Present...
Gian's POV
Abala ko makipag usap sa ibang businessman dito sa party. Mga kilalang businessman ang dumalo ngayong gabi at hinihintay na lang nila ang pag-dating ni Mason bago mag-simula ang party.
May babaeng lumapit sa akin at inabutan niya ako ng maiinom kaso nakita ko sa hindi kalayuan si Daisy. "Daisy?" Tumalikod na siya sa direksyon ko kaya umalis ako na walang paalam sa iba para sundan ang asawa ko.
Hindi ako makapaniwala susunod sa akin si Daisy.
Nakita ko siyang nakatayo lamang sa labas ng venue kaya nilapitan ko na siya.
"Daisy..." Tawag ko sa kanya.
"I want an annulment, Gian." Seryosong sambit niya.
Nagulat ako sa narinig. Tama ba ang dinig ko? Gusto makipag hiwalay sa akin ni Daisy. Hindi ako papayag mangyari iyon kahit ilang beses na niya sinusubukan kausapin akong pirmahan na yung annulment pero hindi ko pinipirmahan. "What?"
"I said, I want an annulment. Pirmahan mo na yung annulment para matapos na itong kalokohan mo. Para maging malaya ka na at magagawa mo na ang kahit anong gusto mong gawin. Kahit ilang babae–"
"Daisy, kung ano man ang nakita mo kanina ay wala lang yun. Maniwala ka naman sa akin.
Tumingin siya sa akin pero pakiramdam ko ay nag-seselos si Daisy sa nakita niya kanina. "Gusto mo ng anak, di ba?"
Biglang sumigla ang mukha ko ng tanungin niya ako tungkol sa anak. "Oo. Bakit bibigyan mo na ako ng anak?"
"Hindi. Bakit hindi na lang doon sa babaeng kasama mo kanina? Mukhang handa naman siyang bigyan ka ng anak. Baka nga bumukaka pa iyon sa harapan mo."
"Ikaw ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko."
"Kahit kailan hindi kita magagawang mahalin."
Sobra-sobra na ang sakit na binibitawan ni Daisy sa akin. Why she can't forgive me? Hindi ba ako karapat-dapat patawarin sa ginawa ko? Tao lang naman ako ah. Nagkakamali rin. Makakagawa rin ng kasalanan.
"Hay naku. Wala pa rin pinag bago sa inyong dalawa. Aso't pusa pa rin kayo." Nakarinig ako ng isang familiar na boses at lumingon ako.
"Jet..." Narinig ko ang mahinang sambit ni Daisy. Bumalik na naman ang kirot sa dibdib lalo na bumalik si Jet.
"Dude, nakabalik ka na pala."
Nagulat ako na may naramdaman akong palad dumampi sa mukha ko. Sinampal ako ni Daisy.
"May alam kang umalis si Jet pero hindi mo man lang sinabi sa akin!"
"Daisy, walang kasala–"
"Manahimik ka, Jet! Kaya pala wala kang paramdam sa akin ng anim na taon dahil umalis ka ng bansa! Oo, inamin kong nasaktan kita pero ikaw pa rin ang mahal ko, Jet. Ngayon sa ginawa niyong dalawa. Mag-sama kayo!" Halata ang galit ni Daisy sa aming dalawa ni Jet. Pero ako ito nasasaktan. Sa kanya pa nang galing ang salitang mahal pa rin niya si Jet hanggang ngayon.
"Gian, kailangan mong sundan si Daisy."
Tumango lamang ako at sinundan ko na si Daisy. Mabuti na nga lang naabutan ko siya. "Daisy, hayaan mo ko magpaliwanag sayo."
Binawi niya ang kanyang braso. "Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa sa akin dahil malinaw na sa akin ang lahat, Gian!"
"Kahit ngayon sana ay makinig ka naman sa akin."
"Hindi ko kailangan makinig pa sayo kung puro kasinungalingan lang!"
Iniwanan na ako ni Daisy mag-isa pero laking gulat ko ng may isang sasakyan ang bumangga kay Daisy.
"Daisy!" Tumakbo ako papalapit sa kanya. "Lumaban ka. Tatawag na ako ng ambulansya." Kaagad akong tumawag ng ambulansya.
Mga 15 minutes noong dumating na yung ambulansya at nilagay na si Daisy sa stretcher bago sinakay sa ambulansya. Sumama na rin ako kay Daisy.
Hiwakan ko ang isang kamay niya. "Daisy, lumaban ka. Huwag mo ko iwanan."
Dumating na kami sa malapit na ospital at dinala kaagad si Daisy sa operation room.
"Sir, hindi ho kayo pwede pumasok sa loob." Sabi noong nurse.
"Please, save my wife." Sabi ko na lamang. Natatakot ako sa pwedeng nangyari kay Daisy. Wala mangyayari sa kanya.
Pipirmahan ko na yung annulment paper kung magising si Daisy at ibibigay ko na sa kanya ang matagal niyang gusto. Ang lumayo siya sa akin.
Mga dalawang oras na ako naghihintay sa doctor na lumabas sa operation room at nauna pang dumating ang mga magulang ni Daisy. Tinawagan ko sila para alam nila ang nangyari.
"Ano nangyari?" Tanong ni tito Rocco pero bakas sa boses niya ang galit.
"Sorry po. Kasalanan ko kung bakit–" Nagulat ako sa biglang pag-suntok ni tito Rocco sa akin.
"Rocco..." Awat ni tita Sarah.
"Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko dahil ang sabi mo mahal mo siya! Pero ano itong ginawa mo?! Ngayon hindi natin alam ang kalagayan ng anak ko! Mapapatay kita kapag may nangyaring masama kay Daisy! Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sayo, Gian!" Dinuduro-duro pa ako ni tito Rocco.
"Rocco, tama na yan."
Pagkatapos ko masampal ng anak, nakatanggap naman ako ng suntok sa ama. Tsk. Ang malas ko naman ngayon gabi. Bakit pa kasi bumalik ng bansa si Jet? Kung hindi siya bumalik ay sana hindi ganito ang mangyayari kay Daisy. Kaya ba siya bumalik para kunin sa akin si Daisy? Hindi ako papayag mangyari iyon. Magkamatayan na muna kaming dalawa bago niya makuha sa akin si Daisy. Kahit kaibigan ko pa siya.
Another 3 hours may lumabas na ng doctor. Patayo na sana ako noong lumapit si tito Rocco sa doctor.
"Doc, kamusta na ang anak ko?"
"She's stable but in coma. Hindi ko masasabi kung kailan siya magigising. Nasa pasyente kung magigising pa siya o hindi na." Sabi noong doctor. Shit. Hindi ito pwede.
Hindi ako papayag iwanan ako ni Daisy. Magiging masayang pamilya pa kami kapag pumayag na siya bigyan niya ako ng anak.
Umalis na yung doctor at ang masama ng tingin sa akin ni tito Rocco. "Mapapatay talaga kita kapag hindi magising ang anak ko."
Magagawa kaya ni tito Rocco ang pumatay ng tao? Siguro dahil anak niya ang nasa panganib ngayon. Hindi alam kung magiging pa ba si Daisy o hindi.
Napatingin ako na may narinig akong humihiyaw sa sa akin at nakita ko si tita Sarah nasasaktan. Buntis nga pala ang mommy ni Daisy.
"Wifey." Lumapit si tito Rocco sa kanya. "Sobrang aga para lumabas ang baby natin at wala pang kabuwanan mo."
"Nagiging makulit ang anak mo, Rocco dahil ayaw niyang nagagalit ka. Kung ayaw mo mapahamak rin kami kaya tumigil ka na."
Nakakaramdam tuloy ako ng inggit sa mga magulang ni Daisy. Hanggang panaginib ko na lamang magiging ganyan kami ni Daisy. Kung si Jet pa rin ang mahal niya.

BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomantikSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...