Special Chapter

2.2K 44 1
                                    

Daisy's POV

"Kahit spoiled brat ka mahal na mahal kita." Rinig kong sambit ni daddy.

What the hell? Dito pa talaga sa labas naisipan mang landian ng mga magulang ko. Hindi ba sila nahihiya na maraming tao ang pwede makakita sa kanila? Hay naku...

"Tumigil ka, Rocco. Hindi ko nga maintindihan kung bakit isang spoiled brat-" Tumingin si mommy sa gawi namin ni Gian.

Dahil hindi pumasok si Gian sa trabaho kaya nagpasya kami na bisitahin ang mga magulang ko. Pitong buwan na rin noong pinanganak ko si Gian Luca. Kahit pitong buwan pa lang ang anak namin ay nangungulit na si Gian na bigyan namin agad ng kapatid si Luke sa edad na dalawang taon. Planado na ang lahat. Bwesit. Mag tiis siya, wala pa akong balak sundan si Luke.

"Nandito pala kayo." Sabi ni mommy pagkalapit niya sa amin. "Huwag niyong sabihin narinig niyo ang sinabi ni Rocco?"

"Rinig na rinig namin, mommy."

Humarap si mommy kung nasaan si daddy. "Rocco! Humanda ka sa akin mamaya!"

"Mukhang magugustuhan ko yata 'yan, wifey."

"Ganito ba ang mga magulang mo?" Bulong ni Gian sa akin na kinatingin ko sa kanya.

"Well..." Kibit balikat ako. "Always. Noong bata pa ako ay ayaw tigilan ni daddy si mommy na magkaroon ulit ng anak. Kahit pa paano ay hindi sunod-sunod ang age gap ng mga kapatid ko."

"You have a weird family." Natatawa niyang sinabi.

"Sinabi mo pa..."

Weird nga ang pamilya ko pero masaya naman ako dahil nagkaroon ako ng pamilya na kagaya nila. Buti nga nakilala ni daddy si mommy dahil ayaw kong nahihirapan si daddy sa pag aalaga sa akin noon.

Tiningnan ko si Luke habang karga ni Gian. Mabuti pa ang batang ito ang sarap ng tulog at wala pang pakialam sa nangyayari.

"Pasok na nga tayo."

Simulang lumabas ako ng ospital ay hindi na ako nakaka dalaw sa kanila kaya minsan dumadalaw sa akin sina mommy at daddy para kamustahin ako.

"Ate..." Nakikita ko si Rocky lumalapit sa amin.

"Yo, Rocky." Sabi ni Gian.

Tumingin naman sa kanya si Rocky. "Hello, kuya Gian."

"Gusto mo bang laro tayo ng video game mo?"

"Ang tanda-tanda mo na, hubby tapos video games pa rin."

"Anong masama doon? At isang taon lang ang tanda ko sayo, wife."

"Ayos lang, kuya. Kailangan ko pa kasi tulungan si ate Rin sa pag alaga kay Rinoa." Tumingin naman siya sa akin. "Gusto niyo po ba makita si Rinoa?"

One year and three months na nga pala si Rinoa ngayon. Sabagay, mas matanda siya ng buwan kay Luke.

"Sure." Nakangiting sagot ko.

"Wait lang. Kukunin ko si Rinoa."

"Huwag mo kunin kung tulog si Rinoa ah." Sabi ko. Baka kasi umiyak ang kapatid namin.

"Okay po."

"Biglaan yata ang punta niyo rito." Tumingin ako kay mommy habang lumalapit sa amin. Umupo na rin siya sa sofa na pang solo.

"Hindi po kasi pumasok si Gian sa trabaho ngayon kaya nagpasya kami na bisitahin kayo."

"Inaalagaan ka ba ni Gian." Tanong ni daddy habang nakatayo siya sa likod ni mommy.

Tumingin si momny kay daddy. "Ano ka ba, Rocco. Obvious naman inaalagaan ni Gian si Daisy."

Mukhang okay na ang mga magulang ko pagkatapos nangyari kanina sa labas.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon