"Tres, punta tayo ng ospital. Paalam mo na rin kay Gian na dadalawin ko si mommy." Sabi ko sa kanya.
Sumama sa amin si Rin dahil papalitan niya si daddy sa pag-bantay kay mommy.
Pagkarating namin sa ospital ay dumeretso na kami ni Rin sa room ni mommy at nagpaiwan si Tres sa may lobby.
"Nandito ka pala, Rin." Tumingin sa akin si daddy nang makita niya kong kasama ni Rin. "Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat kasama mo ang asawa mo?"
"Busy po si Gian sa trabaho at naalala ko na ang lahat, dad."
Niyakap ako ni daddy. "I'm so glad you remember everything, Daisy. Matutuwa ang mommy ko kapag nalaman niyang naalala mo na ang tungkol sa amin."
"Ano po ang nangyari kay mommy kung bakit kayo nandito sa ospital?"
"Nanganak na ang mommy niyo kahapon. Napaaga ang pagpanganak niya but we're expecting this already."
"Really? We're having a baby brother or sister?" Excited ako malaman ang gender ng bunso namin. Hindi ko kasi natanong sa kanila kung ano ang gender ng kapatid ko dati.
"You're having a baby sister."
"Wow. 3 boys and 3 girls." Natawa ako sa sinabi ni Rin.
"May gusto po pala ako malaman, daddy."
"Ano yun?"
"Totoo po bang sinusuntok niyo si Gian noong nasa coma pa ako?"
"Sa kanya kita pinagkatiwala kaya responsibilidad niyang alagaan ka. Hindi ang saktan. Sinabi niya sa amin ng mommy niyo na mahal ka niya at papakasalan ka niya pagbalik niya sa Pilipinas."
"W-Wait. May alam kayong may gusto sa akin si Gian?"
6 years ago inamin ni Gian sa akin na may gusto siya sa akin. Noong mga pahain na iyon ay hindi ako naniniwala sa kanya. Baka sinasabi lang niya iyon para mahulog ako sa kanya.
"Matagal na namin alam ng mommy niyo."
"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?"
"Nirequest ni Gian na huwag sabihin sayo. Ang gusto niyang umamin sayo sa tamang panahon. Yung hindi ka galit sa kanya."
Ngayon ay galit sa akin si Gian dahil sa nakita niya kahapon. Kaya nga nasa ospital rin si Jet.
"Kailan niya po sinabi sa inyo?"
"Um, siguro bago mo naging boyfriend si Jet."
Oh my God! High school pa kami noon kaya lang mas matanda sa akin ng isang taon si Gian. That's why he never been my classmate ever since.
Dinala na ng nurse ang baby sister namin. Ang cute ng kapatid namin dahil kamukhang kamukha ni mommy.
"Masaya dahil naalala mo na kami ngayon, Daisy." Sabi ni mommy habang karga niya ang baby sister namin.
"Ano po pangalan ng baby sister namin?" Tanong ko.
"Rinoa."
Ngumiti ako kay Rinoa. "Hi, Rinoa. Ate Daisy mo ito."
"Kailan niyo ba balak ni Gian magkaroon ng anak? Ang tagal niyo ng kasal ah."
Napaubo ako sa tanong ni mommy. "Soon po."
"So, may balak na kayo magkaroon ng anak?"
Nahihiya akong tumango. Wala na rin naman ako magagawa pa. Baka ano pa ang gawin ni Gian kapag hindi ako pumayag sa kagustuhan niya. Hindi ba lahat na kagustuhan niya dapat masunod. Paano naman ako? Ang unfair!
Ang plano kong tutulungan sina mommy at daddy sa pag-aaral sa mga kapagid ko ay hindi ko nagawa dahil sa biglaang kasal.
"Basta mommy last niyo na yan ni daddy ah." Natatawang sabi ko at saka mahihirapan na si mommy sa panganganak. Nagkaka edad na rin siya.
"Sinabihan ko na rin ang daddy niyo tungkol diyan. Hindi ko nga lang natupad na bigyan siya ng isang dosenang anak. Bakit hindi mo na lang kami bigyan ng isang dosenang apo?"
"Mommy?! Bakit ako lang po ba ang anak niyo? Nandiyan naman si Rin."
"Bakit nadamay ako diyan? Ang bata ko pa at saka wala pa akong boyfriend. Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral. Bakit hindi na lang sina kuya Riley at kuya Rico? Tapos na sila sa pag-aaral at may matinong trabaho na rin."
"Huwag mo asahin ang kambal lalo na si Riley, Rin. Mukhang ang trabaho lang niya ang sineseryoso niya."
"Ikaw talaga, ate. Niloloko mo pa si kuya Riley."
Totoo naman ang sinabi ko kanina ah. Wala pang sineseryoso si Riley kahit nga ang pag-aaral ay hindi niya sineseryoso at madalas pa nga napapatawag sila mommy dahil sobrang pasaway ni Riley. Noong high school ang kambal ay nadadamay si Rico dahil sa kalokohan ni Riley. May isang boyfriend na sinuntok si Rico dahil inagaw ni Riley ang girlfriend nito. Hindi kasi masasabi kung sino si Riley at Rico dahil identical twins silang dalawa.
Napatingin ako sa may pinto noong may kumatok. Ang akala ko nga doctor or nurse yung kumakatok pero nang malaman kung sino ay laking gulat ko. Ano ang ginagawa niya dito? Ang sabi ni Tres sa akin kanina ay mag-overtime siya sa trabaho.
Lumapit ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo dito?"
Pero ano ang maasahan? Ang kakausapin niya ako? Galit pa rin sa akin si Gian.
"Musta na po kayo, tita?"
"I'm okay. Salamat sa pag-bisita, Gian."
Umupo na lamang ako sa couch at tumabi naman sa akin si Rin.
"Gusto mo bang kargahin?" Tanong ni mommy kay Gian.
"Pwede po ba?"
"Oo naman." Inabot ni mommy si Rinoa sa kanya. "Dahan-dahan lang at hawakan mo rin sa ulo niya."
Kitang-kita sa mukha ni Gian ang saya habang karga niya si Rinoa.
"Mukhang gusto na talaga ni kuya Gian ang magkaroon ng anak, ate." Bulong ni Rin sa akin.
Napatingin ako sa kapatid ko. "Baliw ka talaga."
"Bakit naman ako naging baliw? Siguro kita mo naman kung gaano kasaya si kuya Gian noong buhatin niya si Rinoa. Sana sa susunod na balita mo sa amin ay may magkakaroon na ako ng pamangkin."
Sana nga. Kaya lang naman gusto ni Gian ang magkaroon ng anak para may tagapag mana siya.
"Mommy, uwi na po ako." Paalam ko at binaling ko ang tingin kay Rin. "Ikaw na ang bahala kay mommy ah."
"Yes, ate."
"Sabay na ako sayo." Tumingin ako kay Gian bigla. "Pinauwi ko na si Tres pagkarating ko rito at kailangan ko rin bumalik sa GCA."
Masyado nga talagang workaholic itong si Gian baka nga nakakalimutan na niya ang kumain dahil sobrang busy niya sa trabaho.
"Gusto mo bang mamasyal? Hindi pa tayo namasyal simulang kinasal tayo."
"Hindi ba galit ka sa akin?" Tanong ko habang nakatayo kami rito sa tapat ng elevator. Hinihintay namin bumukas ang pinto.
"Oo, galit nga ako sayo pero kung ayaw mo ay ako na lang ang mama–"
"No. Gusto ko ang mamasyal kasama ka. Kailan ba?"
"Bukas tayo mamasyal. Sinabi ba sayo ni Tres na hindi ako makakauwi ngayon dahil may tinatapos pa akong trabaho." Tumango ako sa kanya. "Masakit pa ba?"
Ano ba ang tinutukoy niyang masakit? Pero napansin ko kung saan siya nakaturo. Tinuturo niya ang pagkababae ko.
"Medyo. Tiniis ko na lang yung sakit."
"Magpahinga ka na muna habang wala ako sa bahay pero asahan mo na may mangyayari ulit sa atin kapag hindi na ako busy sa kumpanya."
Napatingin ako sa mga kamay namin noong hawakan ni Gian ang kamay ko. Palihim ako ngumiti but at the same time kinikilig rin. Wait. Kinikilig? Saan galing ang salitang iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/217526315-288-k761979.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...