako sa kwarto niya. "Sorry talaga."

"Ganyan ka naman masaya! Ang i-pahiya at asarin ako! Hindi yata magiging kumpleto ang araw mo kapag hindi ako naiinis sayo!"

"Sorry. Hindi ko talaga intensyon ang ginawa ko noon. Inaamin kong mali ang ginawa ko." Hindi na sumagot si Daisy kaya umupo na ako sa kama niya. "Alam mo bang maswerte ka dahil may oras sa inyo ang mga magulang niyo. Hindi katulad ko na palagi walang oras sa akin kaya iniisip ko mas importante pa sa kanila ang trabaho nila kumpara sa akin."

Kahit minsan ay hindi ko magawang tumawa ng ganito sa bahay namin. Kapag nag-biro ka ay pagagalitan at paparusahan ka nila.

"Pumunta lang ako dito para mag-sorry sayo." Tumayo na ako. "Uwi na ako."

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng tauhan namin.

"Sir Gian, tumawag kanina si sir Gerald." Sabi niya sa akin.

"Sige, tatawagan ko na lang siya."

Ano na naman kaya ang kailangan ni papa sa akin? At himala naalala pa niya may anak siya. Pareho sila ni mama na busy sa trabaho nila.

Tinawagan ko na si papa para alamin ang dahilan kung bakit siya tumawag kanina.

"Where have you been, Gian? I've been calling you but you never answer my call." Napatingin ako sa phone ko nguniti nakapatay iyon. Hindi ko nalamayang lowbat ako.

"Sorry, lowbat."

"Enough with your excuses, Gian!"

"Ano ang dahilan kung bakit kayo tumawag sa akin ngayon?"

"Gusto ko malaman kung nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sayo."

Naguguluhan akong tumingin sa screen ng laptop. "Pinagagawa?"

"Alam ko ang dahilan mo kung bakit gusto mong bumalik ng Pilipinas, Gian. Bumalik ka dahil kay Daisy."

"Ano ba ang pinapagawa niyo sa akin?"

"Gusto kong pumunta ka sa DL Corp at kausapin ang CEO para makipag tulungan sa kanila. Kung hindi mo magawa ang pinagagawa ko sayo ay manganganib ang buhay ni Daisy."

"Huwag niyo sasaktan si Daisy. Pupunta ako sa DL Corp at kakausapin ang CEO nila."

"Good."

Ang sama talaga ng sarili kong ama dahil wala siyang pinipili kung sino ang kinakalaban niya pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglaan niyang naisip makipag tulungan sa DL Corp at saka pinaghirapan ko ang GCA Group of Companies na walang tulong galing sa kanya. Tapos kapag hindi ko ginawa ang pinapagawa niya sa akin ay manganganib ang buhay ni Daisy.

Alam ng sarili kong ama kung sino ang kahinaan ko.

At ano ang maasahan ko kay mama? Na i-pagtatanggol niya ako kay papa? She doesn't care about me. Pinanganak ako para maging sunod-sunuran sa kanila. Iyon talaga ang role ko.

"Tres." Tawag ko sa kasama ko dito sa bahay. Siya ang pinagkakatiwalaan ko rito.

"Yes, sir?"

"Kailangan na kailangan kong makausap si Mason De Luca kaya tumawag ka sa DL Corp ngayon din." Utos ko.

Ni minsan ay hindi ko pa nakakausap sa personal si Mason. Wala akong dahilan para kausapin niya noon pero ngayon ay kailangan ko ng tulong niya.

"Okay, sir."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon