"Saan po sina mommy at Rin?" Tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita si mommy kahit si Rin.
"Nasa boutique ang mommy niyo at umalis naman si Rin kasama si Gaia at Calyx ngayon." Sagot ni daddy. Hay naku talaga si Rin. Mas close kasi siya kila Gaia at Calyx kahit matanda sa kanya ang dalawang pinsan namin sa kanya.
"Dad, pwede bang umalis pagkatapos kumain? Nag-text kasi kanina yung isang tropa ko at nagyaya lumabas." Paalam ni Riley. Kahit tapos na ang kambal sa pag-aaral ay kailangan pa rin nila mag-paalam kay daddy.
Tumingin si daddy sa kanya. "Hindi ka pwedeng lumabas sa bahay hanggat wala ka pang trabaho ngayon."
Ano na naman kaya ang ginawa ni Riley sa dati niyang pinag tatrabuan? Sobrang tagal na niya doon ah.
"Kung hindi ka lang kasi pasaway at dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo, Riley." Ani Rico.
"Huwag na po kayo mag-away, kuya Rico at kuya Riley. Bad yan." Sabi naman ni Rocky.
"Hindi kami nag-aaway ng kuya Rico mo, Rocky."
Pagkatapos namin kumain ay pinuntahan ko si Rinoa pero ang himbing nang tulog niya.
"Ang cute talaga ni Rinoa." Mahinang sambit ko. Ayaw kong magising ang kapatid ko at umiyak.
"Paano mo nalaman nandito ako?"
Lumingon ako sa likod. "Narinig ko ang mga yapak mo habang naglalakad ka." Tumingin ulit ako kay Rinoa. "Kung magkaroon man tayo ng anak gusto ko yung kasing cute ni Rinoa."
Niyakap niya ako mula sa likod. "Sigurado akong cute rin ang magiging anak natin. Cute mo kaya noong bata pa tayo."
Binaling ko ang tingin sa akin. "Bolero."
Imbes na sagutin pa ako ni Gian ay sinunggaban niya ako halik at agad ko naman siyang tinugon.
Humiwalay na ako baka kung saan pa umabot. "Gusto ko pumunta sa boutique para bisitahin rin si mommy at ang mga kaibigan niya."
"Okay. Paalam tayo sa iba na pupunta tayo sa boutique."
Nag-paalam na kami sa iba na pupuntahan namin si mommy sa boutique bago umuwi.
"Kinausap pala ako ni Rocky kung payag ba akong bisitahin mo sila lagi." Sabi niya habang nagmamaneho.
"Gusto kasi ni Rocky na bumisita ako lagi. Namiss ako ng baby brother namin."
"Pumapayag akong bisitahin mo sila lagi basta kasama si Tres." Psh. Si Tres na naman. Nagsasawa na nga ako makita ang pagmumukha niya pero wala na ako magagawa dahil alam ko namang iniisip lang ni Gian ang protektahan ako. Dalawang beses na ako kinidnap. "Ayaw kong mapamahak ka ulit."
"I know."
Tumingin ako sa labas at nakikita kong pinaparada na pala ni Gian ang kotse sa tapat ng boutique nila mommy. Ang bilis naman namin makarating.
"Puro damit pang kasal pala ang naka display dito." Sabi niya noong nakapasok na kami sa loob.
"Oo, ang magkakaibigan ang gumawa ng damit ng mga kaibigan ni daddy noong kinasal sila. Sobrang sikat nitong boutique."
"Hello." Lumingon ako sa likod at ngumiti ng makita si tita Eunice. "Daisy?"
"Yes po, tita."
"Si Sarah ba ang pinunta mo? Wait lang tatawagin ko siya." Tumalikod na sa akin si tita Eunice at pumunta siya sa office nila.
Tumingin ako kay Gian habang naghihintay. "Ano ang iniisip mo diyan?"
"Ang iniisip ko lang paano kung magpakasal ulit tayo. Alam kong isang simple lang ang kasal natin."
Magpakasal ulit kay Gian? Hindi talaga pumapasok sa isipan ko ang bagay na iyon. Masaya na ko kung ano meron kami ngayon. Okay na sa akin ang makasama siya.
"Daisy." Tumingin ako sa tumawag sa pangalan ko. "Bakit kayo nandito ni Gian?"
"Galing po kami sa bahay kanina at nag-pasya na rin kaming pumunta dito."
"Ang akala ko pa naman kaya nandito kayo dahil gusto niyo ulit ang magpakasal."
Ang pakiramdam ko parang umakyat lahat na dugo ko. "Naku. Mommy, hindi po."
Gusto rin ba nila magpakasal ulit ni Gian? O baka kinausap ni Gian si mommy na hindi ko alam ah.
Hindi na kami tumagal ni Gian sa boutique at nag-paalam na kami kay mommy.
"Kinausap mo ba si mommy na hindi ko alam?" Tanong ko.
"Hindi ko kinakausap si tita Sarah. Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Baka kinausap mo siya tungkol sa kasal na hindi ko alam."
"Baka iniisip niyang magpapakasal ulit tayo dahil nandoon tayo kanina sa boutique."
"Gusto mo bang magpakasal ulit tayo?"
"Okay na akong makasama ka at ang magiging anak natin."
Ngumiti ako at hinawakan ang isa niyang kamay. "Me too. Okay na rin sa akin ang makasama ka."
Nang makarating na kami sa bahay ay nauna na ako pumasok kay Gian dahil pinapasok pa niya ang kotse sa garahe.
"Wife." Lumingon ako at nakita kong may inaabot sa aking paper bag si Gian. "Yung marshmallow mo."
"Oo nga pala." Kinuha ko na sa kanya ang paper bag. "Thank you."
"Hindi sapat ang thank you lang."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Tinuro niya ang kanyang labi at alam ko na ang gusto niyang sabihin. Lumapit ako sa kanya para halikan ko siya sa labi at dapat mabilis lang pero nilagay ni Gian ang isa niyang kamay sa likod ng ulo ko para mas lumalim ang halikan namin.
Huminto kami noong may tumikhim. Nakakahiya dahil may nakakita sa amin. Nahihiya akong umakyat sa taas. Si Gian naman kasi ang kulit.
Narinig ko ang pag-pasok ni Gian sa kwarto namin. "Wife, mawawala ako ng tatlong linggo dahil may business trip ako."
"Tatlong linggo?" Kahit hindi naman ito ang unang beses na pumunta sa business trip si Gian pero mamimiss ko ang presensya niya. Hindi gaya ng dati na wala akong pakialam kung mawala pa siya ng matagal o hindi na bumalik. "Kailan ang alis mo?"
"Bukas. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo ang tungkol dito."
Umiling ako. "Basta mag-iingat ka doon."
Lumapit sa akin si Gian at hinalikan ako sa labi. "I will. Tatawagan kita lagi."
"Dapat lang palagi kang tumawag sa akin para hindi ako mag-aalala sayo."
"Tatlong linggo walang make love."
"Sira. Mas importante ang gagawin mo sa business trip. Kailangan ka sa kumpanya mo at sa ibang business partner mong nandoon."
"Kung pwede nga lang sumama ka doon. Isasama talaga kita."
"Ano ang gagawin ko doon? Wala akong alam tungkol sa business baka ma-out of place lang ako."
Hindi talaga business ang tinapos ko pero sinusubukan ko lang pumasok sa kumpanya ni Gian dati para gumanti sa kanya pero hindi naman niya ako tinanggap. Simula noon ay wala na tumatanggap sa akin sa ibang kumpanya. Sinubukan ko talaga mag-apply sa iba pero wala talaga hanggang sa kinasal na ako kay Gian.
Ang dahilan kung bakit walang tumatanggap na kumpanya dahil kay Gian. Ang sama niya, 'no? May pakiramdam daw siyang may binabalak akong masama kaya inunahan na niya ako. Psh. Gumaganti pa rin talaga sa akin noon. Pero simulang kinasal kami ay ni minsan hindi siya nagsasalita o sumasabat sa tuwing sinisigawan ko siya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomansaSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...