Ilang araw na pero wala pa ring malay si Daisy. I'm so scared but hoping she will wake up sooner or later. Palagi rin ako bumisita sa kanya kahit makikita ko pa si tito Rocco. Palagi nga rin ako nakakatanggap na suntok galing sa kay tito Rocco pero lahat na iyon ay tinatanggap ko na lamang. I deserved a punch from her father.
Ngayon ay dumalaw ulit ako pero laking gulat ko ng makitang gising na si Daisy. Salamat hindi niya kami iniwanan.
"Sino ka?" Sabi niya.
Nagulat ako dahil wala siya maalala kung sino ako. Wala rin siyang maalala na asawa niya ako. "I-I'm nobody. Napag utusan lang ako na pumunta dito."
"Sorry ah. Wala ako maalala. Kahit nga ang sarili ko hindi ko maalala."
"Your name is Daisy."
"Hindi ba kita boyfriend?" Umiling ako sa kanya. "Eh, ano kita? Imposibleng asawa. Parang ang bata ko pa para magpakasal."
Ngumiti ako ng pilit. "Nobody."
Sabi ko nga dati ay pipirmahan ko yung annulment namin kapag nagising na siya at ibabalik ko sa kanya ang kagustuhan niya.
"Why are you always answering nobody?"
"Listen, we're married but ever since you never love me. Kaya nangako ako sa sarili na kapag nagising ka ay pipirmahan ko na ang annulment natin na matagal mo ng gustong makuha."
"Why? Don't you love me anymore?"
"I still love you." Niyakap ko si Daisy at doon na rin tumulo ang luha ko. "Ayaw ko lang na masaktan ka nang dahil sa akin.
Umuwi ako sa bahay pagkarating ni Rico sa ospital para bantayan ang ate niya. Nalaman na rin ni Rico na walang maalala si Daisy kahit sino sa amin.
Ibibigay ko na lamang itong annulment paper kapag maalala na ni Daisy ang lahat. Sa ngayon ay aalamin ko na muna kung sino ang bumangga kay Daisy dahil hit and run ang ginawa ng driver na iyon. Ni hindi man lang bumaba ng kotse para tulungan kami.
"Tres." Tawag ko.
"Yes, sir?"
"Gusto ko alamin mo kung sino ang bumangga kay Daisy at kapag nalaman mo na kung sino ay i-report mo agad sa akin." Utos ko. Maling tao ang binangga niya.
Maybe my own father is a mafia and I am also a mafia. Iyon ang sikreto ko na hindi ko masabi sabi kahit sino. Kahit kay Daisy. Ang nakakaalam lang na isa akong mafia ay ang mga kasamahan ko dito sa bahay. At wala akong sinasanto na kahit sinong bumangga sa akin.
"Okay, sir. Aalamin ko kung sino ang bumangga kay ma'am Daisy noong gabing iyon."
Kinusot ko ang mata ko pagkagising kinabukasan. Inaantok pa ako dahil anong oras na ako natulog at may tinatapos pa akong trabaho. Pinadala ko sa sikretarya ko yung mga dokumento.
"Sawakas naisip mo pa magising, kuya Gian."
Tumingin ako sa nag-salita pag-bukas ko ng pinto sa kwarto. "Rin. Ano ang ginagawa mo rito?"
"Nasa ibaba si mommy at ate dahil gusto ni ate na dito tumira. Since kasal naman kayong dalawa."
Natuwa ako ng makita ko si Daisy habang nakaupo siya sa sofa kasama si tita Sarah.
"Inisturbo ba ni Rin ang tulog mo, Gian?"
"Hindi po. Gising na ako noong nalaman kong nandito pala kayo." Tumingin ako kay Daisy at ngumiti ng pilit. Ginantihan niya rin ako ng ngiti. Sana nga lang ngumiti rin siya sa akin kapag naalala na niya ako kaso imposible.
"Kaya kami nandito ngayon dahil sa kagustuhan ni Daisy na dito tumira kasama ka. Kasal pa rin kayong dalawa kaya dapat na magkasama kayo. Huwag mo isipin ang asawa ko. Kinausap ko na siya bigyan ka ng pangalawang pagkataon."
"Salamat po, tita."
"Basta bumawi ka na kay Daisy. Sa lahat na kasalanan na ginawa mo noon sa kanya."
"Promise po. Babawi ako kay Daisy at magiging mabuting asawa ako sa kanya."
Pwede ako makabawi kay Daisy o hindi. Depende sa magiging resulta kapag may naalala na siya tungkol sa akin. Galit pa rin ba siya o hindi na.
"Wala pa ba tayong anak?" Tanong niya sa akin.
Umupo ako sa tabi ni Daisy. "Wala pa. Ayaw mo kasing bigyan ako ng anak."
"Bakit? Kasal naman tayo ah. Normal sa atin ang magkaroon ng anak. Ilang taon na tayong kasal?"
"Anim na taon."
"Oh, 6 years na pala tayong kasal. Bakit wala pa tayong anak?"
"Galit ka sa akin kaya ayaw mo kong bigyan ng anak. O sabihin natin na ayaw mo ipagbubuntis ang anak ng isang demonyo na gaya ko."
"Demonyo ka ba?"
"Iyon ang tingin mo sa akin. Dahil sa akin kaya–"
"Pumapayag akong bigyan ka ng anak."
Humarap ako kay Daisy gulat na gulat. Tama ba ang dinig ko? Bibigyan niya ako ng anak. "Sure ka? Baka pag-sisihan mo lang kapag may maalala ka na. O kaya i-sisi mo sa akin ang lahat."
"I'm really sure."
Tumayo na ako at binuhat ko si Daisy para dalhin sa kwarto ko. Wala akong pakialam kung tirik na tirik pa ang araw. Walang pinipiling oras ang love making. Gusto ko na ulit may mangyari sa amin ni Daisy dahil hindi natuloy noong araw ng kasal namin. Nasira ang lahat na plano ko noon dahil tinawag akong demonyo ni Daisy. Nasaktan talaga ako doon. Demonyo ang tingin niya sa akin.
"I can't do it right now. I know you're tired. Pahinga ka na muna." Hinalikan ko siya sa noo. "Maybe next time."
Hinawakan niya ang braso ko. "Stay here."
"Okay, I'll stay here."
Nang nakatulog na si Daisy ay dahan-dahan ko inaalis ang braso niya nakapalibot sa akin. Bumaba na ako para utusan ang maid na mag-luto na at pagkagising ni Daisy ay kakain na kami ng pananghalian. Hindi nga pala ako kumain ng agahan ngayon. Mamayang lunch na lang ako kakain.
Bumalik na ako sa kwarto baka magising si Daisy na wala ako sa tabi niya at magalit pa sa akin. Knowing her, palaging galit sa akin. Sa loob pa naman ng anim na taon namin magkasama ay alam ko na ang ugali niya. Lagi niya ako sinisigawan pero iniintindi ko na lang ang lahat na galit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband
RomanceSequel of 5 Signs To Love You Si Daisy ay anak sa unang asawa ni Rocco. Mabait, masunuring anak sa mga magulang niya at maalagang kapatid sa mga kapatid niya. Paano na lang kung nagkaroon ng kasalanan si Daisy at para hindi masira ang pangalan nila...