Chapter 23

2K 44 1
                                    

"I'm sorry, Gian. Natatakot pa kasi ako baka mangyari-"

Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Shh... Walang mangyayaring masama but I understand."

"Sorry talaga."

"It's okay. Anyway, bukas ay may pupuntahan tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Pupuntahan natin ang lola ko. Papakilala kita sa kanya."

Nakahanda na kaming dalawa para dalawin si lola. Matagal tagal na rin ang huling dalaw ko sa kanya.

Nakita kong nakatayo lamang si Tres sa may garahe at mukhang hinihintay niya ang pag-labas namin.

"Alam kong gusto mo rin sumama sa amin." Binato ko sa kanya ang susi ng kotse na kaagad naman niyang nasalo. "Ikaw na ang mag-maneho."

"Salamat, sir."

"Check mo kung marami pang gas. Kung konti na lang ay pumunta na muna tayo gas station." Utos ko. Medyo malayo layo kasi ang bahay ni lola dito.

Si Tres ang nagmamaneho ng kotse habang nakaupo kami ni Daisy sa may backseat. Alam na ni Tres ang daanan papunta kay lola dahil doon na siya lumaki.

"Matagal ko ng gusto malaman ito pero paano kayo nagkakilala ni Tres?" Tanong ni Daisy sa amin.

"Before we went to Italy. I think 2 days before iyon na may kasamang bata si lola at pinakilala sa amin si Tres. Simula noon naging magkaibigan na kami at siya lagi kong tinatawagan para kamustahin si lola. Lumaki si Tres kay lola pero noong malaman ni lola na bumalik na ako ng bansa ay sa akin na niya binigay si Tres."

"Grabe ka naman binigay, sir. Parang isa akong bagay na pinamigay lamang ng lola." Tumawa ako sa komento ni Tres kaya nakatikim tuloy ako ng palo sa braso galing kay Daisy.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ni lola. Nauna na kami bumaba ni Daisy bago pa pinasok ni Tres ang kotse sa garahe.

"Ang laki rin pala ng bahay ng lola mo."

"Oo pero puro pusa nga lang ang kasama ni lola dito." Tumingin ako sa ibaba dahil may isang pusa ang lumapit sa akin. Hindi ako mahilig sa pusa pero nakita kong nilalaro ni Daisy ang pusa na lumapit sa akin. "Mahilig ka sa pusa?"

"Yes, kaso hindi ako pwede mag-alaga na kahit anong hayop dahil may allergy si Rin sa balahibo ng hayop."

Sa tagal na namin mag-kasama ay marami pa pala akong hindi alam tungkol sa asawa ko. Wala nga akong ideya mahilig pala siya sa pusa. Isa iyan sa hindi namin pagkakasunduan.

Pumasok na kami ni Daisy sa loob pero ang sabi ng isang maid nasa garden daw si lola kasama ang private nurse niya. Gaano na ba kalubha ang sakit ni lola? Pumunta na lang kami sa garden at nakita ko na si lola habang nakaupo siya sa wheelchair.

Lumapit ako kay lola at lumuhod sa harapan. "Hi, lola."

"Gian, apo... masaya akong dumalaw ka sa akin." Medyo nahihirapan na mag-salita ang lola kaya tumingin ako sa nurse niya.

"Na-stroke ho si lola." Sabi ng nurse sa akin.

"Kailan siya na-stroke?"

"Noong isang araw. Mabuti na nga lang kasama niya ang isa niyang apo sa bahay kaya naisugod siya agad sa ospital." Kumunot ang noo ko dahil ako lang naman ang apo ni lola maliban...

"Hi, 'la." Sabi ni Tres saka nag-mano kay lola.

Tumayo na ako at nakatingin pa rin kay Tres. "Tres, mag-usap nga tayo." Tumingin ako kay lola. "Excuse us, lola."

Lumayo kami ng kaunti ni Tres para mag-usap.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na-stroke pala ang lola?"

"Ilang beses ko na sinusubukang sabihin sayo ang kalagayan ni lola pero masyadong busy ang schedule mo, Gian. Kahapon lang ako nakakuha ng timing na sabihin sayo gusto ka makita ng lola mo."

"Okay, never mind. Sa susunod huwag mo gawin ang ginawa mo ah. Kahit gaano pa busy ang schedule ko ay lumapit ka rin sa akin." Sabi ko saka bumalik sa iba. "Lola, gusto ko po pakilala-"

"Nagpakilala na ako kay lola noong tanungin niya ako kung sino ako." Lumabi si Daisy sa akin. Sarap halikan ang mga labi na yan. "Kinalimutan mo na ako."

"Sorry, wife." Hinalikan ko siya sa pisngi at nilapit ko ang mukha sa tenga niya. "Nag-aalala lamang ako sa kalagayan ni lola. Wala akong alam na-stroke pala siya."

"Okay. Papatawarin kita sa ginawa mo ngayon."

"Hanggang kailan tayo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Mamayang gabi uuwi na tayo."

"No doubt. Hindi mo nga pala kayang iwanan ng matagal ang trabaho mo."

"Kahit busy ako sa trabaho ay nagkakaroon pa rin ako ng oras sayo."

"Hmph!" Inirapan na ako ni Daisy. "Mas mabuti pang makipag usap na lang ako sa pusa kaysa sa taong palaging busy sa trabaho."

"Wife, huwag ganyan. Baka pati sa pusa ay pag-selusan ko."

Napakamot na lamang ako ng ulo dahil pumasok na sa loob si Daisy. Hindi pa siya buntis niyan ah. Paano pa kaya kung buntis na siya? Baka mahihirapan akong suyuin si Daisy sa pagkakataon o magsisi akong binuntis ko siya. Kahit wala pa ay mukhang magsisi na ako na gusto kong magkaroon ng anak sa kanya.

Nag-paalam na kami kay lola na uuwi na bago gumabi. Baka anong oras pa kami makakauwi nito sa bahay.

Tumingin ako kay Daisy dahil hindi na niya ako iniimikan pang muli. "Wife."

"Hmph!" Inirapan pa niya ako.

Ang hirap talaga suyuin ang mga babae kahit kailan pero hindi ko sinabing marami akong babae noon. Si Daisy ang unang babae sa buhay ko.

Bumuntong hinga ako. "Tres, mamaya pagkarating natin sa bahay ay tawagan mo ang sikretarya ko at sabihin mo na hindi muna ako papasok bukas."

"Okay, sir."

Nauna na bumaba si Daisy nang makarating na kami sa bahay kaya sinusundan ko siya sa kwarto namin. Nagsasama na kami sa isang kwarto.

"Kausapin mo naman ako, wife. Sige ka. Kapag hindi mo ko pinapansin-" Nagulat na lang ako ng hatakin niya ako. "Daisy?"

"I want to give you a child."

Kumurap ako. "Huh?"

"I said I want to give you a child."

"Akala ko ba ayaw mo pa dahil natatakot ka baka mangyari ulit ang nangyari."

Umupo na siya sa kama. "Habang nandoon tayo sa bahay nang lola mo ay puro bata ang dumadaan. Naiinggit rin ako sa ibang magulang dahil masaya sila sa mga anak nila. At nabanggit ng lola mo na bago siya mawala sa mundo ay makita niya ang magiging apo niya sayo."

Ganoon pala. Kaya bigla niya sinabi kanina na gusto niya bigyan ako ng anak.

"Sigurado ka ba?"

"Sigurado ako, Gian."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon