Chapter 4

2.3K 45 0
                                    

Gian's POV

Nagulat ako sa biglang pag-suntok sa akin ni Jet. Hindi nanununtok na walang dahilan si Jet at alam kong may alam na siya sa nangyari kaya niya ako sinuntok.

"Kahit kaibigan pa kita ay kaya kitang suntukin, Gian at iyan lang ang pwede kong gawin sayo."

Pinunasan ko na yung dugo sa tabi ng labi ko. Ang lakas pala manuntok ni Jet. "May alam ka na ba?"

"Oo, nakipag hiwalay sa akin si Daisy at sinabi niya rin sa akin ang dahilan. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman? Hindi sana umabot sa ganito."

"Sana ganoon kadali ang sinabi mo sa akin ngayon, dude. Galit sa akin si Daisy."

Hindi ko intensyon na inisin o i-pahiya sa ibang bata si Daisy noong maliliit pa kami. Gusto ko lang naman pansinin niya ako. Pinapansin nga niya ako, galit nga sa akin.

Naiinis ako sa tuwing nakikita kong mag-kasama sina Daisy at Jet pero mas kinaiinisan ko noong sinabi ni papa na kailangan namin pumunta ng Italy at doon i-pagpatuloy ang pag-aaral ko. Matagal ako lalayo kay Daisy.

Ngayon nakabalik ako kaso nabalitaan kong sila na ni Jet. Sobra akong nasaktan. Ano ba ang laban ko kay Jet? Sobrang bait at matalino niya kumpara sa akin na tamad mag-aral at masama ang ugali.

"Basta alagaan mo ng maigi si Daisy. Kapag nalaman kong umiyak siya ay kukunin ko siya sayo." Sabi niya para bang siya na yung mang iiwan ngayon.

"Para naman ikaw na itong aalis ng bansa." Natatawang sambit ko kaso napansin kong seryoso ng mukha ni Jet.

"May mga pangarap ako na kailangan kong tuparin, Gian. Isa na doon ang mag-trabaho sa ibang bansa." Tumingin sa akin si Jet. "Bukas na ang flight ko."

"Alam ba ni Daisy na aalis ka?"

Umiling siya sa akin. "Hindi. Ayaw kong masaktan siya. Tama na ang isang beses makita kong umiyak siya habang nakipag hiwalay siya sa akin."

Ang sama ko talagang tao dahil ako ang dahilan kung bakit sila nag-hiwalay. Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Daisy sa ginawa ko.

"Alis na ako. Maaga pa ang flight ko bukas." Paalam niya sa akin at iniwanan na ako ni Jet.

Kinabukasan nag-pasya akong puntahan si Daisy sa kanila pero nakita kong aalis siya ngayon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. "Wala kang pakialam kung saan ako pupunta at hindi ka pwedeng sumama sa akin. Hindi ka imbitado."

"May pakialam ako dahil fiance mo ko, Daisy."

"Fiance mo mukha mo!" Napapikit ako dahil alam kong makakatikim ako ng sampal galing kay Daisy pero walang palad na dumampi sa pisngi ko. "Ano nangyari dito?"

"Wala lang ito." Sa sobrang lakas ng suntok sa akin ni Jet kahapon ay may naiwang pasa. "Concern ka ba sa akin?"

"Hindi ako concern sayo. Panget ka na nga, mas lalo ka pa pumanget. Kung sino man ang may gawa sayo niyan ay tama ang ginawa niya. You deserved a punch."

"Daisy, i-sama mo na ko sa pupuntahan mo."

"Ayaw ko! Ma-bobored ka lang doon at wala kang kilala sa mga kasama ko."

"Pakilala mo ko sa kanila. Pwede rin na pakilala mo ko bilang fiance mo."

"Ayaw ko nga! At wala akong fiance. Hindi pa ako pumapayag magpakasal sayo."

"Hindi ka pwedeng hindi pumayag magpakasal sa akin. Half a million ang nawalang pera nang dahil sayo."

"H-Half a million?!"

"Yes, you heard me right. At pagkaalam ko ay hindi ka pa nakakahanap ng trabaho ngayon saka hindi ko kailangan ng pera para mabayaran mo ang nawalang company money."

"Akala ko ba hindi mo kailangan ng pera para mabayaran ko yung nawalang pera sa kumpanya mo."

"Yes, I don't money. We're going to marry whether you like it or not."

"Fine, magpapakasal na ako sayo basta huwag mo papakialamanan kung ano man ang ginagawa ko at hindi tayo pwede mag-tabi sa isang kama. Kailangan mag-hiwalay tayo ng kwarto."

"Okay, kung iyon lang pala ang kagustuhan ng future wife ko."

"At saka walang mangyayari sa atin kahit kasal na tayo. Kaya huwag kang umasa na papayag akong bibigyan kita ng anak. Kung gusto mo ng anak ay mag-hanap ka ng ibang babae na kayang bigyan ka."

"Sure ka?" Siyempre hindi ko kailangan mag-hanap ng babae para bigyan ako ng anak. Mag-hihintay at naniniwala akong papatawarin rin ako ni Daisy balang araw at mamahalin niya rin ako.

"Siguradong sigurado ako."

"Hindi ka magseselos?"

"Bakit naman ako magseselos? Wala akong pakialam kung ano man ang gagawin mo."

"Okay, sabi mo yan ah."

"At sumama ka na nga para makaalis na ako." Ngumiti ako dahil pumayag na si Daisy na sumama ako sa kanya kung saan man siya pupunta ngayon. "Basta huwag ka magsasalita habang nandoon tayo."

"Ako na ang magmamaneho. Kawawa naman si manong dahil Monday to Friday na siya nagtatrabaho para hatid-sundo kayo magkakapatid."

"Fine. Manahimik ka na lang diyan." Lumapit na si Daisy sa driver nila para siguro sabihan na mag-pahinga muna siya.

Habang nasa biyahe kami ay wala nga talaga nag-sasalita sa aming dalawa ni Daisy. Ayaw nga akong kausapin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ang lakas ng loob mo mag-volunteer na mag-maneho pero hindi mo alam kung saan ang punta ko."

"Kaysa marami kang sinasabi diyan ay sabihin mo na sa akin kung saan tayo pupunta."

"Sa bahay nila Mason."

Napatingin ako kay Daisy. "Mason De Luca?"

"Oo."

Bakit kaya pupunta doon sa Daisy? Hihingi ba siya ng tulong kay Mason? Ano ba ang hirap sa sinabi kong hindi ko kailangan ng pera para bayaran niya ang kasalanan niya sa akin?

"Huwag ka mag-isip na hihingi ako ng tulong kay Mason kung bakit ako pupunta sa kanila. Birthday ni Mason ngayon."

"Oh..." Iyon pala ang pinunta niya doon. Birthday ni Mason. Kilala si Mason bilang youngest bachelor noon bago pa nakilala ang GCA Group of Companies. Kaya kaya ako na ang youngest bachelor ngayon.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon