Chapter 28

2.2K 43 1
                                    

"Kailan mo pa nalamang buntis ka?"

"Bago ko sagutin yang tanong mo." Tinuro ko ang hinulog niyang cupcake. "Baka langgamin tayo rito kung hindi mo yan linisin."

"Wait. Papalisin ko lang yan sa maid." Lumabas sa kwarto si Gian para mag-tawag ng maid at utusan linisin ang hinulog niyang cupcake. "Paki linis naman yung cupcake sa sahig."

"Okay po, sir." Winalis na noong maid yung cupcake.

Umupo na si Gian sa tabi ko. "So, sagutin mo na yung tanong ko."

"Nalaman ko lang yung bumisita dito si Serena at napansin niyang kakaiba ang kinikilos ko. Niyaya niya ako magpa check-up kaya nalaman kong buntis ako."

"Kailan iyon?"

"Bago ka umuwi galing sa business trip."

"Limang buwan mo na pala nilihim sa akin na nagdadalang tao ka."

"Gusto kong surpresahin ka." Hinimas ko ang umbok kong tyan. "Hindi na ako nagulat kung hindi mo napansin ang pag-laki ng tyan ko."

"Napansin ko ang pag-laki ng tyan mo pero ang akala ko naparami lang ang kain mo."

Lumabi ako. "Naparami naman talaga ang kain ko nitong mga nakaraang araw ah. Matakaw itong anak mo at laging gutom."

Ganito pala ang pakiramdam kapag buntis ka. Kakaiba na ang gusto kong kainin tapos yung mga hindi ko kinakain ay gusto ko ng kainin ngayon.

"That's good. Dapat maging malusog kayo ng magiging anak natin."

"Ikaw pa lang ang sinabihan ko kaya wala pang alam ang pamilya ko."

"Gusto mo bang samahan kitang sabihin sa kanila?"

Umiling ako. "Huwag na. May ibibigay rin ako sa kanila sa susunod na bisita ko."

"Ano iyon?"

Tumayo na ako para kunin ang ibibigay ko sa pamilya ko. Bumalik ako sa pag-upo sa kama at inabot ko sa kanya. "Heto yung ibibigay ko sa kanila."

Tiningnan ni Gian ang laman. Isa lamang iyong damit pang baby na may nakalagay the best grandparents. Bumili ako kanina pagkagaling ko sa check up. Susurpresahin ko rin kasi sila.

"The best grandparents." Binasa ni Gian ang nakasulat sa damit at tumingin siya sa akin. "Gusto ko rin sumama sayo kung bibisitahin mo sila."

"Bakit– I mean alam kong busy ka sa trabaho."

"May gusto lang akong sabihin sa kanila."

"Ano iyon? Sabihin mo sa akin."

"Malalaman mo rin iyon sa tamang panahon. Sila na muna ang kakausapin ko." Binalik na ulit ni Gian yung damit sa paper bag.

"Ang daya naman."

"Malalaman mo rin kung ano iyon. Promise." Hinalikan ako ni Gian sa pisngi. "Alam mo ba nangako ako sa sarili ko kung magkaroon man ako ng anak ay hindi ko paparanas sa kanya ang naranasan ko noong maliit pa ako. Hindi ko maramdamang mahal ako ng mga magulang ko."

"Hindi ako papayag sa ganoon, 'no! Kahit hindi ko nakilala ang tunay kong mama ay pinaramdam naman sa akin ni daddy iyon kahit gaano pa siya busy sa trabaho niya noon. Tapos pinaramdam rin sa akin ni mommy na mahal niya rin ako kahit hindi siya ang tunay kong mommy. Hindi rin iba ang tingin ng mga half siblings sa akin."

Ngumiti siya sa akin. "Mamahalin natin pareho ang anak natin."

"At saka may binanggit ka kanina na panganay natin. May balak ka bang sundan ito?"

Tumango ito sa akin. "Kung ayos lang ba sayo. Gusto ko sana magkaroon ng dalawang anak. I don't care kung parehong lalaki, babae at lalaki o parehong babae ang magiging anak natin. Ang importante mamahalin ko sila."

Aw, ang sweet talaga ni Gian. Kung ganitong side ang nakilala ko sa kanya dati baka noon pa lang ay nagkagusto na ako sa kanya. Sweet, maalalahanin at may isang salita pero may pagka possessive nga lang. Buti nga hindi niya ako pinag bawalan makipag usap sa mga lalaki kong kaibigan. Alam niyang walang intensyon ang mga kaibigan kong kunin ako sa kanya.

"Nagugutom na ako, Gian."

"Oh, shit. Nakalimutan kong utusan yung maid na mag-luto ng may sabaw." Tumayo na si Gian at lumabas na sa kwarto namin.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. "Sama na ako sayo."

Kinabukasan maaga na naman pumasok si Gian at naiintindihan ko kung bakit palagi siya busy nitong mga nakaraang araw. No choice kumakain ako mag-isa kahit may mga kasama naman ako rito. Ayaw nilang samahan akong kumain.

"Daisy." Lumingon ako na may tumawag sa akin at namilog ang mga mata ko ng makita si daddy.

Napatayo ako wala sa oras. "Dad! Ano po ang ginagawa niyo rito?"

Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay. "Mukhang hindi ko yata nakita si Gian ngayon."

"Busy po siya sa kumpanya."

"Hindi ba nangako ako sayo na tuturuan kita kung paano mag-luto." Sabi ni daddy. Nakalimutan ko na nga ang tungkol diyan. Nagpapaturo nga pala ako kay daddy kung paano mag-luto dahil gusto kong lutuan si Gian.

"Tatapusin ko lang po kumain." Umupo na ulit ako. "Tapos na po ba kayo kumain?"

"Tapos na ako kumain bago pa ako pumunta dito."

Pagkatapos ko kumain ay kinuha na ng maid ang pinag kainan ko at nag-simula na rin si daddy turuan ako kung paano mag-luto.

"Dad, bakit ganito ang pinili niyo imbes na mag-trabaho?" Tanong ko kay daddy.

"Kilala mo naman ang mommy niyo lumaki sa kilalang pamilya at isang spoiled brat. Walang alam sa gawaing bahay kaya hinayaan ko siya mag-trabaho imbes ako. Masaya naman ako mag-alaga sa mga kapatid mo pero sumasakit lang ang ulo ko kay Riley. Hindi na nga niya ako inaaway hindi gaya ng dati pero mas lalong tumatagal ay nagiging pasaway."

"Ano po ba nangyari kay Riley kung bakit wala siyang trabaho?"

Bumuntong hinga si daddy. "Kilalang pasaway si Riley pero sa hindi inaasahan ay nakipag away sa boss niya at nag-resign na rin kusa. Hanggang ngayon wala pa siya nahahanap na trabaho kaya siya na muna ang bahala mag-alaga kay Rinoa."

"Kaya po pala hindi mo siya pinayagag gumala noon."

"Akala siguro ng kapatid mo bibigyan ko siya ng pera para gumala siya kasama ang mga kaibigan niya." Inalis na ni daddy yung takip sa niluluto namin. "Malapit na maluto ito."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon