Gian's POV
I'm so excited to see my wife again. Para bang ilang araw ko siya hindi nakita kahit ilang oras pa lang. Dali-dali kong pinasok ang kotse ko sa garahe at bumaba na. Nakita kong lumabas ng bahay si Tres.
"Saan ka galing kanina?"
"Sorry, sir kung umalis ako kanina na walang paalam sa inyo. Binisita ko lamang ang lola."
"Kamusta na siya?"
Ang tinatawag na lola ni Tres ay ang lola ko. Nag-iisang anak lang ang mama ko kaya walang ibang kamag anak ang lola ko rito sa Pilipinas maliban sa amin. Isang araw bago kami pumuntang Italy may kasama si lola at pinakilala niya sa amin si Tres. Naging close kami simula noon since wala akong kapatid kaya tinuring ko na siyang kapatid ko. Mahal na mahal ni Tres ang lola dahil siya ang nag-paaral dito.
"Humihina na siya ngayon at ang huling kahilingan niya ay makita niya ang apo niya sayo."
"Apo? Mahirap iyang hinihiling niya sa akin ah. Alam ba ni lola na kinasal na ako?"
Tumango siya sa akin. "I told her everything. Dahil gusto niya malaman kung ano ang kinakaabalahan mo ngayon. Kung bakit hindi ka na bumibisita sa kanya."
Tumango na lamang ako. "Anyway, nakauwi na ba si Daisy?"
"Hindi ko pa nakikita si ma'am Daisy simulang umuwi ako kanina."
"I see..." Baka hindi pa siya umuuwi o pauwi pa lang siya.
Ilang oras na ang lumipas hindi pa rin umuuwi si Daisy. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya ngunit out of coverage. Ano ang nangyari sa kanya? Dapat hindi ko iniwanan si Daisy kanina pero importante yung meeting ko. Fuck. Lagot ako nito kay tito Rocco kapag hindi umuwi si Daisy.
Umiling ako. "No, no. Uuwi siya mamaya. Mag-tiwala ka lang sa asawa mo, Gian."
Kinabukasan nagising ako na hindi man lang nagulo ang kabilang side ng kama. Oh damn! Hindi umuwi si Daisy. Tinawagan ko si Rin dahil alam kong busy ang kambal.
"Hello, Rin."
"Napatawag kayo, kuya."
"Nandiyan ba ang ate mo?"
"Wala si ate dito. Bakit po? May nangyari ba?"
"Wala. Sige, salamat." Binaba ko na yung tawag. Wala rin si Daisy sa kanila. Saan naman kaya pumunta ang asawa ko? Sinubukan ko rin tawagan si Jet dahil alam kong iniwanan ko si Daisy na kasama siya.
"Napatawag ka, Gian."
"Nandiyan pa rin ba si Daisy ngayon?"
"Wala si Daisy dito. Bakit may nangyari ba sa kanya?"
"Hindi kasi umuwi kagabi si Daisy. Tinawagan ko na rin si Rin at ang sabi niya wala rin si Daisy doon sa kanila. Nag-aalala na ako dahil hindi ganito si Daisy kahit lagi niya ako sinisigawan noon. Lagot kasi ako kay tito Rocco kapag nalaman niyang nawawala si Daisy ngayon."
"Nasubukan mo ba tawagan ang mga kaibigan niya?"
"Wala akong contact ng mga kaibigan niya."
Nakarinig ako ng katok sa pinto at niluwa si Tres.
"Sir, nasa ibaba si sir Rocco ngayon."
Oh, shit. Hindi pa ako handa makaharap si tito Rocco ngayon.
"Dude, ibaba ko na ito ah. Nandito kasi si tito Rocco."
"Good luck."
Bumaba na ako ng hagdanan at nakikita ko na nga si tito Rocco. Ilang beses na ako lumunok dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. May alam na ba siya nawawala si Daisy ngayon?
"Gian, nandito ba si Daisy?" Tanong niya sa akin.
