Chapter 15

2.2K 43 1
                                    

"May mga meeting ba ako ngayong umaga?" Tanong ko sa sikretarya ko. Tiningnan ko si Daisy dahil ang sarap ng tulog niya.

"Wala po, sir. Pero mamayang hapon may meeting kayo."

"Okay, good. Lunch time na ako papasok dahil may pupuntahan pa kami ng asawa ko." Sabi ko at binaba ko na ang tawag.

Hindi ko na inabalang gisingin si Daisy dahil alam kong pagod siya kagabi. Bumaba na ako para kumain ng agahan pero naalala ko hindi ko nga pala nakausap si Tres tungkol sa bumangga kay Daisy. Hinanap ko siya kaso wala siya sa buong bahay. Saan kaya iyon pumunta? Wala namang ibang kamag anak si Tres sa Pilipinas.

Pumunta na ako sa kusina para kumain na talaga ng agahan.

"Bakit hindi mo ko ginising?" Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Daisy habang kinusot niya ang mata niya.

"Hindi kita ginising dahil alam kong pagod ka kahapon. Sabayan mo na ako dito."

Tiningnan niya ako. Siguro naka pang-bahay pa ako ngayon. "Hindi ka ba papasok ngayon?"

"Papasok pero mamayang lunch pa. May pupuntahan tayo ngayon."

"Saan tayo pupunta?"

"Ospital. Dadalawin natin si Jet bago pa ako dumeretso sa kumpanya."

"Talaga? Matagal ko ng gustong malaman ang kalagayan ni Jet ngayon. Noong isang araw ko sana balak dalawin si Jet kaso hindi mo ko pinayagan makipag kita sa kanya."

"Yeah, sinabi nga sa akin ni Tres na gusto mong pumuntahan si Jet. At nakakagulat nga dahil sinunod mo ang bilin ko."

"Wala ako magagawa kaysa makita kitang magalit. Nakakatakot ka kaya magalit. Kulang na lang saktan mo rin ako."

"Sorry. Pangako hindi na ako magagalit sayo basta sumunod ka lang sa gusto ko. Susunod rin ako sa mga gusto mo."

Pagkarating namin sa hospital room ni Jet ay kumatok na ako sa pinto bago binuksan. Walang kasama si Jet ever since matagal na kasing wala ang mga magulang niya at nakatira na lamang siya sa kamag anak. Pumunta ako rito noong isang araw kaso ang doctor niya ang kausapin ko at hindi ko sinabi kay Daisy.

"Ayaw ko maging third wheel please lang..." Sabi niya.

"Kamusta ka na, Jet?" Tanong ni Daisy.

"Okay na ako ngayon. Grabe ang suntok ni Gian sa akin. Akala ko nga mamatay na ako."

"Dude, sorry sa ginawa ko sayo noon."

"Ayos lang. Alam ko naman nagalit ka sa nakita mo. Sabi ko nga sayo noon na umamin ka na kay Daisy bago ko pa agawin sayo ang asawa mo."

"Baka gusto mong hindi ka na sisikatan pa ng araw diyan." Inis na sambit ko. Bwesit ito may balak pa talagang agawin si Daisy sa akin.

"Gian, ano ka ba." Binaling ni Daisy ang tingib kay Jet. "May alam kang may gusto sa akin si Gian?"

"Matagal ko ng alam. Simulang mga bata pa lang tayo. The way he bullied you, Daisy. Kulang kasi sa pansin si Gian."

"Hindi ako kulang sa pansin."

"Ano ang tawag sa ginagawa mo noon? Hindi ba nagpapansin ka kay Daisy? Dahil may gusto ka sa kanya pero hindi mo masabi ang totoo. Imbes na aminin mo sa kanya ay mas lalo mo siyang iniinis."

"Totoo ba iyon?" Tanong ni Daisy.

"Kailan pa ako nagbibiro, Daisy? Matagal ko ng kilala si Gian at lalaki rin ako kaya alam ko ang kilos ng mga lalaki. Kung may gusto ba sila sa isang babae. Habang nasa Italy nga itong si Gian ay walang araw na hindi ka niya kinakamusta sa akin."

Tama daw ba sabihin kay Daisy ang ginagawa ko sa tuwing nag-uusap kami ni Jet.

"Dude, walang laglagan."

"Jet, excuse us." Hinila ako ni Daisy palabas nang hospital room. "Sa tagal na panahon natin magkasama mo pero hindi mo sa akin sinasabi. Kailan sa ibang tao ko pa malalaman, Gian?"

"Kapag umamin ba ako noon sayo magagawan mo ba akong mahalin?"

"Maybe. I don't know. Kahit na dapat mo rin sinabi sa akin ang totoo."

"Don't raise my hope if you're not sure yet, wife. Dahil ako rin ang aasa sa ating dalawa at mas lalong masasaktan."

"Maybe I hate you but if I know more about you baka magagawa kong mahalin ka. Ngayon pa nalaman kong nagpapansin ka sa akin para mapansin kita."

"I already told you that, right? Hindi ko intensyon ang ginawa ko sayo noon pero ang gusto ko lang ang mapansin mo ko. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kagaya mo? Sa daming batang babae sa park ay ikaw ang pinaka maganda sa kanila."

Nakita ko ang pag-pula ng pisngi ni Daisy. "Wala pa akong alam tungkol diyan dati dahil mga bata pa tayo."

"Ang kinaiinisan ko pa ay si Jet ang kasama mo habang lumalaki tayo. Wala akong laban sa kabaitan niya."

"Huwag mo i-kumpara ang sarili mo kay Jet. Iba ang ugali mo sa kanya. Siguro nga nakakatakot kang magalit pero alam kong hindi ka magagalit na walang dahilan. Ako ang may kasalanan kaya ka nagalit noon at tinanggap ko lahat na galit mo. Kahit minsan ayaw mo kong pansinin."

"Hindi ko nga kayang hindi kita pansinin, eh. Kaya nga pinuntahan kita noong dinalaw mo ang mommy mo."

Niyakap niya ako. "Simula ngayon maging honest ka sa akin. Maybe I'm not perfect dahil nakakagawa rin ako ng mali sayo."

"To be fair, maging honest ka rin sa akin, wife."

"Let's talk about it tonight. Pag-uwi mo galing sa trabaho." Tumango ako. Mabuti pa nga pag-usapan namin kaysa yung palagi ako nakakatanggap na masasakit na salita mula sa kanya. "Balik na tayo sa loob."

"Kailangan ko na rin ang pumasok. May meeting pa kasi ako mamaya at magpapaalam lang ako kay Jet."

"Okay. Ingat ka lagi."

"Hindi mo rin ba dadalawin si tita ngayon?"

"Later. Gusto ko pa kasi makausap si Jet."

Hinalikan ko siya. "Okay. Tawagan mo na lang ako kung nakauwi ka na sa bahay ah." Nauna na ako pumasok sa loob ng room. "Dude, kailangan ko ng pumasok ngayon. Ikaw na ang bahala kay Daisy ah."

"Akala ko hindi ka pumasok ngayon."

"May importanteng meeting ako ngayon kaya kailangan kong pumasok." Tinapik ko ang balikat ni Jet. "Magpagaling ka."

"Sige, ingat."

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon