Nag-pasya akong puntahan si Heaven sa kanila. It's already 5 months pero naging busy si Gian pagkagaling niya sa business trip. Ang dami daw kailangan niyang gawin sa kumpanya at naiintindihan ko naman iyon.
"Hello po." Nakangiting bati kay tita Hailee.
"Ikaw pala, Daisy. Pasok ka." Yaya sa akin ni tita Hailee.
Sa isang subdivision sila nakatira at hindi lang iyon masyadong strict ang security rito. Hindi basta-basta makakapasok sa loob ang isang pang publikong sasakyan. Kinausap ko si Tres na hatid niya ako dito at tatawagan ko lang siya kung magpapasundo na ako. Alam ko naman marami rin siyang ginagawang trabaho.
Pagkapasok ko sa bahay nila ay nakita ko si Heaven sa may kusina nila habang kumakain ng ice cream. Parang dati lang inutusan niya si Dan na bumili ng ice cream dahil heart broken. Huwag niyong sabihin sawi na naman sa pag-ibig ang babaeng ito.
"Hi, Heaven."
Tumingin siya sa akin habang nasa bibig niya ang kutsara. "Daisy, ano ang ginagawa mo rito?"
"Gusto kong bisitahin ka pero mukhang sawi ka na naman sa pag-ibig."
"Hindi ako sawi sa pag-ibig ngayon. Ayaw ko na masaktan ulit kaya focus na muna ako sa trabaho ko ngayon." Tumayo na siya at nilagay ang ice cream sa freezer. "May kailangan ka ba?"
"Gusto ko sana magpagawa sayo ng cupcakes."
"Isa akong chef, hindi pastry chef."
"Alam ko pero sigurado naman akong tinuruan rin kayo kung paano gumawa ng cupcakes."
"Sa anong dahilan kung bakit nagpapagawa ka sa akin ng cupcakes? Sa pagka tanda ko ay hindi ka ganoon mahilig sa matatamis."
"Para sa asawa ko."
"Totoo nga pala ang sabi ni Danny na may asawa ka na."
"Magagawa mo ba yung cupcakes ngayon?"
"Titingnan ko kung meron bang ingredients dito." Binuksan na niya ang mga cabinet para alamin kung may mga ingredients ba siya para sa pag-gawa ng cupcake. "Swerte mo. Kumpleto ang mga kailangan ko sa cupcake."
"At may isa pa akong pabor sayo."
Sumilyap sa akin si Heaven. "Ano iyon?"
Imbes na sagutin ko siya ay lumapit ako kay Heaven at binulong ko kung ano ba yung hinihingi kong pabor sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Anong lasa noon?"
"Basta."
Naging abala na si Heaven sa pag-gawa ng cupcake. Kahit kailan talaga ang seryoso niya sa ibang bagay kahit ang pag-gawa lang ng cupcake.
"May maitutulong ba ako para matapos kaagad yung cupcake?" Sobrang bored na ako habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya.
"Naririnig ko na ang mga yapak ni Duke. Pwede mo bang huwag siya papuntahin dito para matapos ko ito kaagad?"
"Sige." Lumabas na ako sa kusina at sakto pagkakita ko kay Duke pababa ng hagdanan. "Hi, Duke."
"Hello, ate Daisy. Kamusta po kayo?" Nakangiting bati niya sa akin. Ang huling kita ko kay Duke ay bata pa siya pero ngayon malaki at binata na.
"Okay lang ako. Ikaw?"
"Okay lang din pero busy ako sa school kasi ang daming project na kailangan tapusin."
"Malapit na rin pala grumaduate, 'no?"
Tumango si Duke sa akin. "Opo. Kaya kailangan focus sa studies ngayon."
"Alam ko naman kaya mo iyan at makaka graduate ka."
"Salamat, ate Daisy."
Dalawang oras ang lumipas ay may inabot sa aking lalagyan si Heaven at ang sabi niya tapos na daw niya gumawa ng cupcakes. Laking pagsasalamat ko talaga sa kaibigan dahil ginawan niya ako ng cupcakes kahit hindi niya talaga profession ang baking.
Tinawagan ko na si Tres para magpasundo sa kanya. Gusto ko na rin umuwi at baka nasa bahay na si Gian.
Pagkauwi sa bahay nilagay ko yung cupcakes sa fridge dahil hindi pa naman nakakauwi si Gian. Pumunta na rin ako sa kwarto namin para magpahinga kahit wala naman ako masyadong ginagawa ngayong araw.
Nagising ako ng may bumukas sa pinto at nakita ko si Gian habang kumakain ng cupcake na pinagawa ko kay Heaven kanina.
"Nagising ba kita?"
Bumangon ako saka umiling. "Hindi naman. Kanina ka pa ba?"
"Kakarating ko pa lang at may nakita akong cupcake sa fridge. Sayo ba ito?" Aniya saka kumagat ulit sa cupcake na kinakain niya.
"Pinagawa ko iyan sa kaibigan ko dahil gusto kong ibigay sayo."
"Thank–" Huminto siya sa pagsasalita at mukhang napansin na niya yung gitna ng cupcake na kinakain niya. Akala ko pa naman mauubos na niya yung cupcake na hindi pa niya nakikita iyon. Kumunot na rin ang noo niya. "Ano ito, Daisy?"
"Ano ba yung nakikita mo?"
"Chocolate ang cupcake na ito, di ba? Bakit iba ang kulay sa gitna nito?" Isang ngiti lang ang binigay ko kay Gian at tumingin siya sa akin. "Huwag mong sabihin..."
Tumango ako. "Oo, buntis ako at kanina ko lang din nalaman ang gender."
Hindi na ako nagulat kung hindi napansin ni Gian ang pag-laki ng tyan ko. Limang buwan na kaya itong tyan ko. Palagi kasi akong tulog tapos kapag nagigising ako sa umaga ay pumasok na sa trabaho si Gian. Hindi na nga kami nagkikita kapag weekdays. Weekends na lang kami nagkikita ni Gian dahil wala siyang pasok kapag Saturday and Sunday.
Nabitawan niya ang hawak niyang cupcake. "Shit." Agad siyang lumapit sa baby bump ko. "Hi, baby. Daddy's here. Masaya ako dahil dumating ka sa amin ng mommy mo. Pangako mamahalin kita. I love you."
Ngumiti ako. Alam kong matagal na gusto ni Gian ang magkaroon ng anak. Ngayon nagkaroon na kami. "Gian, anong kulay ang nakita mo sa gitna ng cupcake?"
Tumingala siya sa akin. "Blue– Fuck. Lalaki? Lalaki ang panganay natin?"
Muli ako tumango sa kanya. "Oo."
Niyakap ako ni Gian. "Thank you, wife."
"Pangako aalagaan ko ang sarili ko at ang anak natin."
Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya ko kapag sinabi ko sa kanila ang magandang balita? Alam kong si mommy matutuwa dahil naalala ko pa yung mga panahon na hindi pa kami okay ni Gian ay sinabi niya sa akin na bigyan ng anak si Gian. Excited na si mommy na magkaroon ng apo pero si daddy kaya. Matutuwa rin siguro si daddy dahil siya mismo ang nag-parusa sa akin kung bakit kailangan ko i-kasal kay Gian pero nagawan ko naman mahalin ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
عاطفيةSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...