SSFY 7
"What did you do? Bakit wala si Paula?" pang-uusisa ko kay Kairo, siya kasi ang huling kausap ni Paula pagkatapos niya akong itulak.
Tawa siya nang tawa habang binibitbit na namin ang mga gawa namin dahil naka-set up na ang stage sa grounds
"Wala akong ginagawa ah." Obvious naman na may nangyari pero ewan ko bakit siya tuwang tuwa, natatawa rin tuloy ako sa tawa niya.
Biglang may humablot sa bitbit ko at nakita si Uno na ang sama ng tingin sa akin. "Bakit galit ka nanaman?" curious na tanong ko. Itinaas niya ang bitbit niya na inagaw niya sa akin
"'Yung kamay mo baka lumala," sabi niya bago ako tinalikuran. Napatingin ako kay Kairo na napailing na lang at inaya na akong bumaba.
"Pagka-set up ng stage, may gagawin pa ba tayo?" tanong ko kay Kairo habang nag-aantay kami sa may elevator.
Nag-isip siya saglit "Hmm wala na, ginawa mo na pati program diba?" tumango ako.
Sobrang all around ko na dahil kay Paula, kung ano-ano ba naman pinapagawa sa akin no'n.
"Wala na bang meeting bukas?" tanong ko ulit. Balak ko kasi na bumawi kila Win kasi nga sobrang nabusy ako this whole month.
"Mayroon pero finishing touches na lang." Tumango ako.
Nag-aayos na kami sa may stage pati ang mga ilaw chine-check na namin dahil may mag-ge-general practice pa roon bukas.
Habang inaayos ko ang backdrop nahihirapan ako dahil hindi ko maabot at ayaw niyang mag-stay put sa pwesto. Kukuha na sana ako ng tungtungan nang lumapit si Uno at siya ang nag-ayos.
"Ako na nga," sabi niya. Napatingin na lang tuloy ako habang ginagawa niya 'yon. Mr. Perfectionist talaga ang isang 'to kaya siguro madalas inis siya sa akin, lutang kasi ako at clumsy madalas.
Mabilis lang niya iyon nagawa dahil matangkad siya. "Good job," sabi ko sa kaniya at tinignan niya naman ako nang nakakunot ang noo na para bang na-we-weirduhan siya sa akin.
Kinuha ko muna ang ilang pang design na nasa lapag at nagsimulang ayusin iyon bago ako nagsalita.
"Kapag kasi nag-thank you ako ayaw mo kaya good job na lang," natatawang paliwanag ko. Napailing na lang siya na parang wala siyang magawa sa kaweirduhan ko pero totoo naman ang sinabi ko baka kapag nag-thank you ako sabihin niya 'wag ako mag-thank you dahil ginawa niya lang 'yon dahil ang bagal ko kasi hindi ko maabot.
Hindi siya umalis sa tabi ko, kumuha lang din siya ng kung ano sa lapag at inayos niya rin.
"Ayaw mo ba sa polite words?" Tumingin siya sa akin na para bang ang stupid ng tanong ko pero hindi ko na minasama kasi he's Uno, normal na iyan sa kaniya.
"Anong sinasabi mo?" he shot back.
I continued what I'm doing and decided to answer him kahit baka mairita siya sa akin. "Ayaw mo na nag-t-thank you ako, ayaw mo rin na nag so-sorry ako." Hindi siya sumagot, tahimik lang siya sa tabi ko habang busy na busy sa ginagawa pero alam ko naman na narinig niya ako baka nag-re-reflect siya or baka hindi niya napansin na gano'n siya.
"Ano lang tinatanggap mo?" pangungulit ko.
Hindi niya pa rin ako sinasagot but okay lang at least hindi pa siya naalis sa tabi ko kahit gusto na niya siguro akong layasan at nakukulitan na sa akin.
"Good morning? Good night? O baka naman I love you?" Agad siyang napatingin sa akin kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
I smiled a little bago ko iniwas ang mata ko sa kaniya kasi medyo naiilang ako kung paano niya ako tignan baka gusto na niya akong patayin sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...