"Um..." Shit! Hindi ko alam kung ano ang i-sasagot ko kay tito Rocco.
"Sumagot ka!"
"Wala po."
"Paanong wala?! Asawa mo siya dapat alam mo kung saan pumupunta ang asawa mo!"
"Dinalaw po namin kahapon si Jet sa ospital at nagpaiwan na si Daisy doon dahil bibisitahin pa niya si tita Sarah. Pag-uwi ko kahapon tinanong ko si Tres at ang sabi niya hindi pa daw niya nakikita si Daisy. Ilang oras po ako nag-hintay sa kanya at tinatawagan ko na rin siya kaso out of coverage ang phone niya. Tumawag ako sa inyo dahil ang akala ko doon siya natulog at tinawagan ko na rin si Jet baka binantayan niya sa ospital."
"Hindi ganoon ang anak ko." Sabi niya at nilabas rin niya ang kanyang phone. Para bang may tinatawagan pero hini ko alam kung sino. Ni-loudspeaker pa niya. "Pre..."
"Oh, Rocco. Napatawag ka. May kailangan ka ba?"
"Daisy is missing and I need your help. Nandiyan na ba sina Oliver at Yuan?"
"Wala pa. Ako pa ang nandito ngayon."
"Pwede mo bang hanapin ang location kung saan si Daisy ngayon? Nagbabakasakaling mahanap mo siya, Zion."
"Gagawin ko ang lahat para mahanap ang location at tatawagan na lang kita kapag may nahanap na ako."
"Thanks, man." Binaba na ni tito Rocco ang tawag.
Biglang may pumasok na katanungan sa utak ko ngayon. Ang pagkaalam ko ay isang former police officer si tito Rocco pero umalis siya sa serbisyo sa hindi alam ang dahilan.
Tumingin siya sa akin. "I know that look. Gusto mong malaman kung ano ako. I'm a former agent dahil nagkakaedad na ako kaya umalis na ako sa pagiging agent pero nandoon pa rin ang mga kasamahan ko."
"Alam po ba ni Daisy?"
"Walang alam ang mga anak ko pero alam ni Sarah kung ano ang ginagawa ko. Galit sa akin si Sarah noon at iniisip niya baka may ibang babae na ako kaya hindi niya ako matawagan. At alam ko rin hindi ka ordinaryong businessman, Gian."
Napalunok ako. "I don't know what are you talking about, tito."
"Huwag ka na mag-sinungaling sa akin, Gian. Humingi ako ng tulong sa kaibigan ko na mag-hanap ng information tungkol sayo at nahanap nilang isa kang mafia boss." Ang galing naman ng kaibigan ni tito Rocco na kumuha ng information tungkol sa akin. Kahit ang pagiging mafia ko ay nahalungkat niya. "Your father is also a mafia."
"Walang kinalaman si papa kung bakit naging mafia rin ako. Gusto ko lamang protektahan ang mga taong mahalaga sa akin."
"I know." Napapansin kong ang pag-libot ni tito Rocco ng paningin niya sa buong bahay. This is the first time he visit here. Madalas si tita Sarah o ang mga kapatid niya ang pumupunta dito. "Ang ibang kasamahan mo dito ay mga mafia rin, di ba?"
Wow. Paano niya nalaman isa ring mafia ang ibang kasamahan ko dito? Except the maids but they know I'm a mafia.
"Paano niyo po nalaman?"
"Marami na ako alam tungkol sayo at sa pamilya mo, Gian. Kahit hindi pa kayo pinapanganak ni Daisy."
Mabuti pumayag si tito Rocco na pakasalan ko si Daisy kahit may alam siya tungkol sa akin at sa pamilya ko.
"Tito, kapag nakita na ng kaibigan niyo ang location kung saan si Daisy gusto ko sana na ako ang pumunta doon at i-ligtas siya. Hindi ako papayag sa ginawa niya."
"She's your wife, Gian at may tiwala ako sayo na maililigtas mo ang anak ko."
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...