Chapter 29

2.5K 48 0
                                    

Nag-aasikaso ako kasi gusto kong bisitahin ang pamilya ko at sobrang bored na talaga ako dito. Walang magawa.

Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita ko ang pag-uwi ni Gian. Ang aga naman yata niya umuwi ngayon.

"Ang aga mo umuwi." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Saan ang punta mo?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Bibisitahin ko ang pamilya ko. Kung nagutom ka may niluto ako."

Simulang tinuruan ako ni daddy kung paano mag-luto ay napapadalas na ang luto ko kay Gian. Sinusundan ko ang binigay na recipe sa akin at nagustuhan naman ni Gian ang luto ko. Hindi ko inaasahan may talent rin pala ako sa pagluluto dahil puro si daddy ang nagluluto sa bahay.

"Sasama ako sayo. Hindi ba ang sabi ko sayo kapag pupuntahan mo sila ay sabihan mo ko."

"Oo, pero–"

Bastos din itong si Gian dahil umalis na hindi tinapos ang sasabihin ko. "Tres, ako na ang sasama kay Daisy. Bumalik ka na sa trabaho mo."

"Yes, sir."

Hindi naman ako makakaalis ng bahay kung hindi ko kasama si Tres. No choice ako. Kailangan ko palagi kasama ang boring na lalaking iyon kapag aalis ako.

Pagkarating namin ay nauna na ako bumaba at nag-doorbell. Si Rocky ang nag-bukas sa akin kaya niyakap rin ako ng kapatid ko.

"Ate."

"Aww, namiss ako ng baby brother namin."

Pumasok na kami sa loob pero may narinig akong may kausap si daddy.

"Sino ang kausap ni daddy?" Tanong ko kay Rocky.

"Ang pagkaalam ko po si uncle Jace ang kausap ni daddy."

"Oh. Nandito ka pala kayo ni Gian." Tumingin ako sa nag-salita at ngumiti. "Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa po."

"Hindi ka pa kumakain?" Tumingin ako kay Gian noong bumulong siya sa akin.

"Balak ko dito kumain ng hapunan."

Tumango siya bago binaling ang tingin kay mommy. "Tita, may gusto lang po akong sabihin sa inyo ni tito."

"Ano iyon, Gian."

"Sasabihin ko lang po kung tapos na si tito sa kausap niya."

"Rocky, doon tayo sa room mo." Alok ko sa kapatid. Alam ko naman ayaw ni Gian sabihin sa akin kung ano man ang gusto niyang sabihin sa mga magulang ko.

"Ano po gagawin natin doon, ate?"

"Um, gawin natin ang homework mo. Turuan kita."

"Pero tinulungan na po ako ni ate Rin sa homework ko."

"Ganoon ba? Ano na lang... um, laro tayo. Video game?"

Pumunta na kami ni Rocky sa kwarto niya. May sariling tv ang kapatid ko sa kwarto niya at hindi lang iyon meron rin siyang PS4 pero wala akong alam kahit anong video games. Silang dalawa ni Riley ang madalas naglalaro ng video games. Actually, kay Riley itong PS4 kaso binigay niya kay Rocky dahil bumili ng Nitendo Switch si Riley na walang alam ang mga magulang namin. Noong nalaman ni daddy ay pinagalitan siya pero wala na magagawa si daddy dahil nandito na yung bagong laruan ni Riley.

"Talaga po? Pwede tayo mag-laro kahit may pasok?"

"Ngayon lang. Tapos mo rin naman ang homework mo."

Nagmamadaling buksan ni Rocky ang tv pati rin ang PS4 at nilagay na ang CD kung ano man ang lalaruin namin.

"Can you help me here? Stuck kasi ako dito sa lugar na ito, ate." Binigay sa akin ni Rocky ang controller na hawak niya.

"Hindi ko alam kung kaya ko bang umalis sa lugar na ito." Kinuha ko na kay Rocky ang controller. "Susubukan ni ate ah."

Hindi ko na nga alam kung saan ba dapat pumunta tapos ang hirap pang kalabanin yung boss. Ilang ulit na ko pero ganoon pa rin ang naging resulta.

Nilapag ko na ang controller sa kama. "Sorry, Rocky. Humingi ka na lang ng tul–"

"Let me try." Lumingon ako sa likod at nandito rin si Gian. Kinuha na niya yung controller at umupo sa sahig.

Namangha ako dahil natalo ni Gian yung boss na wala man lang healer na kasama sa team.

"Wow. Ang galing mo, kuya Gian. Natalo niyo po yung boss."

Hindi ko nga alam kung ano ang pinipindot niya hahang kinakalaban yung boss. Parang professional ito ah.

"Naglalaro rin ako ng kagaya nito noong nasa Italy pa ako. Here." Inabot na niya ang controller kay Rocky at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Save. Save." Narinig ko ang mahinang bulong ni Rocky. Gusto ko matawa dahil natakot umulit ulit.

"Wala akong ideya na may alam ka pala sa ganoon. Sabagay, lalaki ka nga pala."

"Libangan ko lang ang paglalaro ng video games dati. Yung mga panahon na nag-aaral pa ako."

Pinatay na ni Rocky ang power ng PS4 pati rin ang tv. Hindi kasi siya pwede mag-laro kapag may pasok baka maapektuhan ang pag-aaral niya pero pinapayagan naman siya mag-laro kapag bakasyon.

"Ano nga pala ang sinabi mo sa mga magulang namin?"

"Secret. Malalaman mo na lang iyon sa araw mismo ng wedding anniversary natin."

Wedding anniversary? Simulang kinasal kami ni Gian ay hindi pa namin sine-celebrate ang wedding anniversary namin.

"Ang daya mo talaga kahit kailan."

Tumingin ako ng may kumatok sa pinto. "Baba na para makakain na tayo."

Naku talaga si Rico. Walang ka-buhay buhay ang pag-tawag sa amin.

Napansin kong wala yata si Riley. "Rico, nasaan si Riley?"

"Ang sabi niya kay daddy kanina na maghahanap daw siya ng trabaho ngayon."

"Mabuti naisipan na niya mag-hanap ng trabaho."

"Heh. Ayaw niya kasi ang mag-palit ng diaper ni Rinoa."

Nandito na kaming lahat sa harap ng hapag maliban lang kay Riley. Sobrang namiss ko ito yung sabay-sabay kami kumakain at nag-uusap. Sa bahay kasi mag-isa lang ako kumakain dahil sobrang busy ni Gian.

Pagkatapos kumain ay binanggit ni Rico, isa siya sa mga kasali sa ma-propromote. Tuwang tuwa kaming lahat sa magandang balita kahit hindi pa ganoon tumatagal sa DL Corp si Rico. Sobrang sipag talaga ng kapatid kong ito pero iyon naman ang kabaliktaran ni Riley.

"Mommy, daddy, may gusto po akong i-bigay sa inyo."

"Ano iyon, Daisy?"

Inabot ko na sa kanila ang paper bag na ibibigay ko sa kanila. Binuksan na ni mommy ang paper bag at kinuha ang laman noon.

"The best grandparents?" Binasa ni mommy ang nakasulat sa damit.

"The best grand–" Hindi na tinapos ni daddy ang pag-basa sa nakasulat at tumingin sa amin ni Gian habang nakakunot ang noo. "Daisy, are you pregnant?"

Tumango ako. "Yes po."

"No way! Magiging tita na ako." Masayang sambit ni Rin.

"Ibig sabihin magkakaroon na ko ng kalaro, ate?" Kahit si Rocky ay masaya rin.

"Masaya kami para sa inyong dalawa ni Gian." Sabi ni mommy.

"Magkakaroon na tayo ng apo... pero parang ang bata ko pa." Ani daddy.

"Anong pinag sasabi mo diyan, hubby? May edad ka na."

"Wala pa akong 60, wifey."

"Dad, malapit na rin kayo umabot ng 60." Ani Rico.

"May dalawang taon pa bago ako umabot ng 60."

"Ganoon na rin iyon, hubby."

Umiling lamang ako. At the age of 58 and 43 ay may pahabol pa kaming kapatid. Wala talagang patawad si daddy. Gusto niya talaga magkaroon ng maraming anak.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon