I

9K 243 58
                                    

SSFY 1

“Patapos na ako,” sabi ni Lyrae. We are having a video call habang nagsisigawa kami ng plates namin for design 4.

“Isang malaking sana all,” stressed na sabi ni Ryezelle sa isa pang linya, pinapakinggan ko lang sila mag-usap at hindi na inabalang tignan pa ang phone dahil for sure puro ceiling lang ang makikita ko.

“Ikaw Ada? Buhay ka pa ba?” tanong ni Rye sa akin kaya natawa ako. “Malapit na akong mamatay ‘wag kayong maingay,” I said and they laughed at me.

“Gustong-gusto ko talaga ang stressed version ni Ada,” comment naman ni Winona.

“Nawawala ang halo niya kapag stressed siya e,” sagot pa ni Lyrae. Natawa na lang ako at hinayaan na sila mag-usap. Nanahimik na lang ako para makapag focus sa ginagawa namin.

“Ayokong gawin 'to sa inyo pero inaantok na ako bye bitches and Ada,” sabi ni Lyrae. Si Rae talaga ang pinakamabilis gumawa sa amin. Parang lahat ng ideas bigla na lang pumapasok sa isip niya tapos automatic na madadrawing na niya.

Mabagal kasi ako sa ganiyan e, parang wala laging concept na nabubuo sa isip ko. Kailangan ko pa ng matinding research bago ko pa masimulan ang mga major plates ko.

“Hindi ko na kaya, ang sakit na ng lower back ko,” sabi ni Winona and I couldn’t agree more.

Ang daming salonpas na ang nakalagay sa likod ko dahil sa sakit pero patapos naman na ako, bahala na kung bumalik nanaman na puro pula ang plates ko, sanay na ako basta napasa pa rin ako.

“Tutulog na ako, good night,” I said. Hindi ko na kaya feeling ko hihimatayin na ako bukas or later pala kasi 4 hours na lang before our class e, baka matulog ako ng one hour tapos prepare na ulit ako pagpasok

“Sana lahat makakatulog,” sagot ni Rye sa akin. “Goodnight baby girl labyu,” sabi niya. They probably end the call na rin pagtapos noon kasi dalawa na lang sila ni Winona na gising.

I ring bind my plates bago ako naghilamos, nagtoothbrush at natulog.

Parang ipinikit ko lang ang mga mata ko biglang nagring na ang alarm ko that’s why hirap na hirap ang mga mata ko sa pagdilat.

Naghilamos lang ulit ako at nagtoothbrush, I did not take a full bath dahil basically wala pa rin akong tulog, baka magkasakit ako so I just took a half bath. I sprayed dry shampoo all over my hair baka kasi bumaho na buhok ko e.

I brought my board na pagkalaki-laki, kung tracing paper lang sana ito ay pwede ko pang irolyo kaso 'yong title page ko nakalagay sa board kaya hindi ko marolyo, pahirapan nanaman ito sa pagcocommute.

Kahit jeep lang pwede na kaso I still chose to ride a bus kasi hirap nga ako dahil sa plates ko pero mahirap pa rin pala kahit bus dahil tayuan na ang mga tao.

I keep saying sorry kasi ang dami kong natatamaan pero mas importante ang plates ko as of now. Nang mahanap ko ang tamang pwesto saka naman ako nilapitan ng konduktor at hindi ko alam paano ko kukuhanin ang wallet ko habang hawak-hawak ko ang plates ko at the same time nakahawak ako sa metal bar para hindi ako matumba. Gusto ko sabihin kay Kuya na mamaya na lang kapag lumuwag na ang kaso nga lang nahihiya ako at tsaka malapit lang naman ako.

I did everything I could para makuha ko ang wallet ko at nakapagbayad ako nang maayos kaso nga lang ay may natamaan ako ng plates sa ulo and he’s sleeping pa!

“I’m sorry, I didn’t mean to wake you up,” sabi ko. Parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa takot nang tumingin siya sa akin. Siguro tama nga sila na lokohin mo na ang lasing 'wag lang ang bagong gising.

Pero hindi ko siya niloko! I just had to do it para makapagbayad ako. Posible pala sa tao na maging sobrang itim ng awra, I swear the moment he look up at me akala ko magbubuga siya ng apoy.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon