XXVII

4.4K 143 24
                                    

SSFY 27

“Good Morning.” I opened my eyes just to see Uno’s face na gising na pero nakaharap pa rin siya hanggang ngayon sa akin at hindi man lang siya bumangon na para magprepare pumasok.

“Good Morning,” sagot ko. Napatingin ako sa oras, later than the usual ang gising ko ngayon. Pinag-iisipan ko kung gusto ko na bang bumangon kung ganito ba naman ang kaharap ko.

In fairness lakas makagood mood kapag nagising kang mukha ni Uno ang bubungad sa’yo.

Parang naramdaman ko talagang anak ako ng Diyos dahil ang swerte ko.

“Kanina ka pa gising?” I asked in a low voice, medyo paos pa ako dahil bagong gising ako.

Ang lapit ng mga mukha namin hindi ko tuloy masyado mabuka bibig ko dahil sa morning breath.

“Hmm,” tanging sagot niya habang tinatanggal ang kaunting hibla ng buhok sa mukha ko.

Do workmates do this? Nakakaloka.

“Dapat ginising mo 'ko, I still have to go to work,” natatawang sabi ko pero umiling siya.

“I'm making the most out of this situation,” sagot niya habang nakatingin pa rin sa mukha ko.

“What situation?” tanong ko. Imbis na sumagot agad ay yinakap niya ako papalapit sa kaniya kaya dibdib niya na tuloy ang kaharap ko.

“This one,” he whispered in a low voice, napangiti na lang ako sa ginagawa niya.

“Ahhh! Feels good.” I chuckled while my face is still buried on his chest. Ang cute niya kasi nang sabihin niya iyon.

We cuddled for I don’t know how long before we got up and prepare for our own works.

I took a shower and paglabas ko, nagluluto si Uno sa may kitchen kaya pinuntahan ko siya, hindi na dapat ako kakain dahil late na talaga ako but minsan lang naman ‘to, mag-o-overtime na lang ako mamaya.

Magrereklamo sana ako na sana hindi na siya nagluto kaso ayaw nga ni Uno na hindi ako kumakain. Hindi siya naniniwala na kumakain naman talaga ako hangga’t hindi niya nakikita with his own eyes.

Nakasuot lang siya ng undershirt and slacks, hindi niya pa suot ang dress shirt niya na nakita kong nakahanger sa may kwarto ko.

Hinainan niya ako ng fried rice, corned beef na may patatas at maraming onions tsaka fried egg.

“Wow thanks.” Hindi ako heavy eater kapag umaga kasi wala pa akong gana, pero this time parang natakam talaga ako sa pagkain plus maganda rin kasi ang gising ko, though late na nga ako.

“Eat a lot.” He smiled at sinabayan ako kumain, nilagyan niya rin ng tubig ang baso ko. Grabe alagang-alaga naman ako kapag nandito siya. Nakakawala ng pagod tsaka lungkot.

“Why are you smiling?” nagtatakang tanong niya, hindi ko tuloy napansin na nakangiti pala ako.

“Hmm naisip ko lang na i-consider ang advice mo sa akin.” Kimunot ang noo niya na parang hindi niya maalala ang sinasabi ko, sinubo niya muna ang pagkain sa kutsara niya bago sumagot sa akin.

“What advice?” he asked after drinking water.

“Na I should get a boyfriend already, feels good to have someone taking care of me,” natatawang sagot ko. Halatang pinipigilan niya ang ngiti niya but he failed. The side of his lips rose as he let out a laugh.

“I told you,” mayabang na sabi niya. Napailing na lang ako, feeling ko kahit isang araw lang naman siya nagstay dito maaalala ko na siya sa bawat sulok ng condo ko.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon