Chapter 19

2.1K 44 1
                                    

Pagkagising na pagkagising ko ay si Gian kaagad ang hinanap ko. Hindi ko siya mapapatawad kung iniwanan niya ako. Tinanong ko ang mga tao dito pero wala sa kanila ang sumasagot. Kinakabahan ako baka iniwanan na nga talaga ako ni Gian.

"Miss me already?" May familiar na boses akong narinig at nagpakita na sa akin si Gian. Buhay siya.

Naiiyak akong niyakap siya. "I hate you!" Pinag hahampas ko siya sa dibdib. "Ang akala ko iniwanan mo na ako."

"Hindi mangyayari yan. Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi pa ako nagagawang mahalin ng babaeng mahal ko."

"Rocs, iwanan na muna natin sila." Rinig kong sambit ni tito Zion. Tumango lamang si daddy bago pa sila lumabas.

"P-Paano? I mean nakita kitang wala ng malay."

"I'm wearing a bulletproof vest kaya buhay ako pero yung mukha ko ang napuruhan. Sayang ang pagiging gwapo ko." Umupo na si Gian sa silya.

"Ang kapal ng mukha mo ah."

Narinig ko ang pag-tawa ni Gian. Inaamin ko naman gwapo siya ngayon kumpara noong mga bata pa lang kami. Ang payat niya noon as in patpatin talaga siya. Konti mali lang baka tangayin na siya ng malakas na hangin. Ang laki ng improvement niya. "Sana napatawad mo ko sa ginawa ng papa ko. Nadamay ka pa dito."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na manganganib ang buhay ko?"

"Ayaw ko matakot ka kapag sinabi ko sayo ang banta ni papa. Nakausap ko na talaga si Mason pero hindi ko inaasahan na magiging busy ako hanggang sa nakalimutan ko na yung pinag usapan namin ni Mason kahit ang pag-banta ni papa sa akin."

"Patatawarin kita basta bilihan mo ko ng–"

May inabot siya sa akin isang paper bag. "Nagpabili ako kanina kay Tres baka pagkagising mo ay mag-hanap ka sa akin ng marshmallow. Since ayaw kong umalis sa tabi mo hangga't hindi ka pa nagigising."

"Aba. Hindi pa nga tapos ang sasabihin ko." Kinuha ko na sa kanya yung paper bag.

"Sa tagal na panahon tayo mag-kasama kilala na kita, Daisy. Kahit hindi ka ganoon mahilig sa matatamis."

"Hindi naman sa hindi ako mahilig sa matatamis. Ayaw ko lang talaga pumunta ng dentist." Kumuha na ako ng isang marshmallow. Chocolate flavor.

"So, okay na tayo?" Tumango ako sabay subo sa kanya ng isang marshmallow.

"Daisy– Whoops! Maling room yata ang pinuntahan ko." Rinig ko ang boses ni Ryder.

Tumingin ako sa may pinto at nakita ko si Ryder. "Baliw ka talaga, Ry. Pumasok ka na nga dito."

Pumasok na si Ryder sa loob. "Narinig ko kasi kanina kay dad na nandito ka ngayon sa ospital."

"Baka may babae mo ang mag-selos sa akin ah." Biro ko. Naalala ko may babae ang nagalit kay Ryder noon kasama niya ako habang hinihintay namin ang pag-uwi ng kapatid niyang si Millie.

"Wala. Wala na nga akong kinikitang babae ngayon simulang nalaman ni mama ang ginagawa ko." Naiiling natatawa ako kay Ryder. Masyado kasing babaero ang kaibigan ko ito.

May narinig akong tumikhim at napatingin ako kay Gian. "Ryder, si Gian pala. Asawa ko." Halata sa mukha ni Gian ang pagkagulat dahil ngayon ko pa lang siya pinakilala sa iba bilang asawa ko. "Gian, si Ryder."

"Hello, pare." Sabi ni Ryder pero tumango lamang si Gian sa kanya. "Hindi mo naman sinabing kinasal ka na pala ngayon, Daisy. Kilala mo si Zoe na gusto niyang gawan kayo ng mga babae ng wedding gown."

"Biglaan ang pag-kasal namin dahil may atraso ako kay Gian."

"I see... So, may balak ba kayo magpakasal ulit?"

Tumingin ako kay Gian dahil hindi ko alam ang isasagot kay Ryder.

"Hindi namin pinag usapan ni Daisy kung gusto pa niya ang magpakasal sa akin o hindi but I respect her decision."

"How about you, pare?"

"What about me? Ahh... kung ako lang ang masusunod gusto kong magpakasal ulit kay Daisy pero kailangan rin ng desisyon niya."

Tumingin ako kay Ryder nang kalabitin niya ako sa balikat. "Pumayag ka na."

"Bakit ikaw pa ang excited sa magiging desisyon ko?"

Actually, hindi ko iniisip na magpapakasal ulit kay Gian. Ang balak ko noon maghihiwalay kami kapag nabayaran ko na ang atraso ko sa kanya.

"Hindi ako nagmamadaling malaman kung ano man ang desisyon ni Daisy." Ani Gian.

"Anyway, uuwi pala sina Zoe at Clark. Baka bukas pupunta yung iba." Sabi ni Ryder.

"Talaga?" Natuwa ako sa narinig at tumango sa akin si Ryder. "How about Millie?"

"Nasa bahay ngayon si Millie. Kaninang madaling siya umuwi kaya sinundo siya ni dad sa airport."

I'm so excited to see them again.

"Si Jazz? Luluwas ba siya ng Manila?"

"Ewan ko sa kanya. Masyado daw marami siyang ginagawa sa Sky Island."

"Ganoon? Sayang. Akala ko pa naman magkikita na tayong lahat. Kumpleto." Hindi naman masisi kung busy ang iba sa amin. Hindi na kami mga bata na laro lang lagi ang inaatupag.

"I have to go. Sinira kasi ni Millie ang tulog ko kanina dahil gusto daw niya mamasyal."

"Okay, ingat sa pag-uwi mo."

Tumingin ako kay Gian pagkaalis ni Ryder dahil ang tahimik niya.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Wala. Hindi lang ako maka relate sa pinag uusapan niyo kanina. Hindi ko naman kilala yung mga binabanggit niyo."

Tumawa ako. "Don't worry, papakilala kita sa kanilang lahat pero huwag ka mag-selos sa mga lalaki ah. Baka gawin mo rin ang ginawa mo kay Jet. Magagalit ulit ako sayo."

"Promise. Hindi ko papairalin ang pagiging possessive ko."

"Possessive? Sa nakikita ko demonyo, eh." Biro ko.

"I am a demon?"

Tumango ako. "Pinapakita mo sa akin na isa ka ngang demonyo kapag nagagalit ka."

"Isa pala akong demonyo sa ibabaw. Masakit para sa akin noong tinawag mo kong demonyo pero papalampasin ko ito. Mahal kita."

"You're so weird, Gian." Natatawang sabi ko.

"I'm so happy because you're laughing. You're laughing because of me. Alam mo bang pinangarap kong makita ang ngiti mo na ako ang dahilan. Hindi ang ibang tao."

Tinitingnan ko siyang tumatayo. "Saan ka pupunta?"

"Wala. Uupo sa tabi mo." Umupo na nga siya sa tabi ko.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya. "Alam mo ba noong pumunta ka para i-ligtas ako ay doon ko lang narealize na mahal mo talaga ako. Handa kang i-buwis ang buhay mo."

"Sabi ko nga sayo hindi ako papayag na saktan ka kahit sino. Pero hindi pa ako ganoon kalakas para protektahan ka."

Niyakap ko siya at doon na rin tumulo ang luha ko. "Thank you, Gian. And I love you too."

"What?" Humiwalay sa yakap si Gian sa akin. Halatang hindi siya naniniwala. "Really? You love me?"

Tumango ako. "Doon ko rin narealize na mahal kita, Gian."

"Oh, shit." Nakikit sa mga mata niya na naluluha na siya at niyakap niya ulit ako. "Thank you, Daisy."

"But... I feel incomplete. Para bang may kulang sa akin simulang nagising ako kanina." Napansin ko ang biglang pagiging tahimik ulit ni Gian. "Bakit? May dapat ba akong malaman?"

"Nothing. Pahinga ka na ulit. Kailangan mo pa ng pahinga." Tumayo na ulit si Gian at pinahiga na niya ako sa kama. "Pagkalabas mo rito sa ospital ay magbabakasyon tayo sa England para madalaw natin ang grandparents mo. Hindi ba papakilala mo rin ako sa kanila?"

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon